New Year’s Eve.
Nagpasya kami ni Rex na salubungin ang New Year kasama sina mamu, Marco at yung papa nya -- este papa namin. Hindi pa rin ako kinontact ni Lawrence pagkatapos nung araw na yun. Ano kaya mga plano nya?
I snapped out of my thoughts when someone held my hand. Si Rex lang pala. “Iniisip mo nanaman ba si Lawrence ha? Baka gusto mong bugbugin ko pa sya..”
“Magsisimula ka nanaman ba ng away? Eto.. nagmamalasakit lang ako. O baka naman nagseselos ka?”
“Manahimik ka nga. Ayoko lang kasi na…” Hinawakan nya ang kamay ko at tinaas. “..kung sino-sino ang nasa isip mo. I was just worried na baka wala ako dyan.” Aigoo.. since kelan pa ‘to naging cheesy?
“But he’s not anybody. At tsaka, ang korni mo. Daig mo pa ang cornick.”
“Bakit, may nasabi ba ‘kong mali?”
“Ten… Nine… Eight… Seven…” Natigilan kami nung narinig namin na nagca-countdown na sila. Malapit na pala. Pero may nagpapaputok na ng mga fireworks sa langit. “Wow.. ang ganda.” I mumbled.
“You want a New Year present?” He asked as I was still looking up in the sky. Medyo hindi ko narinig kasi marami nang nagpapaputok malapit samin.
“…Six… Five… Four…”
“Anong sabi mo? Di kita marinig!” I shouted.
“…Three… Two… One!”
“Lanya naman. Magkatabi na nga lang tayo, hindi mo pa ko marinig.” Anong sabi nya?
“HAPPY NEW YEAR!”
With that, he pulled me by the waist and kissed me gently. Napapikit na lang ako dahil sa saya na naramdaman ko nung mga oras na yun.
*BOOM*
“AAAAAHHH!!!” I yelled as we stopped kissing. May nagpaputok malapit samin, at alam ko kung sino yun. “MARCO?!”
Marco laughed harder at us. Nakakasira ka ng moment ah. Pero hindi naman nagpatalo si Rex. Ayun, naghagisan sila ng paputok. Ako? I laughed at them. Ayoko ngang makisali. Mamaya maputukan pa ko eh.
I decided to watch the fireworks nalang. But believe me, walang naputukan sa kanilang dalawa. Hahah. ^_____^
***
“Sorry, the number you dialed is not yet in service. Try again later.”
I sadly ended the call. *sigh* Bakit naman kasi not in service yung cellphone ni Lawrence? Ano na kayang nangyari sa kanya?
I opened the gate only to find a letter on the mailbox. I immediately took it and looked at the sender.
To: Marriane & Rex ; From: Lawrence
Eh? Galing kay… Lawrence?
Pumasok naman agad ako sa loob at napaupo sa couch bago ko binuksan yung sulat. Napansin kong kinompyuter pa nya yung sulat. Hi-tech talaga ‘tong si Lawrence. Aishh..
03.01.07
Marriane,
Musta? Siguro nagtataka ka na kung bakit ako nagsulat sa’yo. Nasa eroplano na siguro ako ngayon habang binabasa mo ‘to. I know what you’re now thinking of me nung mga oras na nasa airport tayo nun. A coward. Kasi, naduduwag akong harapin sila. Kasi, natatakot akong malaman ang reaksyon ni Camille. Kasi, natatakot ako na di nila ako tanggapin. But now, I decided to follow them… thanks to your husband. I admit, natamaan rin ako sa mga explanations nya… kaya napagpasyahan ko na sundan sila. Sorry sa mga inasta ko nung mga nakaraang araw. And, thank you for showing me friendship. I really appreciate the things that you’ve done for me. Salamat talaga ng malaki.
Rex,
Salamat sa explanations. Naliwanagan ako ng husto. Thank you talaga. Wag mo na ‘kong tatawagin na duwag dahil hindi na ko ganun. Kaya ko ‘to. Nga pala, ayokong tatawagan ako ni Marriane nang umiiyak ha? Kundi, ako talaga mismo papatay sa’yo. Wag mo na syang paiiyakin uli. Lagot ka talaga sakin.
Pano, kita na lang tayo pag naayos na ang lahat sa’ming tatlo. Ingat.
Lawrence
“Ano yan?” Napalingon ako sa tabi ko. “Andyan ka pala.” Umiiyak na pala ako. I wiped my tears. Kinuha nya yung sulat at binasa nya. Pagkatapos nyang mabasa, ibinalik nya uli sakin yung sulat. “Natauhan rin sya.”
“Oo nga. Magiging maayos rin ang lahat sa kanila diba?”
He smiled. “Oo.”
Suddenly, we heard a loud crash from the kitchen. Agad naman kaming napatakbo sa kusina. “Baso lang pala.” He said as we saw the broken glass at the floor. “Pero, pano naman nahulog nun? Hindi kaya… may multo rito?” I asked, puzzled.
“Ano ka ba? Blessed ‘tong bahay na ‘to, pwede ba? Una palang sinabi na sain ni papa na walang multo rito.”
Teka… may meaning kaya ‘to?
![](https://img.wattpad.com/cover/3484850-288-k146510.jpg)