Chapter 29

971 33 14
                                    

Disclaimer: I do not claim to be expert in the field of Law. All the scenes and statements in this chapter are purely based on research and experience. If you see inconsistencies and wrong information, feel free to message me, so I can edit it immediately. 

Read at your own risk. 

****

Huminga ako nang malalim habang tinitingnan ang aking sarili sa salamin. Naka itim na pencil skirt ako tapos ay inner white collared long sleeves na pinatungan ko ng isang itim na blazer din. Nakasuot din ako ng isang 2 inches closed shoes heels. Inayos ko ang aking blazer tapos ay napatitig sa aking mukha. Nakalugay lang ang itim at hanggang balikat kong buhok.Naglagay lang din ako ng usual na nilalagay ko sa aking mukha pag pumupunta ng trabaho – pulbo at liptint.

Sanay na naman ako sa hearing dahil maraming beses na akong naka-attend kaya hindi ko alam kung bakit sobrang kaba ang nararamdaman ko. Kung tutuusin kasi ay hindi pa dapat ako kabahan. Arraignment pa lang ito, hindi pa mismong trial. Bumuntong-hininga ako at saka tiningnan ang aking cell phone. Nakita ko roon ang text ng babaeng anak ng biktima. Mabilis ko na kinuha ang aking bag tapos ay pinasadahan ulit ng tingin ang aking suot. Pagkatapos noon ay lumabas na rin ako at pumara ng taxi.

Medyo traffic na nang papunta ako ng Regional Trial Court pero nakarating din naman ako roon on time. Kasama kong umakyat ang pamilya ng mga Garcia. May mga media sa labas na nagpupumilit pumasok pero may mga guards naman doon na hinaharangan ang mga ito. Pasakay kami ng elevator nang may nakasalubong akong dating katrabaho sa PAO. Napalunok pa ako nang magtama ang mga tingin namin.

"Good luck, Cassia," ani Trina at nginitian ako. Tipid na ngumiti lang din ako at tumango.

Pareho kami ng floor na binabaan pero hindi kami pareho ng branch. Bago pumasok sa courtroom ay hinarap ko ang pamilya Garcia. Isa- isa ko silang tiningnan.

"Arraignment pa po tayo. Malaki po ang posibilidad na magpi-plead sila ng not guilty. Pag nangyari po iyon, saka tayo sasalang sa trial. Gusto ko lang po kayong ihanda sa mga posibilidad pagkasalang na natin sa mismong trial," sabi ko sa kanila.

Nakita kong niyakap lang ni Aling Marie ang dalawa niyang anak bago siya tumango. Itong mga teenagers lang ang kanyang dala at ang bunso niya ay iniwan lang daw niya sa kanyang pinsan.

"Sino po yung judge?" Napabaling ako sa batang lalaki. Seryosong nakatingin lang siya sa akin.

Bumuntong-hininga ako. "Judge Fuentes," sagot ko.

"Matino po ba siya?" Hindi agad ako nakasagot.

"JR, ano ba," saway ng kanyang ina.

Huminga ako nang malalim at tipid na nginitian siya. "Basta nasa atin ang katotohanan. Mananaig at mananaig naman ang hustisya," pagsisigurado ko.

Hindi siya sumagot at nakatitig lang sa akin. "Depende rin po sa husgado kung may respeto siya sa batas at hustisya. Pasensya na po. Alam kong naniniwala kayo sa hustisya at nagpapasalamat po akong may mga katulad pa ninyo pero hindi rin naman po kami bulag sa kabulukan ng sistema."

Hindi ako nakasagot. Hindi na rin naman siya nagsalita at tumuloy na papasok ng court room. Natulala na lang ako habang pinagmamasdan ang likod nilang papasok ng kwarto. Bumuga ako ng hininga at kinalma ang aking sarili.

Akmang papasok na ako nang bigla kong mamataan ang isang grupo na palapit din sa court room. Para akong natuod sa aking kinalalagyan nang makita sina Teon at Flynn kasama ang isang matandang naka-three piece suit.

Nag-iwas ako ng tingin. Biglang sumikip ang aking dibdib. Napalunok ako at kahit na nanginginig ay mabilis akong pumasok ng courtroom. Nagmamadaling umupo ako sa pwesto namin at iniyuko na lamang ang aking ulo.

School of Law #2: Prosecuted (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon