"Do you have a sched tomorrow?" Malambing kong tanong kay Gabi. Midnight na pero kausap ko parin siya sa phone.
"Night lang kasi niyaya ako nila Nate mag bar." Napaangat ang kilay ko. Bar huh. "Oops, kakasabi lang nila kanina kaya wag kang magalit. I'll go if you'll go with me." Napangiti ako.
"We will go. Kasama sila Sab, diba?" I'm close with her cousins and she's the same with mine. Masyadong sanay yung mga tao sa paligid namin na palagi kaming magkasama ni Gabi kaya kapag hindi kami magkasama, ang dami nilang tanong.
"Yup." She paused for a moment. "Baby, will you please private your wall on fb?" I forgot to private that. Kinuha ko yung lappy ko atsaka nagbukas ng fb.
"Why? Someone posted on my wall ba?" Nag load naman agad kaya nakita ko na.
Ehrvin Cervantes :
Answer my vidcall please?
My fb was turned off kaya wala akong kamalay-malay.
"Nag v-video call pala kayo..." Napalunok ako. I hate it when she sounds like this. No, I kinda like it pala. I like the jealous Gabi hihi. "Good for you. Consistent." Kinikilig ako! Hahahaha she's so cute!
"Don't mind him, Gabi. We're just friends. He's just like that." Hindi siya sumagot. Oh god, she's nagtatampo! I giggled.
"Good night, Haven. I'm sleepy na. Matulog ka na din." She coldly said.
"Ayoko. I want to go to mcdo right now." Paglalambing ko. To be honest, gusto ko lang siyang makita at lambingin siya hanggang sa mawala na yung selos niya.
"No. It's already two in the morning. Matulog ka na." Masungit niyang sabi.
"I can handle naman. Sige na, matulog ka na." I ended the call. She'll call again in 3..2.."Why? Nagbibihis ako."
"Wear your hoody. I'll be there in ten minutes." Pinatay niya na rin agad yung tawag.
Maarte siya pero mas maarte ako hahahaha. Kahit anong galit niya, kapag ako na yung nagalit, huh mawawala bigla yung kanya. Now tell me, how can I not love her? She's my everything.
Nag text siya na nasa labas na siya. Dali dali akong lumabas. Halos kuminang ang mata ko nang nakita kong motorcycle ang dala niya. God, night breeze it is!
Kinausap niya na naman si Kuya Roy (guard) kaya alam kong nakapagpaalam na siya. Naghihintay nalang siya sakin ngayon kaya nakangiti akong lumapit sa kanya. She seriously stared at me. She handed me my helmet.
"Wear it and hop in." Nag-iwas siya ng tingin pagkasabi niya. I pouted.
Sinunod ko ang sinabi niya. I hugged her waist the moment na I'm comfy na. She started to drive. I hugged her tighter then kissed her nape.
"Baby..." Malambing kong tawag sa kanya. She hummed. "Bati na tayo, please?" Hindi siya nagsalita.
Maya-maya, nakita ko na yung mcdo. She parked the motorcycle atsaka kami bumaba. May mangilan-ngilan pang tao sa loob. I removed my head gear. She did the same atsaka iniayos yon sa motor. She motioned me to go inside. I intertwined our hands atsaka hinila siya papasok.
"Let's take out our food. I want to eat it somewhere." Sabi ko na agad sa kanya pagkapila namin sa counter.
We ordered two big macs, coffee float, fries and nuggets. Wala na yata yung matcha mcflurry kaya nakita kong sumimangot siya. Hindi na yata siya available sa mcdo? Not sure.
While waiting for our food, umusod kami sa gilid para makapag order na rin yung kasunod namin. Habang nakatayo kami, nakapulupot ang braso niya sa waist ko. Tumingala ako sa kanya. Napatingin din siya sakin.