Seven

3.9K 142 12
                                    

Nasa school grounds kami while waiting for Tif. Kung sino-sino na nga yung binati ni Shammy. Ang dami niyang kilala, ang friendly niya kasi talaga kaya hindi naman ako nagtataka. I look at Gabi.

Honestly, these days, she's 'kinda' friendly na. She'll smile a bit when someone called her. Kahit hindi niya pa kilala, basta kapag tinawag siya, medyo ngumingiti naman na siya.

Pinagalitan ko kasi siya about that. She's so snobber kasi. Saamin lang siya ngumingiti kaya nasermunan ko siya talaga. Kaya ngayon, she's being playful with Shammy na.

"Nakasama ko 'yan sa isang party. Nag g-grind pa nga sakin 'yan!" Sabi ni Shammy. Tawa sila ng tawang dalawa. "So yun pinatulan ko naman, bigla ba naman akong binulungan ng doon daw kami sa condo ko!" Pati ako natawa na din. "Iniwan ko nga, wala naman akong condo! Alangan dalhin ko siya sa resthouse natin edi nakatay naman ako ni Tif?" Nasapak ko na si Shammy sa braso niya. She's really crazy! The resthouse will get surely boring when she's not around.

"I thought you'll go to my unit nanaman?" Biro ni Gabi. Saaming lahat, silang tatlo nila Sky and Kuya Lucian yung may condo unit. Gift sa kanila ng mga parents nila nung nag college na sila. Mom and Dad bought Kuya a unit 'cause it's near his school.

"Why? You brought girls to Gabi's unit?" Masungit kong tanong kay Shammy.

"Twice yata kasi—aray!" Kinurot ko nga sa hita!

"Gabi!" She looked at me softly. Naiinis na 'ko dito ang kalma niya pa! "Why did you let her bring girls  there?!" She gulped. I glared at her. She close the gap between us and kissed my cheek.

"Hoy ang oa mo naman, Haven! Nag n-netflix and chill lang kami doon, okay? Hindi ko dinudumihan yung unit ni Liel!" Shammy defended. I eyed her seriously. "I'm serious! Number one rule kaya ni Liel na wala dapat kababalaghan na mangyari." Inirapan ko nalang. I trust her naman. "Makaangal naman 'to, feeling jowa ni Liel." Sinapak ko na!

"Not now, but soon!" I blurted without thinking. Nakita ko tuloy yung mayabang na ngiti ni Gabi. I hissed. Di naman ako kinikilig. Asa.

Sa ngiting 'yon, kikiligin na 'ko? Asa.

"As if. Para nga kayong tangang dalawa. Ang obvious niyo naman, ayaw niyo pang mag aminan tapos kapag may umaaligid, magseselos kayo pero siyempre di kayo makaangal kasi wala namang kayo!" Nakakainis na 'to si Shammy! Kailangan ba talagang ipamukha pa samin yon? Hmp!

"Shut the fuck up, Shammy. I'm already courting her so please, stop that. I have my rights already kaya sorry nalang sa mga umaaligid." Gabi said and smirked at really surprised Shammy. She's really cute when she's this kind of hambog hahaha.

"Seryoso?!" Shammy looks really funny. I laughed.

"Yes." I answered.

"Seryoso ang ano?" Andito na pala si Tif. She sat next to Shammy after we made beso.

"Nanliligaw na daw 'to si Liel kay Haven. Naniniwala ka ba?"

"Yup. Nasabi na sakin ni Lucian. I also told Sky about it. Bakit ngayon mo lang nalaman? Last week pa yata nag start 'yon." Pinagtawanan ni Tif si Shammy.

Naghihimutok tuloy si Shammy habang palabas na kami ng school. We'll commute today. Manunuod kasi kami ng movie sa mall and walang nagdala ng car today. Nagpahatid lang kami ni Gabi kanina sa driver nila and yung dalawa, nagpa drop lang sa parents nila kasi akala nila may dala si Gabi na car.

Dalawang train rides lang naman going to the mall kaya mabilis lang din kaming makakarating. It's just two in the afternoon kaya nakita naman namin from outside na hindi pa ganon kasikip. Sakto lang.

Gabrielle's HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon