“So, okay na ba tayo?”
“I’m not sure. Baka gumawa ka nanaman ng kalokohan eh.”
“Anong kalokohan?”
We heard a knock coming from the door, causing us to release ourselves in our arms. “Ako na lang ang magbubukas.” I stood up and opened the door. It was Camille and mamu. “Papa!” Camille exclaimed as she passed my presence and rushed to Rex. He hugged her tightly. Nag-alala si mamu dahil di ako nakapagpaalam. Binilisan ko na kasi ang takbo ko after kong marinig na nandito sya sa ospital. Ayun, nagtext si mamu at sinabi ko yung nangyari.
Namiss nga talaga nila ang isa’t isa.
“Musta na ang baby ko?” He kissed her head. “Papa, kaya ba kami umalis ni mama dahil nandito ka? Bakit may nakadugtong sa braso mo?”
“It’s nothing, baby. I’m so happy na makikita ka pa rin ni papa mo.”
“Hay, naku. Paskong pasko, wala ang papa mo.” Sumingit si mamu, referring to his dad. “Dun sya po sa mama ko magse-celebrate ng pasko.”
“Kaya pala. Ano, iiwan ko na ba sainyo si Camille?”
“Yes, mamu. Iwan mo na sya rito. Namiss na nga talaga si Rex.”
“Eh pano ba naman kasi, halos dalawang linggo mo syang inilayo sa kanya. Ano, ayos na ba kayong dalawa?”
Napatingin lang ako kay Rex. “Hay naku, anak. Magbati na kayong dalawa. Alis na ko.”
“Bye, mamu.” When the door closed, he started. “Tingnan mo, pati yung mama mo, gusto na rin tayong mag-ayos.”
I sighed. “Oo na sige na.” I smiled. “Talaga? Then prove it.” He smirked. “Prove it ka dyan? Kung ano-anong pinagsasasabi mo, kaharap mo yung bata.”
“Okay fine.” He smiled too. Inakbayan nya si Camille. “Pano ba yan, dito tayo magse-celebrate ng unang pasko natin?”
“Kagagawan mo kasi eh. Maipasyal sana natin si Camille.”
“Okay lang po yun mama. Kasama naman po natin si papa diba?” I was touched to her words. “That’s the spirit, Camille!”
Camille suddenly yawned, causing her to stop laughing. “11 PM na pala. Hindi tayo makakauwi. Inaantok ka na tuloy.”
“Dun ka na lang sa couch matulog, Camille. Pero, san ako matutulog?”
“Oo nga noh.”
“Eh di sa tabi ni papa!” Camille said and I looked at her. “Di ba po, mama at papa ko kayo? Kaya pwede po kayong matulog ng magkatabi.”
“Pwede?” I looked at Rex who is also astonished but seem to be calm now. Naalala ko yung time na nakatabi ko sya sa kama nung nasa Hongkong kami. Wait. He’s smirking. What was he thinking?!
Nabaling ang tingin ko kay Camille na talagang papasarado na ang mata. “Teka lang, Camille. Aayusin ko lang ang higaan mo.”
Kinuha ko yung excess pillow at kumot ni Rex at nilagay ko sa may couch. “Goodnight, baby. Merry Christmas.” I kissed her forehead. “Goodnight, mama, papa. Merry Christmas rin po.” And she went to sleep.
“Matulog na rin tayo. Medyo inaantok na rin ako eh.”
O_O
Bakit ganun? Kinakabahan pa rin ako? Nakatabi ko na sya sa kama, come on. Pero bakit kinakabahan pa rin ako? Baka kasi… “Ano nanaman ang mga pinag-iisip mo? Ganyan ba talaga kadumi ang utak mo? Pwede ba, wala akong gagawin sayo kaya matulog ka na rito.”
“Pwede ba wag kang manumbat? Hindi ako ganun kung mag-isip noh.”
When I lied beside him, I felt his warmth through the bed. Gaya nga ng sabi nya, wala syang gagawin kaya nakatalikod sya sakin. Also, nakatalikod din ako sa kanya. Hay… kailan kaya ‘to matatapos?
“Gising ka pa ba?”
“Oo naman. Kakahiga ko lang, pwede ba? Ano ba yun?”
There’s a silence between us before he speak again. “Salamat.”
“What for?”
“Sa patience na binibigay mo sakin. Salamat.”
I nearly smiled and faced his back. “Rex.” But, he didn’t respond. Oh, well. Tulog na siguro sya. Ang bilis nyang makatulog noh?
“Merry Christmas.”