Parang hangin na lumipas lang din ang mga naging experience ko sa PAO. Magtatatlong taon na ako roon nang sabihan akong may opening slot daw sa prosecutor's office dahil may mga nagretire. Mula noong pumasok ako ng law school, ang alam ko gusto kong maging abogado. Iyon lang. Wala pa akong napupusuan pero habang nag-aaral ako at noong nag practice court na kami, parang may nanaig sa akin ang kagustuhan kong maging prosecutor. Oo, marami ang mga inosenteng sinasamantala ng mga mayayaman kaya dapat marami ring mga tagapagtanggol nila pero marami ring mga mahihirap ang nahihirapang maipanalo ang kanilang mga kaso dahil mayayaman at maraming koneksyon ang kalaban nila. Afford na afford ng mga ito ang mga high caliber lawyers na kayang ibaliktad ang kaso sa korte. Naranasan ko nang maging walang laban noon, ngayong may kakayahan akong tumulong na lumaban, lalaban ako para sa kanila.
Nag- PAO ako pagkatapos ng law para mas may chance ako sa prosecutor's office. At ngayon nga ay nangyari na siya. Sa wakas ay nakapasok na ako. Simula na naman ulit ng panibagong laban para sa hustisya.
"Congrats, beadle!"
Tinanggap ko ang high- five ni Flynn at inilingan na lang siya. "Hanggang ngayon talagang iyan na ang tawag mo sa akin. Isang beses lang naman akong naging beadle, a," sabi ko pa.
Marahang natawa na rin siya.
"Well, naging habit na." Nagkibit-balikat siya. Umiling lang ulit ako.
"Saan pala si Edge?" tukoy ko roon sa girlfriend niya. Mabilis siyang sumimangot kaya napakunot ako ng noo.
"U.S tss."
Natawa ako. Itong isang ito, ayaw pa umamin na gusting gusto niya si Edge samantalang halata naman. Galit na galit pag umaalis ito. Hay nako, Flynn.
Napailing lang ulit ako at iniwan siya roon sa couch. Nasa condo lang naman kami ni Teon. Konting salo-salo lang naman kasi ang selebrasyon k. Iilang kasamahan ko lang sa PAO ang inimbita ko tapos mga close ko sa Law School, which is sina Teon at Flynn lang. Si Fel bumati naman pero syempre hindi nakapunta. Si Adolf tinext ko pero hindi naman nag-reply kaya ewan ko kung pupunta siya. Sa aming lima, sila ni Fel ang pinakamailap ngayon. Si Flynn kasi kahit paano ay may communication pa kami ni Teon.
Bumuntong-hininga ako at lumapit sa ibang mga kaibigan ko.
"Kain lang kayo, ha," sabi ko pa.
"Congrats, Cass!"
"Congrats ulit, Cassia!"
"Congrats, Prosec!"
Tanging ngiti at pasasalamat lang ang isinagot ko sa kanila. Iginala ko ang tingin sa buong condo ni Teon. Nakita ko siya sa second floor. Nagpaalam lang muna ako sa mga kasama ko saka ako pumanhik sa itaas. Naabutan ko siyang nakasandal sa may glass na railing. Lumapit ako sa kanya at sumandal din doon.
Agad naman siyang bumaling sa akin.
Bumuntong-hininga siya. "It's Adolf. He can't come."
Tipid na napatango na lang din ako at saka tipid na ngumiti sa kanya. "Okay lang ba siya?" tanong ko.
"Yeah. Don't worry about him. He's fine," sabi niya pa.
Ngumuso ako at tumango na rin. Sandaling napatitig siya sa akin. Huminga siya nang malalim at saka ako hinila payakap sa kanya.
Huminga ako nang malalim at yumakap na rin sa kanya. "Sana okay lang talaga siya," sabi ko. Naramdaman ko siyang tumango.
"Hmm. He is fine. No need to worry, Prosecutor Alvedrez." Narinig kong marahan siyang tumawa. Ngumuso ako at kumalas sa yakap. Bumungad sa akin ang nakangisi niyang mukha. Mas ngumuso ako.
BINABASA MO ANG
School of Law #2: Prosecuted (COMPLETE)
Fiksi UmumCassia Farrise Alvedrez dreamt of being a lawyer eversince. Hindi sila ganoon kayaman para maka-afford ng law school, but she's a strong believer of the saying "if there's a will, there's a way". Having to study in a prime state university and being...