"Change your clothes first, baby..." Malambing na sabi niya sa anak niya na nakakakandong sa kanya ngayon. Nakaupo sila sa bed. "You're sweaty, baby." Humalik siya sa buhok ni Gav.
Umayos ng upo sa lap niya si Gav at itinaas ang arms niya. Hinalikan siya ni Gabi sa noo na nakapag palambot sakin. Damn, my heart melts. Naiiyak ako pero pinipigilan ko.
Tumayo ako at kumuha ng damit pangtulog ni Gav. Lumapit ako sa kanila at inilagay ang mga kakailanganin niya sa gilid nila. Hindi niya 'ko pinapatakan ng tingin. Nasa anak niya lang ang buong atensiyon niya.
Hindi ko magawang mainis dahil bakit niya nga naman ako titignan?
"You'll sleep here, Mom?" Gav cupped her cheeks with her little hands. "I wanchu always beside me..." Gav pouted.
"I will, anak. Hindi na tayo maghihiwalay." Sabi niya at humalik sa labi ng anak niya. "Happy Birthday, my baby!" Pinupog niya ng halik sa labi ni Gav na ikinatuwa naman nung isa. Hmm...wala! "I'll buy whatever you want tomorrow, okay? You'll come with me?" Ako yung namula sa pagpapacute niya sa anak niya!662
Umupo ako sa couch, pretending na busy sa phone ko.
"Alis po us nila Mommy?" Excited na sabi ni Gav. I bit my lower lip. Shit, bakit kasama 'ko?
"No anak, dalawa lang tayo. Is it okay? I wanna date you."
Oh...right.
"Hmm okay, Mom! Me time po then you and Mommy time next!" Hindi ko na tinignan pa yung reaction ni Gabi.
Tumayo ako.
"Anak, baba muna ako ha? May mga guests pa si Mommy. Sleep ka na diyan ha?" Iniisip ko ba kung lalapit ba 'ko sa kanila pero ngumuso na si Gav signing for a kiss kaya hindi ko na ininda yung kaba ko at lumapit na.
"Goodnight, anak. I love you." Sabi ko atsaka yumuko para humalik.
Shit! Ang lapit ng mukha ko kay Gabi! Pagtingin ko sa kanya, hindi manlang tumingin! Nakatingin lang siya sa anak niya.
"Give Mom a kiss too, Mommy!" Sabi ni Gav at yumakap sa batok ko at batok niya para paglapitin pa kami. Napatingin na tuloy si Gabi.
Natigilan kami parehas nang nagkatinginan na kami. Seryoso lang naman siya.
"Close your eyes, baby. This is for adults only." Sabi niya kay Gav na nakangiting tumango at pumikit na.
Diretso lang siyang nakatingin sakin habang ako hirap na hirap na umiwas ng tingin sa kanya.
"Done, anak. Open your eyes na." Sabi niya tapos yumakap na ulit sa anak niya at pumikit.
Done? Wala naman...
Anyways, humalik lang ulit ako kay Gav at bwisit na bwisit na bumaba.
"Oh? Anong mukha 'yan?" Asar agad ni Shammy paglapit ko sa pwesto nila. Umupo ako sa tabi ni Claude.
"That face looks like...hindi napagbigyan ng kiss ni Mommy Liel?" Gatong pa ni Skye kaya nagtawanan ang mga walanghiya!
"Shut up, guys! Inom nalang tayo. Bihira nalang ako uminom kasi ayoko naman ako pa ang alagaan ni Gav." Inabutan ko na sila ng beer.
Inom lang ako ng inom at hindi ko namalayan na nakakarami na pala 'ko. Kami nalang magkakaibigan ang natira dahil umuwi na ang parents nila at sila Mommy tulog na. Pagtingin ko sa wristwatch ko, almost 2 a.m na pala.
"You're not done yet?" I'm already dizzy, but I know who's the owner of that voice. She sat beside Cyrus. In other words, she's in front of me.
"Suko na kami pero si Ven, ayaw pa. Ang lakas na uminom ng babaeng 'yan!" Tawang tawa si Shammy. Natawa nalang din ako.