"Gav, anak, no—" Naihagis na nga ng makulit na bata ang manika na laruan niya bago ko pa siya malapitan. Lumuhod ako sa harap niya. Natatawa naman siyang yumakap sa leeg ko.
"Mommy, she looks ugyi na po!" Tuwang tuwa niyang sabi sakin. Napailing nalang ako.
She painted the barbie's face kaya naman mukhang ewan na yung barbie niya ngayon. Marahan ko siyang binuhat at inupo na sa baby seat niya para kumain.
"Wow, we have pumkims today! Thank you, mommy!" Humalik siya sa lips ko at tinuro niya na yung upuan ko para umupo doon. Excited siyang kumain, she loves fruits and veggies kasi.
My daughter is already two years old turning three in two days. Dito ko na din siya ipinanganak sa Switzerland. In span of that almost three years, hindi pa kami umuuwi sa Pilipinas kahit na sobrang excited na nila na ma-meet ang anak ko. Except sa family ko, hindi pa siya nakikita ng mga friends ko. Puro pica lang. Hindi rin sila makabisita kasi pinipigilan ko sila. Sabi ko hintayin nalang nila na umuwi kami.
And we will go home tomorrow morning. Susugurin na raw kami nila Mama kapag di pa kami umuwi kaya wala na kaming choice kundi umuwi nga.
"Mamu!!!" Excited na sabi ni Gav nang nakitang dumating na ang Mamu niya.
"Hi baby, I miss you!!" Kinarga niya na ang bata at pinaliguan ng halik sa mukha. "Wow, is that your favorite food?" Inupo na ulit niya si Gav at umupo siya sa tapat ko.
Kumuha ako ng plate and utensils at pinaghain ko na rin siya. Kinindatan niya lang ako.
"Mamu say aah," Sabi ni Gav. Lumapit naman siya ng konti at isinubo ang pinapakain sa kanya ng bata.
Hinayaan na namin kumain si Gav habang nag uusap kaming dalawa.
"You sure you'll be okay tomorrow?" Nag aalalang tanong niya. I can't blame her tho. She knows na hindi na ako sanay na wala siya sa paligid namin ni Gav.
"I'll be okay, Sage. Hindi ka talaga makakapunta sa birthday ni Gav?" Ngumuso ako. Maliit lang siyang ngumiti.
"I badly wanna go home with you both, but I really can't go this week. You'll stay there for good and ayoko naman maiwan dito kaya tatapusin ko na lahat para hindi na din ako bumalik dito." Tumango naman ako. "Bawi ako next week, pag uwi ko." Ngumiti nalang ako sa kanya.
--
"Mama Jey! Mama Wowp!" Masayang sigaw ng anak ko at mabilis nagtatakbo para magpakarga sa mga lola niya.
Pinupog siya ng halik nila Mama. Sinundo kami ni Kuya Luke. Sobrang excited nga nila Mama na gusto pa sanang sumama sa pag sundo samin pero pinigilan lang namin ni Kuya kasi baka mag iyakan pa sa airport.
"My baby! I missed you so much!" Naiiyak pa si Mama habang nakayakap kay Mommy na buhat buhat si Gav.
Softie talaga si Mama pag dating na kay Gav. Nawawala angas niya hahahaha.
Hinayaan ko nalang muna sila. Hinila naman ako ni Kuya papunta sa garden para makipag catch up sakin. Inabutan niya 'ko ng orange juice habang siya beer ang hawak. Buti nalang nag dinner na kami bago umuwi.
"Ready ka na ba?" Tumingin si Kuya sakin pagkasabi niya. He sighed deeply. "Hindi ko 'to binabanggit sayo dahil alam kong hindi ka naman makikinig. It's for you to find out, Ven, but I just wanna tell you na Liel's really...mad."
I gulped.
"Why is she mad?" Lutang na tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.