Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang natutulog na mukha ni Teon. Kitang kita ang pamumula sa kanyang mga pisngi dahil sa sinag ng araw na mula sa nakabukas na bintana. Nakapulupot ang kanyang isang kamay at binti sa aking katawan. Nakaharap kami sa isa't isa. Litaw na litat ang mapupula niyang labi dahil sa liwanag. Ang buhok niyang nakaayos palagi ay gulong gulo.
Marahang pinasadahan ko ng aking kamay ang kanyang buhok. Ang taas na rin pala nito. Kailan kaya siya huling nagpagupit? Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Nakagat ko ang aking labi habang marahang tinatanggal ang kanyang binting nakadantay sa akin. Nang ang braso na niya ang aking tatanggalin mula sa pagkakayakap ay napasinghap na lang ako nang sa halip na matanggal ay mas humigpit ang yakap noon. Nanlalaking matang napatingin ako sa kanya.
Nakapikit pa rin siya.
"Don't go. Don't leave me."
Napalunok ako at napatitig na lang sa kanya. Ibinalik niya ulit ang pagkadantay ng kanyang binti sa akin. Hindi ko alam kung naalimpungatan lang ba siya o talagang gising na. Nang akmang tatanggalin ko ulit ang kamay niya ay humigpit lang ulit iyon. Napabuga ako ng hininga. Ilang segundo pa ay nagmulat na siya. Nagkasalubong ang mga tingin namin. Bumuntong-hininga at saka bahagyang bumangon. Sumandal siya sa headboard tapos ay hinila niya ako pahiga sa kanyang dibdib at pinulupot ang kanyang dalawang kamay sa aking katawan.
Kinagat ko ang aking labi at saka napayakap na rin sa kanya. Nakabaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. Rinig na rinig ko ang tibok ng kanyang puso at ang kanyang paghinga. Huminga ako nang malalim. Naramdaman ko ang paghagod niya sa aking buhok.
"Don't go, please..." paos niyang sambit at saka hinalikan ang aking buhok.
Napapikit ako at mas lalong yumakap sa kanya.
"Hindi naman ako aalis. Bababa lang sana ako. Hindi ka ba nagugutom?" tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang kanyang pag-iling. Ngumuso ako at tumango na lang din.
Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung gaano katagal na walang nagsalita sa amin. Na-miss ko ito. Na-miss kong ganto kami, iyong hindi nag-uusap pero ramdam naming nandiyan lang ang bawat isa. Miss na miss ko ito.
Saglit akong gumalaw at inayos ang pagkakayakap ko sa kanya. Huminga ako nang malalim. Narinig ko ang pagbuga niya ng hininga. Hinahagod niya pa rin ang buhok ko. Marahan akong nag-angat ng tingin. Nginitian niya ako.
"What did you do when we were away?" tanong niya.
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. "Trabaho ulit...walang sawang trabaho."
"Tss. You were pushing yourself so hard again, hmm."
Bumuntong-hininga ako. "Iyon iyong paraan ko para hindi ako magmukmok at umiyak. Sobrang lungkot, e. Tsaka nadi-distract ako nang sobra pag naiisip ko iyong mga nangyayari sa atin."
Kinagat ko ang aking labi. Naramdaman ko ulit ang paghigpit ng yakap niya at ang paghalik niya sa noo ko. "I'm sorry, Cass... I'm sorry."
Hindi ako sumagot. Ilang segundo ulit kaming natahimik.
"Galit na galit ka siguro sa akin na ayaw mo talaga akong kausapin...miski noong birthday mo...naglasing kayo..." basag ko.
Ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan. Nang tingalain ko siya ay nakita ko siyang nakapikit. Bumuntong-hininga ulit siya.
"Yeah...I was angry... really angry of the situation, so I didn't want to talk to you. Cause I knew that I'd just be throwing my anger at you. Words are powerful, Cassia. Kung anong sasabihin ko sa'yo, hindi ko na mababawi iyon. I don't want to throw hurtful words because I am angry, because I cannot take that back anymore. I don't want to hurt you because I am angry of the situation. Ayokong may sabihing masama sa'yo kaya mas pinili kong wag ka na lang kausapin."
BINABASA MO ANG
School of Law #2: Prosecuted (COMPLETE)
Fiksi UmumCassia Farrise Alvedrez dreamt of being a lawyer eversince. Hindi sila ganoon kayaman para maka-afford ng law school, but she's a strong believer of the saying "if there's a will, there's a way". Having to study in a prime state university and being...