Chapter 35

1.1K 35 8
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang sikat ng araw sa aking mukha. Ikinurap kurap ko ang aking mga mata para maka-adjust sa ilaw. Bumungad sa akin ang puro putting kapaligiran. Napasinghap ako at agad na napabangon. Agad akong napangiwi nang makaramdam ako ng cramp sa aking puson.

Namilog ang aking mga mata nang maalala ko kung anong nangyari kanina. Agad akong napatingin sa aking tiyan at hinawakan iyon. Shit. Ang baby ko!

"You're pregnant."

Natigilan ako nang marinig iyon. Mabilis kong ibinaling ang aking mga tingin sa gilid at ganoon na lamang ang aking pagkabigla nang makita si Teon na nakaupo sa tabi ko. Nasa likod niya sina Fel, Flynn at Adolf.

Lumunok ako. "Ang baby? A-Anong nangyari kay baby?" naiiyak na tanong ko.

Hindi ko kakayanin kung mawawala ang bata sa akin.

Kinagat ko ang aking labi habang naghihintay ng sagot niya. Hindi siya agad nagsalita, sa halip ay tumitig lang siya sa akin. Sa huli ay bumuntong – hininga siya. "The baby's fine."

Nakahinga ako nang maluwag at nayakap na lang ang aking tiyan.

"Oh gosh. You are really pregnant! Why did you go there pa?!" Narinig kong sambit ni Fel. Huminga ako nang malalim at saka napayuko na lamang.

"Fel, cut it out. She's exhausted." Si Adolf.

Bumuga ako ng hininga.

"S-Sasabihin ko lang naman sana kay Teon..."

Natahimik sila. Narinig ko na lang ang paggalaw ng upuan ni Teon kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko siyang umalis saglit. Naiwan ako kasama sina Flynn, Fel at Adolf. Ilang sandali lang din naman ay bumalik na si Teon. Umupo siya ulit sa tabi ng aking kama. Huminga ako nang malalim. Siya naman ngayon ang nakatungo.

"You should rest. The doctor will visit you later." Narinig ko siyang bumuntong – hininga. Tumayo siya tapos ay pinahiga ako nang maayos. Huminga ako nang malalim at napatitig na lang sa kanya. Sumunod ako at humiga rin. Naramdaman nko pang kinumutan niya ako. Tumigil siya pagkatapos at saka tumitig sa akin.

"You're pregnant," sambit niya na tila ba hindi pa rin makapaniwala.

Lumunok ako at dahan-dahang tumango sa kanya. "Y-Yon iyong importanteng sasabihin ko," sabi ko.

Tumango ulit siya tapos ay tumalikod na. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong naupo siya kasama ng tatlo sa mahabang couch sa may gilid. Nag-iwas na lang ako ng tingin at saka ipinikit ang aking mata hanggang sa dinala na rin ako ng antok at nakatulog ulit.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog basta paggising ko ay nandoon na ang doctor. Dahan-dahan akong bumangon. Naramdaman ko agad ang pagtabi ni Teon sa akin. Tiningnan ko siya pero kay Doc lang naman siya nakatingin.

"The baby's fine. Luckily, naisugod ka agad sa hospital. Pero sana 'wag nang maulit ito, okay? You need to rest after this. Wag ka na munang magkikikilos at iwasan ang stress." Ngumiti ang doctor.

Bahagyang umawang ang bibig ko. "Bed rest po ba ako?" nag-aalalang tanong ko. Paano na ang trabaho ko kung sakali?

"Hindi naman, Cassia. You can still work, but I suggest you give it 2-3 days muna bago bumalik. Ipahinga mom una ang katawan mo. You have vitamins that you take?"

Tumango ako. "Opo. Nireseta ng OB ko." Nakagat ko ang aking labi.

Naramdaman ko ang pagtingin ni Teon sa akin.

"You went to an OB already?" takang tanong niya. Mas dumiin ang pagkakakagat ko sa aking labi.

"Hmm. Doon ako dumiretso para magpa-check up. Doon ko rin nalaman. "Tumungo ako. Hindi na siya nagsalita pa at binalingan na lamang ang doctor. May mga tinanong pa siyang kung ano ano tungkol sa pagbubuntis ko gaya ng kung kailan daw malalaman ang gender, kung ilang weeks talaga ang normal, kung kailan dapat sumugod sa hospital at kung ano-ano pa.

Nahilo na rin ako at napagod kahit sa pakikinig lang kaya sumandal na lang ako ulit sa kama at ipinikit na ang aking mga mata. Nakaidlip na naman ako ulit. Pagkagising ko ay wala na akong kasama sa kwarto. Kumunot ang noo ko at napatingin sa wall clock na nasa tapat ng aking kama. Mag- aalas otso na ng gabi. Grabe ilang oras pala akong nakatulog?

Dahan-dahan akong bumangon at ikinalat ang tingin sa buong kwarto. Napatingin agada ko sa may pinto nang bumukas iyon. Napalunok ako nang pumasok doon si Teon, kasunod si Fel.

Pinaglapat ko ang aking labi nang lumapit siya sa akin. "Let's go home. I already settled the bill. Sa bahay ka na maghapunan. Gabing gabi na," sabi niya at agad na kinuha ang bag ko na nasa gilid. Mas kumunot ang aking noo.

"T-Teka...s-saan tayo pupunta?" nag-aalangang tanong ko. Tumigil siya sa ginagawa at lumingon sa akin.

Bumuntong-hininga siya. "You're staying with me. I want to make sure that the baby is okay. You'll live with me. Pinakuha ko na kina Adolf at Flynn lahat ng gamit mo sa apartment. I also got you key."

Natulala ako sa kanyang sinabi. Para akong nabato sa aking kinauupuan habang nakatitig sa kanya. Nabalik lang ata ako sa reyalidad nang tumikhim si Fel.

"Give me her bag na, Teon. I'll go ahead na sa car," sabi niya at inabot ang bag ko.

Mas natulala ako. Gulong gulo akong nakatingin kay Teon. Hindi siya sumagot, sa halip ay bumuntong-hininga lang.

"Come on, let's go," aniya at inalalayan ako paupo ng kama. Maya-maya pa ay may dumating na nurse para tanggalin ang dextrose ko. Pumasok din ulit ang doctor tapos ay may binilin ulit sa amin bago ako tuluyang tumayo. Nakaalalay si Teon sa akin hanggang sa wheel chair. Siya rin ang nagtulak sa akin palabas. Bumungad sa akin ang isang Ford Ranger. Naninibago ako. Mukhang bago iyong sasakyan.

Bumuntong-hininga ako at saka dahan-dahang tumayo. Naramdaman ko pang umalalay si Teon sa akin. Ako ang pinauna niya sa loob. Akala ko ay iikot siya sa driver's seat pero sumunod siya sa akin at magkatabi kami sa likod. Doon ko napansin na si Adolf pala ang nagda-drive tapos ay nasa front seat naman si Fel.

"To my house, Dolf." Dinig kong sabi ni Teon. Tumango naman si Adolf at nag-drive na. Yumuko ako. Sobrang tahimik ng buong sasakyan. Nakakapanibago. Hindi kami ganito noon.

Sobrang daldal ni Fel noon na tipong lagi siyang may naiisip na topic para hindi kami ma-bore. Palagi kaming masaya pag magkakasama. Sobrang gaan sa pakiramdam...hindi katulad ngayon na sobrang awkward at sobrang tahimik. Nakakapanibago...

Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa labas buong biyahe. Tahimik na pinagmamasdan ko na lang ang mga ilaw na at mga taong nadadaanan namin. Nabalik lang ako sa reyalidad nang biglang huminto na ang sasakyan. Pagkatingin ko ay nasa garahe na pala kami ng bahay ni Teon. Lumunok ako at umayos ng upo.

"Bro, di na kami magtatagal ni Fel. Let's just meet tomorrow then." Narinig kong sabi ni Adolf.

Tahimik na tumango naman si Teon tapos ay kinuha na ang bag ko. Tiningnan ko pa sina Adolf at Fel. Nagdadalawang – isip ako kung magpapaalam ako pero wala mnaman silang imik. Bumuntong-hininga ako.

"U-Una na kami...s-salamat..." sambit ko na lang bago ako tuluyang bumaba.

Naabutan ko ang tatlong kasambahay nina Teon na naghihintay sa amin pagkapasok namin.

Tumikhim si Teon sa kanila. "Simula ngayon, dito na titira si Cassia. She's carrying my baby, so please give her everything that she needs. Pakihanda na ang hapunan at pakihatiran na lang kami sa kwarto ko." Agad akong napatingin kay Teon. Akmang magtatanong pa sana ako pero inakay na niya ako papunta sa itaas. Wala na rin naman akong nagawa kundi ang sumunod na sa kanya.

Wala pa ring nagsasalita sa amin hanggang sa makapasok kami sa kwarto niya. Napalunok pa ako nang makitang halos nandoon na ang mga gamit ko. Napatingin ako sa kanya na busy na sa pag-aayos ng kanyang lamesa. Nakita ko pang inilagay na niya roon ang mga gamit ko.

"T-Teka, paano ka naman?" nag-aalangang tanong ko. Huminto siya at saglit na tumingin sa akin.

"You'll be staying here in my room. Sa guest room muna ako." Tumigil siya sa ginagawa tapos ay lumapit sa akin.

"You'll be here until you give birth to my child. Hindi kita pipigilan sa trabaho mo. Just make sure you take care of my child," diretsong sabi niya sa akin. Hindi agada ko nakasagot at napatitig lang sa kanya. Napatitig din siya sa akin. "I'll join you for dinner then you'll take your vitamins after," aniya.

Napakurap-kurap ako. Nakagat ko na lang ang aking labi tapos ay tumango. Tumalikod na rin siya pagkatapos at ipinagpatuloy na ang pag-aayos ng mga gamit ko. Napabuntong-hininga na lamang ako. 

School of Law #2: Prosecuted (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon