"You want me to buy something for you?" Alok ni Kaye nang nag stop over kami sa isang convenience store.
"Chocolate drink will be fine." Sabi ko kaya tumango siya at lumabas na sila ni Ehrvin ng sasakyan para bumili ng makakain.
We're on our way to Gabi's. Ngayong Friday na nga kami nag decide na puntahan si Gabi dahil naging busy din ako the past days. Sakto lang din kasi Saturday, which is tomorrow, yung pinaka uwi ni Gabi kaya sasabayan ko nalang siya pauwi.
Niyaya ko din sila Tiff na sumama pero may mga plans na daw sila kaya next time nalang daw sila sasama. Anyway, I cooked food for Gabi naman kasi nag text siya kanina na namimiss niya na daw ang luto ko. Kunyari pa, ako naman talaga ang gusto niyang kainin. Lol! Hahahaha.
"Can you just..." Umirap na 'ko! "Please! 'wag kayo sa harap ko maglandian! Inggit na inggit na 'ko!" Tumawa lang ang dalawa sa harap ko.
Sinusubuan kasi ni Kaye si Ehrvin ng food habang nagmamaneho si Ehrvin. Rice meal kasi yung binili niya kaya ayun todo effort naman si Kaye. Hassle daw kasi kapag hinintay pa namin siyang ubusin yung food niya kaya ayan, ang landi nila ngayon.
"Inggitera! Tiniis ko naman yung landian niyo ni Liel kapag ako yung sumasabay sa inyo!" Pinainom niya ng water si Ehrvin. "Kaya ngayon ikaw naman ang magdusa diyan. Alam mo na yung feeling ngayon?" Inasar pa 'ko ng walang hiyang 'to!
"Baho mo!" Tumawa nalang si Kaye at bumalik na sa ginagawa niya.
Around one in the afternoon kami nakarating sa beach resort. Nagbook na kami ng room kanina kaya nanghihingi nalang ng konting details ang receptionist. Magkatabing rooms lang ang kinuha namin kaya inakyat muna namin yung bags namin atsaka bumaba para hanapin si Gabi.
Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Dumiretso nalang muna kami sa restau nila para kumain dahil kanina pa kami nagugutom. After we ate, di ko parin macontact si Gabi kaya naglakad-lakad muna kami sa beach area.
Nakita namin yung spa area nila kaya napagpasyahan namin na magpa massage kami mamaya. Bumili ng fresh buko juice yung dalawa kaya umupo muna ako dito sa sun lounger habang hinihintay sila. I took photos of the view na din for IG purposes. Last week pa yung last post ko, e.
Napadako ang tingin ko sa babaeng kakababa lang sa jetski. She's laughing with her friends na nag banana boat yata. She's wearing a bikini pair with her polo na nililipad kaya nakikita ang top niyang sexy. Naka cap siyang black habang nakasuot din ng sunglass at may hawak na underwater cam sa right hand.
Ang sexy! Pilit kong tinitignan ang kanyang mukha pero side view lang ang nakikita ko kaya kitang kita ko yung tangos ng ilong niya.
Nag iwas ako ng tingin ng nakita kong tumingin siya sa banda ko. Ewan ko din kung bakit ako umiwas e naka sunglass din naman ako at hindi naman niya makikita kung nakatingin ako sa kanya.
I keep on taking glances kaya I'm kinda bothered now na she's walking near my direction! Does she see me checkin' her a bit? Omg? What if nga? I doubt it!
"Uhm," Her ears are red, she's obviously shy. "My room key is on your seat,"
Omg??
Tumayo kaagad ako atsaka tumingin sa inupuan ko! Nandoon nga yung room key niya hindi ko napansin kasi nakatingin ako sa dagat nang umupo ako doon! Sheesh, nakakahiya!
Kinuha ko 'yon at inabot sa kanya.
"Uh sorry, I didn't notice." I bit my lower lip, I'm so damn embarassed!
She flashed a friendly smile. "Nah, that's cool. I'm Sage, by the way." She offered a hand. Hindi nakawala sa paningin ko ang ear piercing niya na nasa helix area.