Chapter 19

1K 42 6
                                    

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatitig kay Fel na nagsi-set up ng isang airbed sa tabi ng kama ko. Hindi magkasya kasya yung binili niyang airbed dahil maliit lang naman yung space pero hindi pa rin siya tumitigil para pagkasyahin yun.

"Pftt. She does never give up." Nilingon ko si Adolf na umiinom ng kape niya. Naiiling na nakatingin ito kay Fel habang nakasandal sa may hamba ng pinto ng kwarto ko. Nilingon ko sina Flynn at Teon pero busy naman sila pareho sa pagda-digest.

"Ugh! Seriously! Adolf, freaking help me or you will go home and I will be the only one who's going to stay!" Nakagat ko na lang ang aking labi nang inis na sumigaw na si Fel. Naalerto na rin sina Flynn at Teon.

"I live here, Fel. You can't make me leave." Rinig kong sambit ni Teon kaya agad ko siyang pinandilatan.

Nagkibit balikat lang naman siya. Nga naman! Tong mga ito, mas inaasar lang si Fel! Napairap ako at saka nag-martsa papasok sa kwarto. Hinila ko yung airbed para tulungan siya. Natatawa na lang ako pag sinasamaan niya ng tingin yung tatlo.

"Gosh, these boys ang useless!" reklamo pa niya. Umiling na lang ako.

Pagkatapos naming ma-set up ang tutulugan nila mamaya ay saka kami nag-aral. Hindi ko talaga alam kung anong trip nitong si Fel at gusto na namang magovernight. Napapailing na lang ako. Halos walang nag-uusap sa amin noong nag-law library kami kasi lahat kami on deck sa Crimpro. Grabe yung panginginig ng tuhod ko nang pumasok kami sa klase at nagsimula na yung recit. Sa row namin, nasa pinakadulo pa kami kaya mas lalo akong nanginig. Mas kinakabahan kasi ako pag nasa dulo ako. Si Teon lang talaga yung parang wala lang sa amin. Buti pa siya.

Nagpasalamat na lang ako na yung natanong sa akin ay yung talagang kinabisado ko kaya kahit paano ay nakahinga rin ako nang maluwag.

"You fine?"

Sinimangutan ko si Teon. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "What?" tanong niya ulit.

Mas sumimangot ako. "Wala. Sumakit lang ulo ko sa recit," sabi ko. Bahagya niya pa akong tinawanan tapos ay ginulo na naman ang buhok ko. Hobby niya talagang mangialam

ng buhok ng may buhok.

"Nah, you got that," sabi niya pa.

Ngumuso lang ulit ako at saka nagpatuloy na sa paglalakad. Agad din naman siyang sumabay sa akin sa paglalakad. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon dahil yung tatlo, nag-take out at namili ng mga kakainin namin. Di ko alam kung ano na naman ang nakain ni Fel at ginusto na namang mag-overnight. Sabagay, malapit na rin naman ang midterms kaya puspusan na naman sa pag-aaral. Hindi ko talaga alam kung dahil ba marami kaming ginagawa at hindi na namin namamalayan ang panahon. Pagkatapos ng midterm, finals na. Tapos second semester na ulit. Grabe sana talaga makapasa ako sa lahat ng subjects ko.

Pagkarating namin sa apartment ay nag-set up na muna ako ng mga kakailanganin namin. Si Teon dumiretso sa kwarto at may kukunin ata. Habang nagsi-set up ako ay bahagya ko siyang narinig na may kausap sa loob. Sinilip ko pa siya at nakita kong hawak hawak niya ang kanyang cellphone sa tenga.

"I told you, dad, I'm not coming home when she's there yet!" Bahagya akong napaigtad nang marinig iyon sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako at saka umalis na lang doon.

Hindi pa rin sila bati ng pamilya niya. Ilang beses na ngang tumatawag ang papa niya sa amin pero sa tuwing sinasabihan namin siya about doon ay nagwo-walkout naman siya o di kaya ay nag-aaktong walang narinig. Hindi na lang tuloy namin siya pinipilit kasi pag mas pinipilit namin ay mas lalo siyang hindi lang nakikinig kaya hinayaan na lang namin.

Bumalik na lang ako sa may kainan at umupo sa isang upuan doon. Ilang sandali pa ay lumabas na rin naman si Teon sa kwarto.

"They're not yet here yet?" tanong niya pa. Marahang umiling lang ako.

School of Law #2: Prosecuted (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon