Oh, never mind.
Pero, pano kaya kung maaksidente ako? Gusto ko pang mabuhay no! *Sigh* Oo nga, nandun si Papu, pero hindi ibig sabihin hindi ko sya gustong makasama dun. Hay, ewan.
When I was walking home, naalala ko nanaman yung Arrange Marriage. Nakakainis talaga sina Mamu … Nababaliw na ba sila o nasisisraan na ng ulo?
I felt bored. Na parang gusto kong durugin ang mundo at manirahan na lang sa ibang planeta. If I had to, I would try to survive on Neptune [since Pluto wasn’t considered as a planet na.].. kasi alam ko that planet was also suffering the things that Earth was suffering now. Well, based lang naman yun sa utak ko, wag naman kayo magpapadala. Kayo oh, alam nyo namang iba ang isip ko sa iba. Malayo ang nararating ng utak ko, di nyo alam. Mamaya mabalitaan nyo na lang ako nasa past na ko using the time machine. Haha. Nangarap ba?
I saw an empty soda can towards the street. Dahil sa galit ko, I tried to kick it. All of a sudden, nakarinig ako ng nabasag na something… well, siguro ano lang yun, mga walang magawa sa buhay nila. Wala yun.
I was walking at the sidewalk nung may narinig akong boses ng lalaki.
“Hoy!”
Tumingin ako sa kanan at sa kaliwa, pero di ko pa rin sya makita. Ang weird ah.
“Hoy! Ano ba?”
Haha. Nandun pala sya sa likod.
“Aishh.. ano bang problema mo at nagsisisigaw ka --” I paused. Oi, madam. Akalain mo yun, sa lahat ng mga pinagdadaanan ng buhay ko ngayon, isang gwapong nilalang pa ang dadaan? but, unfortunately, sira-ulo naman… tsss...
He scoffed. “Tsk. Nagtanong ka pa. Tingnan mo nga kung ano ang ginawa mo sa kotse ko!”
“Huh? Ano bang pinagsasasabi mo?”
“Alam kong ikaw ang sumipa nito.” may hawak-hawak syang lata. Yun yung latang sinipa ko kanina.
“Halika rito.” Then he grabbed my arm.
“Aray ko! Ano ba?”
Dinala nya ko sa sasakyan nya.
“Look what you did!”
“Ano? Wala naman eh!”
“Bulag ka ba o bingi?” Ano bang pinagsasasabi ng lalaking to?
There it is. My two big black eyes saw it and widened. Aiyyy! Basag pala yung car window nya! Ang lakas naman ng impact ng pagkasipa ko dun. Ni hindi ko nga binigyan ng much strength. Yah, face it. Lagot ka…
“Then fine, I’ll pay it!”
“Oi, inosenteng baliw, alam mo ba kung magkano ‘tong brand new na kotse ko?” Aba.. loko pala tong lalaking to eh! Tinawag ba naman akong inosenteng baliw? Aiiissshhh… I have a decent name, idi0t.
“Magkano ba?!” I exclaimed.
“Costs about.. well, mga hundred thousand lang naman.”
O_O
Ano? Okay, my eyes went out of their sockets because of so much shock. H-hu-hundred thou-ss-sand daw? Lang naman? Well, siguro mura lang naman siguro sa katulad nyang mayayaman ang mga ganun. Eh wala naman akong perang ganun kalaki.
“Uh… ummm… hindi ko talaga sinasadya yun, sorry talaga...”
“Tsk. A sorry couldn’t back the disaster you made.”
I thought for a second haw to escape it. Alam mo kasi, ang magandang gawin in this kind of crime is to…
RUN!!!
“Oi, teka! Bumalik ka rito oi!”
Para kaming tangang naghahabulan sa kalsada. Ito na nga ang krimeng hindi ko matatakasan. Kainis! With matching sigaw pa ang pagtakbo ko!
Lumingon ako habang tumatakbo. Buti na lang at malayo ang agwat naming sa isa’t isa. “Ano ba yan! Hinahabol pa rin nya ko? Naman!”
Ano nang gagawin ko? Papu, Mamu! Tulong!
Buti na lang, may nahanap na akong spot na pwede kong pagtaguan pansamantala. AYOS! Ang tagal kong nagtago dun ah! Pero, nanjan pa rin ang gwapong sira-ulong to… alas-otso na! Ano ba sya? Tao ba talaga to? Talagang mahal nya yung kotse nya… syempre, brand new eh!
“Inosenteng baliw!”
Ang sama talaga nitong lalaking ‘to! No manners!
“Pag nakita kita, papatayin kita!” tapos sinilip ko sya sa butas, nakaalis na pala sya.
Huminga ako ng malalim. “Walangya yung lalaking yun! Ang sakit-sakit ng likod ko kakatago dun!”
Tumakbo ako papauwi sa bahay na parang kabayo.
“Naku, nakalock pa yung gate. Mamu! Marco! Buksan nyo tong gate!"
Nakita ko sila. “Marriane, alam mo ba kung anong oras na? di ba 5 ang uwian nyo?”
“Sorry, Mamu, 4 nga kami umuwi kasi may meeting ang mga teachers sa school.”
“Eh ba’t 8 ka na nakauwi?”
"Uhhh, ummm… oo, nagreseach pa kami sa library kanina.” *bows* sabay takbo papuntang kwarto.
“Ate, di ka ba kakain?”
“Hindi na, kumain na ko kanina bago ako umuwi.” Sabay lock ng kwarto. Sumandal ako sa pinto.
“Aaaahhh!!! I hate myself!”
Humiga ako sa kama. “Nakakainis talaga… tsk.Tsk.tsk.”
***
Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Dumungaw ako at alam nyo ba kung anong nakita ko?
Mga pulis! :-O
As in ang daming pulis na nakapalibot sa bahay namin… may magtatangka pa ngang umakyat eh! Reding-ready na silang tudasin ako eh… tapos nakita ko pa yung gwapong sira-ulo, kumakaway-kaway pa… kaasar talaga!
“Marriane Louise Santos! Sumuko ka na, napapaligiran ka na naming lahat!”
Is this happening to me?
Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!
***
Nagising ako, pawis na pawis at hingal na hingal. Pinuntahan ako nina Mamu. “Marriane! Anong nangyari sa’yo? Okay ka lang ba?”
Binigyan ako ni Marco ng tubig. “I- I had a nightmare..,. yung mga Pu-“ oi Marriane, be specific naman!
"I mean, uhhhmm... ayun! may humahabol raw sakin na halimaw! tapos - "
"Kinain ka? hay naku ate, nabasa ko na yan sa libro eh! Istorbo ka ah…"
"Totoo naman ah! Sapakin kita jan eh~~"
"Oi, tama na yan at inaantok pa ko... magsitulog na uli tayo, halika na Marco."
Napabuntong hininga na lang ako as soon a they went out of my room. I looked at the ceiling. Sana panaginip lang yun... sana di totoo yun... Pero paano kung.... Masundan nya ko? Patay na!
Well, good for me. >_<
![](https://img.wattpad.com/cover/3484850-288-k146510.jpg)