Thirty

2.8K 124 12
                                    

Nakasandal ako kay Gabi habang nanonood ako sa phone ko. Nag c-cellphone din naman siya gamit ang right hand niya. Yung kaliwa niyang kamay naman ay nakayakap sa baywang ko.

"Iris reminded me about her party later. Overnight 'yon. Should we go? Sham and Skye will come daw." Naramdaman ko pang nakatitig siya sakin.

"Okay. Saan natin iiwan si Gav? Your parents or mine?" Nag angat ako ng tingin sa kanya. She looks at me intently. I raised my right eyebrow. "Gabi?" Tanong ko dahil nakatingin lang talaga siya at di sumasagot.

"Or maybe, we shouldn't go there..." She bit her lower lip. "Let's just drop our baby in my parents house then..." She put her phone down and placed her thumb on my lower lip.

Inirapan ko nga. Jusko naman, Gabrielle! Pagod pa 'ko tapos ayan ka nanaman, gumugusto ka nanaman!

"Stop, Gabi! I'm still tired." I heard her soft laughter.

"Sige na naman...paisa lang..." Malamyos ang boses niyang sabi habang umaamoy-amoy na sa buhok ko.

"Paisang suntok, gusto mo?" Kinurot ko na nga sa hita! Kainis! Napakahilig!

"Ang sakit! Kiss mo 'yang hita ko!" Kunwaring galit niyang sabi.

"Heh. Alam ko na 'yang style mo, bigla mo nanaman akong isusubsob diyan!" Mas lalo ko siyang pinagkukurot.

Tawang tawa naman siya. Mabilis niya 'kong hinila paupo sa hita niya. Yumakap naman ako agad sa batok niya habang siya naman nakasuporta sa likuran ko.

"I have a question," Sabi niya. Tumango naman ako para sabihing ituloy niya. "Crush ka ba nung Sage?" Kumunot pa noo niya.

"Nope." Mabilis ko namang sagot.

"Then what's her reason para alagaan kayo? Kung hindi ka niya gusto bakit nag effort siya ng three years?" Salubong na ang kilay niya ngayon.

Hinaplos ko ang mga pisngi niya.

"'cause Mama told her to be with us in exchange of helping her on her business. Sage look up and respects Mama's way of handling business. And besides that, she really wants to be with me and Gav." Lumuwag ang kapit niya sakin kaya kinabahan ako.

"I was waiting for you and my Gav..." She gulped. Nag iwas siya ng tingin. "Everyday, I always pray and beg to God na sana makita ko na kayo kasi nababaliw na 'ko kakaisip kung nasaan kayo." Suminghot siya para pigilan ang luha niya.

Sumubsob na 'ko sa leeg niya dahil hindi ko na kaya. Umaagos na ang mga luha ko dahil sa pagkakamaling nagawa ko sa kanya.

"Ni hindi ko manlang siya nabuhat nung mga unang segundo na ipinanganak siya. Hindi ko manlang napatahan yung anak ko kapag pagod na yung Mommy niya kakaalaga. Hindi ko man lang nagawa na ipagtimpla siya ng gatas niya. Hindi ako yung nakasilay ng unang ngiti niya. Hindi ako yung unang nakarinig ng unang salita niya. Hindi ako yung unang nakita niya sa mundo." Humihikbi na siya. "Ang sakit sakit mo naman magalit, Alexandrea. Sana naman pinagkait mo na sakin lahat 'wag lang yung anak ko. Araw araw umiiyak nalang ako kasi hindi ko manlang alam kung anong hitsura niya at kung anong tunog ng boses niya."

Parehas kaming umiiyak and I'm so fucking guilty. Dahil lang sa pride ko, hindi niya nasilayan ang anak namin.

"Lahat kayo pinagkait niyo sakin si Gav. Lahat kayo wala manlang nagtanong sakin kung okay lang ba 'ko. Nakita niyo na lahat yung anak ko pero ako pa yung pinakahuling nakakita sa kanya. Kung hindi pa 'ko pumunta nung birthday niya, ipagkakait mo pa rin sakin na makita siya. Haven, wala akong ginawang masama para ganon ang iganti mo sakin. Tatlong taon akong galit na galit sayo pero nung nakita na kita, wala na agad. Mahal na naman kita. Ikaw na naman may karapatan sakin, tanginang 'yan."

"I...I'm so sorry, b-baby..." I sniffed.

"It was so hard. All of them believed na it was my fault that's why you left me and  deserved ko na hindi ko makita ang anak ko." She deeply sighed. "Tell me, Haven, am I that bad? That day na nakita mo ko sa hotel? Doon lang ako natulog at hindi ko kasama yung babaeng 'yon. Pagbaba ko sa lobby nakita ko siya doon at hindi ko siya pinapansin. Hindi lang ako umuwi sa'yo noon dahil ayaw kitang madisappoint. Ayoko na makita mo kong nag fail." She hastily wiped her tears.

"Mom? Mommy? Why aw you cwying po?"

Mabilis akong nagpunas ng luha at umayos ng upo. Ganoon din ang ginawa ni Gabi.

"Anak, we remembered the story of Rapunzel that's why we're crying." Gabi answered for us.

"I undewstand po. I cwied din po when I watched it!" Bibo siyang umupo sa hita ni Gabi at pinunasan ang pisngi ni Gabi. Ganoon din ang ginawa niya sakin. "Don't cwy na po, Rapunzel had a happy ending naman po!" She smiled sweetly.

"Okay baby. But, we're going somewhere lang, baby. We'll drop you at Papa Gab's house, okay?" Hinalikan niya sa ulo ang anak niya.

"Okay po, Mom."

Ganoon na nga ang ginawa namin. Pumunta pa rin kami sa party ni Quinn dahil umo-o na kanina si Gabi at sinabi niyang isasama niya 'ko. Hindi pa rin kami nakakapag usap kahit na dalawa nalang kami sa kotse kanina.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil wala naman akong mae-excuse sa ginawa ko. Mali ko lahat 'yon at ayoko ng magsabi pa ng mga salita para ipagtanggol ang sarili ko dahil wala din naman.

We were both happy when I was pregnant. She's reading fairytaile books eventhough Gav's in my womb pa. She was really excited to see her daughter, but I forbid her to do her part. I was so selfish and I'm hating myself for it.

"Are you...on war?" Maingat na tanong ni Skye.

I'm with her and Shammy. Si Gabi kausap yung mga model friends ni Quinn. Nakatingin lang kami sa pwesto nila habang nag iinom din.

"Yeah," Matamlay na sagot ko. Ramdam ko na yung tingin nila sakin pero pabalik balik lang samin ni Gabi yung tingin nilang dalawa.

"About saan nanaman 'yan?" Kunot-noong tanong ni Shammy.

"About the choice I've made three years ago." I bit my lower lip.

"Oh...that explains the flirty Liel now, huh?" Tukoy ni Skye kay Gabi na nakapalibot sa ibang babae ang braso.

"You can't blame her, Ven. She's scared of loving you again. When she gets drunk, she always tell us na takot na siyang magmahal ulit." Seryosong sabi ni Shammy. "Alam mo ba mga kagaguhang ginawa niyan nung mga panahon na baliw na baliw yan kakahanap sa'yo?" Naiiling siyang tumawa.

Tinuloy ni Skye.

"Muntik na siyang makulong," They both laugh. "Damn, kung sino sinong babae hinahalikan sa bar niyan, e yung isa bigla niyang hinila doon sa asawa kaya ayon nagsuntukan sila."

"May binato pa ngang kotse 'yan." Tawang tawa si Shammy.

Ako sobrang guity na.

"Look at her," Sabi ni Skye kaya bumalik ang tingin ko kay Gabi.

Si Gabi na nakahawak na sa butt nung model.

My heart fucking aches.

But, I deserve this.

"Would you like to pursue her heart or run away from this Liel?" Nanghahamon na sabi sakin ni Skye.

Nakangisi lang silang dalawa sakin.

Fuck this.

Mabilis kong tinawid ang pagitan namin ni Gabrielle at hinila siya para malayo doon sa babae. I grabbed her shirt and pulled her closer to me. Yes, infront of these people.

"Hey, honey, you're mine alone."

And kissed her passionately.

It's my turn, my love. I'll win you. You're only mine.

Gabrielle's HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon