Pilit kong pinipigilan ang luha kong bumuhos. Ayokong makita ng mga tao na habang nagsasaya sila, umiiyak naman ako. Gusto ko nalang makalabas dito at umuwi na dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Malapit na 'ko sa entrance nang biglang may humila sakin at umakbay.
"Damn, what a coincidence, but please go with the flow. I badly need your help right now." Bulong sakin ni Sage.
I'm confused, but I agreed anyway. She's a friend naman.
"Sage baby—who the fuck is she?" Sabi nung babae na dumating. Damn, ang sexy naman ng babae nitong gagong 'to.
Nakita ko sa kaliwa ko na paparating na sila Gabi at sobrang sama ng dating niya. Napalunok ako nang tumapat sakin ang paningin niya.
Sage lightly pressed my shoulder. "She's my girlfriend."
Mas lalong sumama ang tingin sakin ni Gabi. Nagkatinginan kami. Her gaze softened and she smiled a little atsaka bumulong kila Tiffy at mabilis na nilagpasan ako.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil alam ko kung anong kagaguhan ang nagawa ko. She just witnessed Sage telling someone na I'm her girlfriend. Kahit sabihin kong gusto ko lang tulungan si Sage, mali pa din 'yon kasi alam kong pag si Gabi ang gumawa non...baka nagkadurog-durog nalang ako sa sobrang sakit.
Nagtatalo yung sistema ko kung susundan ko ba siya o iisipin ko yung sakit at galit na nararamdaman ko pero nung nakita kong malungkot siya, gusto ko nalang yumakap sa kanya.
Ang tagal naming di nagkita tapos nagkakasakitan pa kami ngayon.
"Uh wait, kukunin ko lang yung kaibigan ko ha. Thanks!" At mabilis na 'kong hinila ni Tiffy.
Paglabas namin hinila na agad nila ako pasakay sa kotse ni Sky. Sila Cyrus and Kuya tulog na sa likod habang katabi ko naman si Tiffy at nasa unahan si Claude na katabi si Sky na nagsimula ng magmaneho.
"Gaga ka! What the hell are you thinking? Bakit mo sinampal si Liel at nakipag hiwalay ka pa?" Inis na sabi niya sakin.
Inis din akong bumaling sa kanya. "Gaga ka din! Bakit hindi ako makikipag hiwalay? Pagkatapos mong ipakita sakin yung picture na 'yon!" Sinuklay ko ang buhok ko, frustrated na.
"Fuck it, ito ba?" Ipinakita niya ulit sakin yung picture! "Shuta ka 'te! Mukha bang si Liel 'to? Kelan pa nagsuot ng maong na jacket si Liel? Alam mo namang pawisin yung jowa mo! Atsaka kelan pa nagpa short hair 'yon?" Singhal niya.
Tinignan ko ulit yung picture.
The fuck! Hindi nga 'to si Gabi! Siya lang ang kumuha ng picture kaya siya tinag ni Beatriz! Ang bobo mo Haven! Bakit ba kasi nag assume ako agad? Hindi naman talaga ako padalos-dalos!
"Maligayang pagbabalik sa buhay walang jowa!" Asar ni Skye kaya binato ko na agad nang bottled water. Nagtawanan silang tatlo.
"Break na tayo ka pa ha?" Asar din ni Claude.
"Tangina niyo! Dalhin niyo 'ko kay Gabi! Hindi pwedeng maghiwalay kami, tanginang 'yan!" Namumuo na ang luha sa mga mata ko.
"Tanong ko kay Shammie kung nasaan sila..." Tumawag agad si Tif kay Shammie.
Niloud speaker niya nang sumagot na si Shammie.
"Yes?" Si Shammie na parang kagagaling lang sa tawa.
"Saan kayo?" Sabi ni Tiffy.
"Nang c-chix! Single na 'tong tropa natin, e! Tangina ang mabenta talaga nang gagong 'to. Ang daming lumalapit oh!" Tawang tawa pa ang gaga. "Putangina, may nagpapa body shot pa! Shit gago, Liel! 'wag kang pumayag patay ako kay—"