chapter 36

10 0 0
                                    

Kumain kami pagkauwi namin sa bahay. Niyaya namin si Lawrence kaso, wala raw syang gana. Dahil siguro dun. *sigh*

“Hoy. Lumalamig na yung pagkain mo.” Rex called. I snapped out of my thoughts when I saw him looking at me. “Pasensya ka na. Marami lang akong iniisip ngayon.”

“Like what?”

“Yung tungkol sa kanilang tatlo.”

“Sino? Sina Lawrence, Camille at si Andrea?” He asked before he took a bite at his food. “Hmm.” I nodded as I drank water. “Anong meron sa kanila?”

“Anak nila si Camille.”

Natigilan si Rex sa narinig nya. “Ano? Anak ni Lawrence si… Camille? Panong nangyari yun?”

“Hindi ko rin alam. Teka, dapat alam mo diba?”

“Hindi ko pa kaya sya kilala noon.” He drank water and stared far away. An awkward silence came. He suddenly changed into a vulnerable one. He stood up. “Labas lang ako.” And he walked out of this house.

Ano bang nangyayari sa kanya?

***

Pagkatapos kong maghugas, lumabas ako only to hear a familiar voice. Boses ni Rex yun ah. “Wag mong sabihing gagayahin mo rin ang ginawa ko?”

“Eh, anong gagawin ko?!” Boses naman ‘yon ni Lawrence. Nagtago ako sa may gate. “Sundan mo sila! Ayokong gayahin mo ang ginawa ko noon. Basta na lang ako sumuko. Hindi ko sya sinundan. Hindi ko man nagawang pigilan sya, hindi ko pa rin ginawa ang dapat. Hindi ko ipinaglaban ang tama. That’s what I’m expecting you to do!”

Nung naging sigaw ang pagsasalita nya, hinarap ko sila. Guess what I saw? Rex and Lawrence. Drenched in blood and full of cuts on their faces. “Rex! Lawrence! Anong nangyari sa inyo?! Nagsuntukan ba kayo?!” I exclaimed.

I approached Rex. He wiped his nose that is bleeding right now. “I’m telling you, gawin mo ang dapat.” He attempted to punch him again when I held his arm and looked into his eyes. “Stop it. Please.”

Wala na syang nagawa kundi pumasok na lang sa bahay at pinuntahan ko naman si Lawrence. “Ano bang nangyari? Gusto mo gamutin natin yan?”

“Wag na.” He broke a smile infront of me. “Tama nga sya. Sige.” He slowly walked. “Teka, sandali!” Inalalayan ko sya sa braso. “Kaya mo ba?”

“Oo, kaya ko pa. Tatawag na lang ako sa bahay para kunin ako rito. Dun na lang ako mag-iintay sa park. Sige na.” At wala na kong nagawa kundi iwanan na sya.

Pagpasok ko sa bahay, hinarap ko naman si Rex sa may couch. Tiningnan ko ang mga pasa at sugat nya. “Teka, kukunin ko lang yung medical kit.” I stood up and went to the cabinets. “Wag na.” He called. “Anong wag? Mamaya maimpeksyon yan.” I took the medical kit and went to him. Kinuha ko kaagad yung cotton at nilagyan ng alcohol.

“Arrh.. dahan-dahanin mo naman.”

“Hay nako. Kasalanan mo ‘yan kung bakit may mga sugat ka.” Sabi ko sabay diniin yung cotton sa pasa niya. “Aray. Ano ba? Ako na nga lang kasi.” He took the cotton on my hand. “Wag kang makulit.” I retrieved the cotton out of his hand. Napatahimik na lang kami bigla habang ginagamot ko sya. Nung nilagyan ko na ng band-aid ang lahat ng sugat nya, niligpit ko yung medical kit at napaupo sa tabi nya.

“Kung di ba naman t@nga ang lalaking yan, mag-iintay sya sa wala.” He rested his head to the couch. “Ayokong gayahin nya ang ginawa ko. Pano na lang si Camille? Ano yun, lalaki sya ng walang tatay sa tabi nya? Pagkatapos, pinamumukha sa kanya na wala na syang tatay.”

I sighed. “Rex, alam ko kung anong intensyon mo. Pero alam naman siguro ni Lawrence ang ginagawa nya. Iniisip lang nya ang magiging reakyon ni Camille. At tsaka, wag ka ngang basta-basta nanununtok ng tao? You know that it’s intolerable.”

“Iniisip ko lang naman yung bata. *sigh* Kung alam lang nya ang totoo, hindi na rin sya magiging malungkot.” He stood up. “Alis muna ako.”

“Teka!” I called and he looked back. “Baka manuntok ka nanaman.”

“Hindi ako manununtok. Feel ko magdrums ngayon.” And he walked out.

I sighed as his presence disappeared, then I smiled. I’m so happy na nakikita ko unti-unti ang mga good sides nya. I’m so glad dahil may malasakit pala sya sa ibang tao. Akala ko sarili lang nya ang iniisip nya.

And it’s all because of a child.

accidentally inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon