Chapter 21

1K 41 4
                                    

"Aww, oh gosh ang cute nito, Cass! Remember noong muntik na malunod si Flynn sa spring cause he's so mayabang?" Natawa ako sa sinabi ni Fel.

Tiningnan ko ulit yung picture na pinakita niya at bumalik na naman sa alaala ko yung sandaling iyon. Pft. Yun yung nasa Molobolo Hot Spring at itong sina Adolf at Flynn ay sobrang kukulit. Naghabulan ba naman sa gilid ng pang-malaking pool kaya ayun natumba silang dalawa. Hindi naman nila in-expect na sobrang lalim pala noon. Gulat na gulat pa si Flynn noon at nakuhaan lang naman ng picture ni Fel yung nakakatawa niyang mukha sa tubig.

Napailing ako.

Halos ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng bakasyon naming sa Cebu. Nakaka-miss lang din yun kasi pakiramdam ko talaga relax na relax ako, e. As in parang nawala lahat ng stress sa katawan namin tapos nakaka-enjoy talaga. Kaso, ito kami ngayon balik na naman sa pag-aaral. Tatlong lingo kaming nanatili roon sa Cebu. Nauna silang umuwi sa akin sa Manila kasi syempre may mga gagawin din sila. Bumalik lang ako isang lingo bago bumalik ang klase namin.

Naka-survive ako sa second year. Okay lang naman ang grades ko. Pasado naman kaya nakahinga rin talaga ako nang maluwag. Itong midterms na papalapit naman ang poproblemahin namin. Grabe talaga! Third year na kami! Kalahati na kami ng third year! Hindi ko nga alam kung bakit palapit nang palapit kami sa finish line ay kinakabahan ako. Grabe talaga parang di ako makapaniwala pa rin tsaka para akong lumulutang na hindi makapaniwala. Tatlong sem na lang. Tatlong sem na lang at magba-bar na ako.

Hay, Cassia, ito na. Palapit ka na nang palapit sa goal mo. Konting tiis na lang.

"Tss. You always make fun of that. Stop it!" naiinis na sita na ni Flynn.

Mas tinawanan lang naman namin siya. Umismid pa siya at saka yumuko at nag-dekwatro ng upo. Nasa penthouse kami ngayon ni Fel at nag-aaral. Dito rin daw kami mag-oovernight, e. Sabado naman bukas kaya okay lang. Sa Monday naman ang unang test naming at hapon pa kaya marami pa kaming oras.

Tiningnan ko ang aking relo. Nasa sala kami ng second floor. Katabi ko si Fel sa pahabang leather couch niya habang yung tatlong lalaki nasa tapat lang din naming. Kumakain si Adolf habang si Teon ay seryosong nagbabasa ng libro niya. Napabuntong- hininga ako at kinuha na rin ang codal ko. Umayos ako ng upo habang sina Fel at Flynn ay nag-aasaran pa rin

Tiningnan ko ang aking cellphone para sa oras. Mag- aalas diyes na rin pala ng gabi. Grabe, ilang oras na lang pero hindi pa ako nakakalahati sa isang subject. Parang mababaliw na nga ako sa Torts at Tax. Itong dalawang ito na yata ang pinakamalungkot na subjects ko simula first year. Hindi naman ako kasing talion ni Teon pero medyo okay naman ang mga grado ko kaya lang sa dalawang ito, grabe. Sobrang pasang-awa ng mga quizzes at sure akong pati recits ko ganoon din. Kaya ako mas tumututok sa dalawang ito, e. Notorious pa naman ang professor naming sa Torts na nambabagsak. Grabe, sana naman wag.

"Damn it, this is killing me. "Agad akong napaangat ng tingin kay Adolf. Nakita ko siyang umalis at bumaba.

Nag-inat – inat muna ako tapos ay binalingan na ulit ang aking reviewer na pinatulong ko pa kay Teon kasi nga magaling siyang magpaintindi. Nakita ko pang umalis din si Fel at sumunod kay Adolf sa baba.

Ngumuso ako at napatingin na rin kina Teon at Flynn.

"You okay?" tanong pa ni Teon. Grabe naman. Mukha siyang walang ka-stress stress sa mukha niya. Siya lang talaga ang hindi nasi-stress sa mga subjects namin ngayon habang kami ay sobrang stress na talaga.

Sinimangutan ko lang siya.

"Parang mababaliw na ako sa Torts. Wala pa akong review sa Tax," reklamo ko sa kanya. Tumayo siya at tumabi pa sa akin.

School of Law #2: Prosecuted (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon