West Hansen is with Ella Tagle
❤️
In a Relationship with Ella Tagle
Today with Ella TagleNaglilinis ako ng gallery ko nang makita ko yung screenshot ko no'ng mag-notif sa akin dati yung relationship request ni West. Grabe naaalala ko pa rin yung kilig ko no'n pati pag-iyak ko, kasi hello, ako nanliligaw, ako talaga ang tinanong?
Pero okay lang siyempre, tatanggi pa ba ako? West na, eh. Takot ko lang pakawalan siya.
Naks.
"Hey," Napalingon ako kay West nang maupo siya sa tabi ko. Lalo naman nag-ingay sina Val at Jo, parang mga hindi nauubusan ng energy sa katawan. "Pagod ka na?"
Umiling ako at hinayaan lang siyang sumandal sa akin. Ibinaba ko ang phone para haplusin yung buhok niya. Ang haba na ng hair niya na hanggang baywang, bagay na bagay sa kanya.
Ngayon ay isa na rin 'yon sa distinction ng kambal. Literal na maikli kasi ngayon ang buhok ni East, matapos niya pahabain iyon ay pinaputol niya rin at ni-donate kay Lucy for it to be a wig. Nagc-chemo kasi which is understandable.
Napatingin ako sa kanila. Nagsosolo lang sila sa gilid. Nakalabas na si Lucy ng hospital after ng ilang years—labas pasok siya ng lugar—pero sana for real na 'tong paglabas niya.
Kahit kasi si West ay naaapektuhan sa pagbabago ni East. She's still cheerful pero parang nabawasan. It's obvious na nag-iisip siya regarding sa girlfriend niya.
Kaya sana talaga, sana...magaling na for real si Lucy. Hanggang ngayon kasi ay mino-monitor pa rin ang health niya.
Siguro breath of fresh air na rin na nakapag-outing kami ngayong vacation. Nakakapagod maging college student.
Buti na lang lahat kami libre at g na g gumala. Maganda rin mag-beach once in a while. Tumingin ako sa langit, ang cute lang na may stars pa rin akong nakikita kahit papaano. Medyo dim sa area namin dahil malayo kami sa part na may mga stands at kung anu-ano pa. Mas maingay ro'n, eh, lahat kami gusto lang ng saktong peaceful.
Nilaru-laro ko yung buhangin sa paa ko. Natawa ako nang makilaro si West pero paa ko naman yung pinagti-trip-an niya.
"Hindi ka pa inaantok?" tanong niya.
"Medyo lang, ikaw?"
"Medyo rin." Humawak siya sa kamay ko at hinalikan 'yon. Hinawakan ko siya sa pisngi at mabilis siyang kinintalan ng halik sa labi. Nakarinig ako ng kantyawan galing kina Jo na hindi ko na lang pinansin. "Would be nice if Jam's here, too."
"Sa susunod hilahin na talaga natin kasama ng anak niya."
Nasa college na rin si Jam ngayon, pero mas ahead kami sa kanya. Education major in math ang course niya, parehas sila nitong si West, ang pinagkaiba lang ay si English naman ang major ng girlfriend ko.
Hands on mom din kasi si Jam, tsaka ang bait na bata ni Yohann, halatang magaling mag-alaga yung best friend ni West. Siyempre ninang kami, cute-cute ng inaanak namin.
Si Jo naman nag-IT, same kay Valeen. Parang kahit saan yata magkadikit na yung mag-jowang 'yon, classmate din sila dahil naka-block section. Dati nag-iinarte pa si Val tapos magiging sila rin naman pala. Kaka-6 months lang nila, ang tagal ng naging habulan ng dalawa.
Psychology ang kinuha ko. Sabi nila walang math pero scammer sila. Nakaway ang statistics sa akin tapos lagi na lang may research, umay talaga. Gusto ko na rin naman ang course ko kaya hindi na ako naalma.
Si East naman siya lang ang nahiwalay sa amin dahil hindi in-offer ng univ namin yung course na kinuha niya which is BS in Human Biology, she's pursuing to be a doctor someday.
Dahil na rin kay Lucy.
"Do you think we're growing up too fast?" tanong niya. Pinaikot niya ang braso sa baywang ko at bahagya akong hinapit palapit sa kanya. "Kapag naiisip ko yung mga nangyari noon, parang kahapon lang lahat. But if you're thinking about the present, you'll realize how much we've changed. We've grown a little bit older, matured a bit, everything about us isn't the way we all used to be."
"Nalulungkot ka ba?" Hindi ko maiwasang itanong. Kasi ako sa sarili ko, kapag naiisip ko yung highschool and more youngers years, maiisip mo na lang na masarap maging bata ulit. Siguro kasi iba lang din yung weight ng responsibilities ngayon.
What more kung makatapos kami?
Pero sana kayanin. Kasama ko naman din si West, tsaka naka-support sina Mama at Mimi, pati na rin sina Ate North.
"It's just nostalgic." Umiling siya bago ako halikan sa tuktok ng ulo ko. "But I like what's in front of me."
Napangiti na lang ako. "I love you."
"I love you."
"Magsusulat ka ba mamaya bago matulog?" tanong ko. Ang alam ko kasi ay may manuscript pa siya na kailangan i-revise. Sa huli, naging published writer pa rin si West Hansen.
She buried her face on my neck. "I want you. Later."
"Wuy."
Pero bet.
_____fin
Next to read in the series: Unrequited
West and Ella's story ended the way I want it. I was supposed to write a two part epilogue but decided against it and instead, will just write a special chapter/s na lang if ever. I wanted the story to be just all fluff with less drama and complications, just a simple highschool love story and well, a bit of a readerxwriter theme. Welp, I'm satisfied with my work and I enjoyed every single thing I've written.
Thank you for reading! Hope you enjoyed until the very end. ✨
Road to North na ang focus ko, yey.
— Iris
BINABASA MO ANG
Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]
Teen Fiction[This is a GL story] Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 19, 2021 ** Ang Wattpad writer na si Nishi_Ishin ang ideal guy ni Ella. Hindi naman talaga niya ito kilala pero pakiramdam niya ay kasing fla...