Twenty

2.8K 110 21
                                    

Gabi and I finally decided to go down around 4 pm para kumain na din at salubungin ang sunset. Sa pool nalang siguro kami mag swim later at night dahil cold na sa dagat pag nag swim kami later.

Gabi forgot her cam kaya she went to our room again to get it. Nags-swimming naman si Kaye and Ehrvin sa dagat kaya nakatingin ako sa kanila habang naglalandian sila. I'm really happy na they found each other.

"Penny for your thoughts?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Sage pala.

"Hey," I smiled at her. I have this feeling na kapag nakikita ko siya, parang ang gaan gaan ng paligid ko. Ewan ko ba, siguro ang chill niyang tao na parang wala kang problema kapag kausap mo siya.

"Saan girlfriend mo? Baka bigla akong masapak dito," She joked. "Kidding aside. Pero you're both cute. When and where is the wedding?" She's teasing me. I rolled my eyes jokingly.

"No particular date for that pero we'll get there naman. We're just starting our career now kasi kaya hindi pa namin siya naiisip." I honestly told her. She nodded.

"Trust me, she's thinking 'bout that. She's the type na magugulat ka nalang paggising mo kasal na kayo." She pulled back her hair. God, she's pretty! I love her hair color ha. Try ko ngang magpa ganyan.

"Yeah, I agree on that one. Gusto ko na rin itali para wala ng makalapit." I smirked. She laugh out loud. I raised my right hand, forming a high five na agad niya namang nagets.

"Nice, nice. Anyway, gotta go. Baka dumating na siya, at masapak na talaga 'ko. Add kita sa social accounts pala, okay lang?" She asked nicely. Magkakasundo kami dahil feeling ko okay siyang kaibigan.

"Yup. Haven Go. Ikaw?" Tumayo na siya kaya nakatingala ako sa kanya.

"Sagittarius Tyrell Salvador. See you around!" Nag salute pa siya tas naglakad na paalis.

She has a cool name huh. Anyway, after a minute dumating na din si Gabi.

"Ang init!" Hingal siyang umupo sa tabi ko. Pawis na pawis siya kaya kinuha ko yung towel at ipinunas sa kanya. "Order ako ng food and drinks, what do you want?" Sumenyas na siya sa isang staff kaya may lumapit na samin.

"Iced tea and ham sandwich for me." Sabi ko doon sa staff. Nag order naman si Gabi ng Iced tea din atsaka pizza. Hindi kasi siya mabubusog sa single order lang kaya kailangan talaga pang madamihan. "Baka hinahanap ka nung mga katrabaho mo?" Curious ko naman na tanong.

Sumandal siya sakin at pinaglaruan ang kamay ko. "Nah, don't care, baby time." She kissed the back of my palm. "How's your week, baby? Nahirapan ka ba? Nainis ka ba? Or...na-horny ka ba?" Kinurot ko nga! Akala ko matino lahat ng itatanong, e! Natawa ka ngayon!

"Kakasama mo kay Shammie 'yang bibig mo!" Kinurot ko yung bibig niya, tawa naman siya ng tawa. "Anyway, medyo nahirapan nga ako pero kinaya naman. Magaling naman yung team nila Ehrvin kaya nagawan agad ng paraan. Nagyayaya nga yung mga college batchmates ko last night na mag night out daw kami pero di ako sumama kasi ayaw din naman nila Ynnah atsaka wala sila Migo." Tumango siya.

"Iniignore ko nalang yung mga chats sakin na mga ganyan din. You know, I'm not into that. Sumasama lang ako kapag kasama ka." Dumating na yung food and drinks kaya iniayos muna namin 'yon sa table.

Mas naging busy kami ni Gabi the following month. Parang sa isang buwan, max of seven days lang kaming nagkikita. May mga weeks na halos hindi na kami makauwing dalawa. It's either pupunta ako sa Batangas or siya naman ang pupunta sa Zambales. Halos hindi na namin nabibisita ang bahay kaya weekly nalang namin siyang pinapalinis sa mga staff nila Mommy.

"Gabrielle, makakauwi ka ba ngayong weekend?" Tanong ko sa kanya. Magka video call kami ngayon habang nag aayos ako ng gamit ko dahil uuwi ako bukas. Birthday weekend kasi ni Cyrus and gusto niya doon lang kami sa resthouse mag celebrate dahil bihira na kaming mabuo ngayon.

Gabrielle's HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon