Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isip ko nang mga panahong iyon at dire-diretso akong lumabas ng apartment at kumuha ng taxi pabalik sa condo ni Teon. Ni hindi ko alam kung nandoon siya. Panay ang tawag ko sa kanya habang nasa taxi pero wala talaga siyang sinasagot.
Napalunok ako at nakagat ang aking labi. Huminga ako nang malalim at kinalma ang aking sarili. Ramdam ko na naman kasia ng pangingilid ng mga luha sa aking mga mata. Saglit kong ipinikit ang mga iyon.
Kalma, Cassia. Kalma. Mahahanap mo rin siya. Makakapag-usap din kayo.
"Ma'am, nandito na po tayo."
Nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig iyon. Umayos ako ng upo at saka tahimik na kumuha ng pera sa aking wallet. Inabot ko iyon sa driver at saka lumabas na rin ng taxi. Mabilis na naglakad ako papasok ng building. Napahinto pa ako malapit sa elevator nang mamataan kong may mga naka-unipormeng lalaking nagkalat sa lobby ng building. Huminga ako nang malalim at ipinilig ang aking ulo.
Tumuloy ako sa elevator. Nagdadasal akong sana nasa itaas si Teon. Kailangan na kailangan ko siyang makausap. Umayos ako sa pagkakatayo nang tumunog ang elevator. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas at naglakad papunta sa unit niya.
Sobrang kumalabog ang aking dibdib nang sa wakas ay nasa harapan na ako ng pinto. May spare key naman ako pero ayaw kong gamitin iyon. Huminga ako nang malalim at kumatok. Malakas ang kutob kong nandito siya. Ewan ko basta, alam ko lang. Nakatatlong magkasunod na katok na ako pero walang sumagot. Kumatok ulit ako pero wala ulit.
"Teon?" tawag ko tapos ay sumilip sa peephole para makita niyang ako ito.
Naghintay ako ng ilang segundo pero wala pa ring lumabas o sumagot man lang. Mariin kong naipikit ang aking mga mata at saka napabuga ng hininga. Kinuha ko ang spare key. Mabuti nga at nadala ko pa ito sa kabila ng pagmamadali kanina. Marahan ko iyong ipinasok sa lock at pinihit iyon.
Sinalubong ako ng madilim at napakatahimik na unit. Mas lalong kumakalabog ang dibdib ko habang dahan-dahan akong pumasok. Walang tao sa kusina pero may mga kalat doon. Huminga ako nang malalim at saka binalingan ang sala. Pahakbang na ako roon nang bigla namang bumukas ang pinto sa itaas. Tumingala ako at ganoon na lamang ang pagkapako ko sa aking kinalalagyan nang makita si Teon na pababa kasama si Flynn.
Napasinghap ako at nagmamadaling pumunta sa kanila.
"Cass..." hindi makapaniwalang sambit ni Flynn nang makita ako.
Nakapahawak ako sa may railing dito sa itaas. Nakita kong lumingon sa akin si Teon. Nakagat ko ang aking labi habang nakatitig sa kanyang mukha.
Parang kinukurot ang dibdib ko sa kanyang mga tingin. Ni hindi ako makatingin nang diretso sa kanyang mga mata. Ibang iba na yung awra niya ngayon. Parang wala na yung Teon na kalmado lang. Ramdam ko yung frustration at galit sa mga tingin niya.
"Flynn, leave us first," malamig niyang sambit kay Flynn.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Narinig ko ang mga paalis na yapak ni Flynn. Huminga ako nang malalim at saka siya tiningala.
"Teon – "
"What are you doing here?" Napaawang ang bibig ko nang putulin niya ang aking dapat na sasabihin.
Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata nang mag-abot ang aming mga tingin. Lumunok ako at sinubukang lumapit sa kanya pero lumayo siya. Nakagat ko ang aking labi.
"Just leave, Cass. I don't want to say anything that I would regret."
Tuluyan nang bumagsak ang maiinit na luha sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
School of Law #2: Prosecuted (COMPLETE)
Narrativa generaleCassia Farrise Alvedrez dreamt of being a lawyer eversince. Hindi sila ganoon kayaman para maka-afford ng law school, but she's a strong believer of the saying "if there's a will, there's a way". Having to study in a prime state university and being...