Napahikab ako at saka nag-inat pagkababa ko ng kama. Tiningnan ko ang aking cellphone. Alas otso pa ng umaga kaya may oras pa akong magluto. May oras pa akong magsulat para sa trabaho ko tapos makakapagbasa pa rin ako at makakabili rin ako ng mga libro ko mamaya.
Magluluto rin pala ako ng para tanghalian ko at nina Fel. Ngayon kasi yung sinabi kong magluluto ako ng para sa amin. Mabilis akong naligo at saka nagsaing. Itlog lang muna ang niluto ko at habang hinihintay ang sinaing ay nagsulat at basa muna ako.
Grabe, sanay naman akong mag-multitask pero parang sasabog utak ko pag ganito.
Bumuga ako ng hininga at saka inayos ang codal ko. Napahinto pa ako nang sunod-sunod na mag-vibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko iyon ay bumungad sa akin ang pangalan ni Fel.
From: Fel
Studying early?Ngumuso ako kinuha iyon.
To: Fel
Ah hindi. Sa bahay lang muna ako. Marami ako gagawinFrom: Fel
Ohh okay! Text you later! Imma gym muna!Napabuntong-hininga ako at napakagat labi na lang. Hanggang sa text, naririnig ko ang boses ni Fel. Ang cute lang niya. Ewan ko ba, parang biglang nawala yung pagkamasungit niya. Hindi niya na rin ako iniirapan. Yung tatlo naman masaya rin. Palaging nag-aasaran sina Flynn at Adolf. Si Teon lang talaga ang tahimik, pero nakikisama naman.
Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na nakikipag-usap sila sa akin. Tapos sabi ni Fel, friends na raw kami. Ewan, ang saya lang sa pakiramdam.
Napangiti na lang ako at napailing. Ibinalik ko ang tingin sa aking laptop. Kaya ko to. Kayang kaya ko. Kakayanin ko. Hindi na ako nag-iisa ngayon.
~***~
"So where are you?" bungad ni Fel sa akin nang sagutin ko ang tawa niya.
Sinara ko ang pinto gamit ang kaliwa kong kamay at saka ni-lock iyon.
"Ahh papunta akong Rex, Fel. May bibilhin pa akong mga libro. Kita na lang tayo mamaya?"
Hinulog ko sa aking bag ang susi tapos ay pumara ng jeep.
"Oww puntahan ka namin!"
"Ha?" Bahagya akong napatigil.
"Yeah, we'll go to Rex din! Bye!" At binaba na niya ang tawag.
Sandali akong napatanga roon pero sakto namang may humintong jeep kaya napabuntong-hininga na lang ako at sumakay na roon. Inihulog ko na lang din ang cellphone ko sa tote bag at saka niyakap iyon.
Pagkarating ko ng Rex ay dumiretso agad ako sa loob. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang text ni Fel.
From: Fel
We're here.To: Fel
Nandito na rin ako.Ibinalik ko ang cellphone sa bag ko at saka ikinalat ang tingin ko sa paligid.
"Hey! Cassia, here!" Agad akong napatigil nang marinig yon.
Nang lumingon ako ay agad kong nakita si Fel na kumakaway sa akin. Nasa likod niya yung tatlo. Ngumiti at kumaway ako pabalik. Agad silang lumapit sa akin.
"Hi!" bati ko.
Agad na yumakap sa akin si Fel.
"Hey, beadle!" Si Flynn. Kumaway si Adolf. Si Teon naman ay tumango.
Ngumiti lang ako at saka kumalas kay Fel. Malaki ang ngiti niya sa akin.
"Bili rin kaming books!" sabi niya pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/219880208-288-k872138.jpg)
BINABASA MO ANG
School of Law #2: Prosecuted (COMPLETE)
Ficción GeneralCassia Farrise Alvedrez dreamt of being a lawyer eversince. Hindi sila ganoon kayaman para maka-afford ng law school, but she's a strong believer of the saying "if there's a will, there's a way". Having to study in a prime state university and being...