Twenty Nine

2.6K 133 12
                                    

Buhat buhat ni Gabi si Gav. Nauuna sila samin ni Sage. Nagpapabili ng bike si Gav na walang pag-aalinlangang sinunod ng Mommy niya. Pinapapili pa nga siya ng ibang laruan ngayon. Kahit yung kotse gusto niyang bilhin para sa anak niya.

I wanna stop her, but I can't. Almost three years kong pinagkait ang anak niya sa kanya kaya hahayaan ko siya ngayon sa pagbili ng gusto niya para kay Gav.

Nakaupo na kami ngayon ni Sage sa waiting area habang tinitignan silang dalawa na busy sa pagpili ng kotse ni Gav.

"So..." Napatingin ako kay Sage. "You're okay na?" Maingat na tanong niya.

I shrugged.

"Maybe? Hindi pa naman kami nag uusap." Bumalik ang tingin ko kila Gabi. "Last night niya nga lang ako pinansin."

"Tampo ka na niyan?" She laughs hard. Kinurot ko nga!

"Kainis 'to! Ikaw nga sabi mo one week lang uuwi ka na, almost two weeks naman inabot!" I rolled my eyes at her. Mas lalo lang niya 'kong tinawanan.

Umakbay siya sakin. Umusog ako ng konti palapit sa kanya. Namiss ko talaga siya.

"I know you missed me pero sorry na. Alam mo naman na may inasikaso pa 'ko." Napatingin ako sa kanya na may halong pang aasar.

"Where's the ring?" Asar ko.

"Bakit ako? Asa!" Sus. Bumili naman talaga siya.

"Akin na! Pakasalan mo na—"

"Let's go home." Mabilis akong lumingon sa nagsalita.

Si Gabi! Hindi niya na kami hinintay ni Sage na sumagot pa, basta buhat niya yung anak niya at mabilis na naglakad na paalis. Kami tuloy yung kumausap sa staff. Idedeliver nalang daw nila sa bahay yung mga pinamili ni Gabi kasi ayun daw ang utos ni Gabrielle.

"Sakin ka na sumabay," Sabi ni Sage. Nakasakay na siya sa kotse niya. Nasa labas pa kasi ako ng kotse ni Gabi dahil inayos ko sa backseat si Gav.

Lumingon ako kay Gabi. Tinaasan niya 'ko ng kilay. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan bago siya nagsalita na.

"Do you want to?" Tukoy niya sa pagsabay ko kay Sage. Tonong naninimbang, hindi nag de-demand.

Hindi ako makasagot dahil sobrang nanglalambot ako sa boses niya. Shit, ang hot mo naman, baby ko!

Bumaling na 'ko kay Sage.

"Let's...talk some other time." Makahulugan niya 'kong tiningnan.

"Okay..." Ngumisi siya sakin. Bumusina at umalis na.

Seryoso lang sa pag d-drive si Gabi. Nakatulog naman sa likod ang anak namin. Sumusulyap-sulyap ako sa kanya pero hindi niya manlang ako binabalingan. Bakit ang sungit nanaman nito?


She carried our sleeping baby up to our bed. I just let her. Ipagtitimpla ko nalang siya ng hot chocolate niya bago ako umakyat. Nagsalin nalang din ako ng gatas sa baso ko para inumin ko nalang din sa taas.

Dala dala ko ang wooden tray paakyat. Buti nalang naiwan niyang bukas ang pinto kaya hindi na 'ko nahirapan pa pagpasok. Inilagay ko sa coffee table ang tray. Hindi ko siya makita kaya naglakad ako papunta sa veranda. Bukas ang sliding door pero may curtain na nakaharang.

She's talking to someone on her phone.

"I can't go there, Iris. Mommy duties muna." She chuckled after saying that.

"Hmmm okay, valid answer. Lot of girls are looking for you tho." Rinig na rinig ko si Quinn dahil tahimik naman dito. "There's Maureen, the one that you fucked inside the elevator. The other one si Adrienne, she told me na hindi ka na daw nakatiis at sa labas ng kotse niya kayo nag rock and roll! My gosh, Laureen Gabrielle ha!" Tawang tawa si Quinn.

Gabrielle's HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon