Chapter 16

5.5K 443 91
                                    

Valeen
I wanna gooooooo

Napasimangot ako nang mabasa ang chat ni Val. Kakarating ko lang dito sa venue, nasa may gate na ako pero nahihiya pa ako pumasok. 18th birthday ng kaklase namin at in-invite niya ang lahat ng mga kaklase namin. Bongga ng venue napakalaki kaso nakakahiya pumasok talaga tapos wala pa akong kasabay. Hay...

Ella
Halika naaaaaa

Supposedly ay dapat kasama ko si Val kasi alam naman niya hindi ako basta pupunta nang walang kasama. Kaso kung kailan naman ayos na saka naman biglang hindi siya pwede. So sad talaga this life. Kung hindi lang bago itong white dress pati heels ko na binili pa nina Mama para sa okasyon na 'to hindi na lang talaga ako tutuloy.

Ang ganda pa naman nito kaya ng ito ang pinili ko, buti na lang bumagay sa akin. Fitted ang dress pero naitago namang maigi ang baby fats ko, buti na lang. Ewan ko na lang kapag kumain ako mamaya, baka magparamdam sila kapag hindi na nakahinga. Naging extra tall din ako dahil three inch ang suot kong heels, pwede na. Feeling ko ang pretty ko today dahil ang galing mag-make up ni Mimi, light lang naman ang ginawa niya. Nakatali rin ng mataas ang buhok pero messy ang dating. Sabi niya style daw iyon, umoo na lang ako.

Kanina pa ako palingun-lingon, naghahanap ng familiar na mukha para lang makapasok ako. Pero medyo maaga pa kasi, sina mama naman kasi alam nang Filipino time tapos gusto pa on time ako. 7pm ang start ng party pero nandito na ako kahit 6:45pm pa lang.

Valeen
Girl kung pwede lang T-T

Ella
T-T

Valeen
Ikain mo na lang ako, iinom mo na lang ako, i-party mo na lang ako. Pakitanaw na lang din si Crush para saken hihe

"Ella?"

"Ay, crush!" Natutop ko ang bibig dahil sa nabanggit ko. Napatingin ako kay West, nasa sasakyan siya at nakababa lang ang bintana ng sasakyan kung nasaan siya. Bumaba rin yung salamin sa may driver seat at nakita ko rin yung pretty niyang ate na teacher. Hay...lahi talaga ng mga magaganda.

Bumaba siya ng sasakyan at mabilis na hinarap yung ate niya na nasa sasakyan pa rin. "Ate North, una na ako."

"Susunduin kita later, okay?" Narinig kong sabi ng kapatid niya. Pati boses ang ganda, malumanay na malambing. Gusto ko rin ng ganoon kagandang ate. 

"Okay."

Lumingon sa akin si Ate North niya kaya medyo nabigla ako. She smiled at naramdaman ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko. "Hi...Ella, right?"

"O-opo." Nautal na sagot ko. Sinubukan ko ngumiti kaso feeling ko ngiwi iyon kasi natawa siya. "H-hello po."

Nakakahiya ka, Ella!

"Enjoy the party." Tinaas niya ang dalawang kilay at ngumiti ulit. Napatango na lang ako kasi feeling ko mauutal pa rin ako once na sumagot pa ulit ako. Tinaas na niya ang salamin ng sasakyan.

Hindi nagtagal ay nagmaneho na ulit siya paalis kaya kami na lang ni West ang naiwan. Saka lang ako nagka-time na pagmasdan siya. Nakakatulala siya today, nakakadoble ng pagka-crush. Kung makikita 'to ni Valeen malamang magwawala sa kilig iyon, ako nga nagpipigil lang.

Naka-black off shoulder dress siya, hindi iyon hapit sa katawan pero feeling ko ang sexy niya na conservative tapos ang puti-puti niya pa. Kung may ganoong combination, siya nang perfect description. Crushable talaga kakagigil, hay. Mas matangkad pa rin siya sa akin dahil naka-heels din siya. Naka-light make lang din siya pero mas defined yung eye make up niya, parang ang tingkad tuloy ng brown eyes niya. Nakalugay lang din ang buhok na wavy ang dulo. She's wearing a pair of silver earrings na same sa design ng kwintas niya, parehas may moon na nakasabit.

Jonah Complex (GL) [HSS #3, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon