Fifteen

3.1K 133 14
                                    

It's our Graduation Ball today. After a week, Graduation day na and I'm super excited for that. Matatapos na rin sa wakas! Anyway, I'm wearing a red backless fitted gown with crystals on it. Naka bun naman ang hair ko with a little strands on my face. Hindi rin ganoon ka heavy ang make up ko which I requested to the hmua.

Gabi's wearing a dress, too. May slit nga sa right leg niya kaya napapairap ako kapag nakikita ko 'yon. Sexy kainis! Marami nanaman maglalaway diyan for sure! Anyway, she personally picked that kaya hindi na ako nagreklamo pa. We wear what we want to wear tonight.

"You're so beautiful..." Gabi dreamily said while looking at me lovingly. She bowed down a bit a gave me a peck on my lips. "I love you so much."

Malambing na yumakap ako sa kanya. "Ang ganda ganda mo at mahal na mahal kita, Gabrielle." Sobra sobrang mahal ko siya.

Pagdating naman sa hotel may mga kakilala na agad kaming nakita. We took photos muna ni Gabi bago kami maghiwalay. Tabi naman kami ng table later kaya okay lang.

"Cleavage reveal ba Ynnah?" Asar kaagad ni Kaye nang nakita na namin si Ynnah na kadadating lang.

"Nakakahiya naman sa mga pa backless niyo!" Sagot naman ni Ynnah. Tumawa lang kami tas sumunod na din kila Glenn sa may photobooth.

While waiting for our turn, pinag uusapan din namin ang mga batchies namin na ang gaganda at gwapo ngayon. Nakita pa ni Migo yung kalandian niya dati.

"Here comes Ms. Intrams!" Nginuso pa ni Migo kaya napatingin din kami doon.

I know her. Friends sila ni Gabi. Siya yung pinagselosan ko nung nagkaaminan kami ni Gabi. Raine Joson if I'm not mistaken. Siya rin yung may parents na Architect na gusto ang mga working style ni Gabi.

Sinundan namin siya ng tingin. She looks sexy in that red sparkling fitted dress. Her cleavage shows that added more spice on her looks. Mapapansin mong sanay sa rampahan dahil sumasali rin siya sa mga beauty pagents.

"Akala ko talaga taong bahay 'yan pero sobrang cool din pala? Nakasabay ko one time sa bar 'yan kasama mga friends niya. Ang nice din kausap." Sabi ni Johanne.

Nakatingin parin kami kay Raine. The time her eyes spotted Gabi, she smiled sexily at mabilis na lumapit sa girlfriend ko. Hmm what's with the excitement girl? Anyway, nagulat ng bahagya si Gabi nang may biglang yumakap sa kanya tas nung nakilala na niya, ngumiti siya at tinap sandali ang likod ni Raine at humiwalay na.

Very good, Gabrielle.

Tinuro ni Raine ang photobooth sa side nila at nakitang next na sila Gabi. Nagbiruan ang mga kaibigan niya at pumunta na sila sa booth. They took four shots. Tatlong tao ang pagitan ni Gabi at Raine. Raine whispered on the girl beside her. The girl nodded. Nung papaalis na sila Gabi, hinawakan nung babae yung left arm ni Gabi while hawak niya sa kabilang kamay yung kamay ni Raine.

Yung totoo? What's with this girl?

The girl said something. Gabi's forehead creased then tinuro niya si Raine at siya. The girl nodded again atsaka marahan silang itinulak para magpapicture na. Naririnig ko ng tinutukso sila ng mga kaibigan nila. Nagsalubong ang kilay ni Gabi. May hinahanap siya at nang natagpuan niya ang mga mata ko...she mouthed if that is fine. Umiling ako.

Without hesitations, nag excuse siya sa mga friends niya at diretso ang tingin papunta sakin. I know kj ako sa mga pang aasar ng friends niya sa kanila pero alam naman nilang may girlfriend inaasar pa nila. Aware naman ako don dahil sinasabi sakin ni Gabi baka daw kasi pag narinig ko sa iba ma mis-interpret ko pa.

"Sorry for that, baby..." She sincerely said. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin. She's looking at me intently.

"It's okay. I trust you." Ngumiti ako. Seriously, I'm so happy na iniisip niya yung mararamdaman ko. Okay na ako don.

Gabrielle's HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon