I had a dream last night....
I saw myself in a white gown like i'm going to be married & walking at the aisle...
Then I saw a man in a white clothes...
Suddenly, he faded away...
I saw myself yelling his name so he can come back but, he didn't respond...
Weird dream, huh? but you know, that dream reminds me of finding soulmates... I dunno, we'll... I just read it in Abby's book and it says,
"If you already found him, then you shouldn't let him go..."
Nah! Hindi ko pa iniisip yan noh! I’m not ready enough to meet my soulmate. Who cares? Nobody does… except to my friend Abby.
I was cleaning at the living room when I saw this Arrange Marriage Agreement stuff at the center table. Kung gusto mong malaman kung ano yung Agreement na yun, better read up.
Papu told me that I’m going to marry that guy who I met in a children’s party, I dunno why and I’m super hate it…
Alam mo, kapag nakikita ko yan, gusto ko yang punitin pero, there’s something forcing me na wag gawin yun… and I dunno why.
“Ano naman yan?” andyan pala si Mamu.
“Kasi naman eh, nakita ko nanaman ‘tong Agreement na to…” I went upset.
“Akala ko ba, pupunitin mo yan sa oras na mahawakan mo yan?”
“Bakit pa Mamu? Mabait naman ako ah!”
She tapped my shoulder. “Alam ko kung anong nararamdaman mo at this moment pero, it’s your Papu’s fault, remember?”
Yeah, kabalbalan to ni Papu. Dahil nga mahal ko si Papu at nandun na sya sa fluffy [Heaven] place, sinunod ko na sya.
And this is my destiny. I guess.
***
Sa school, gumagawa kami ni Abby [Rose Cruz] ng assignment kaya we have to hurry. Eto nga palang si Abby, eh, she’s a kikay girl, must say na mala -- okay, let me rephrase that. Masyado lang syang ‘friendly’ pagdating sa boys. She’s always there to make me laugh, kahit saan, kahit bumagyo pa, magkaroon pa ng tornado at lindol, kahit tangayin na kami, hay, di mo kami mapapaghiwalay. Kaklase ko kaya to since elementary pa! Nahawaan na ata ako nito ng virus nya eh… you know, para na rin akong lukaret tulad nya.
The bell suddenly rang. Lahat kami nagsipagpasukan na sa kanya-kanyang mga classrooms. Well, wala kaming teacher ngayon. Nagmistulang playground nanaman tong room namin. Lagi naman eh… ako? Nakadungaw lang kaya ako sa bintana?!
Nilapitan ako ni Abby. “Oi Madam! Alam mo, para kang autistic jan?”
Endearments. She decided that for herself only. Ayoko naman kasi ng mga endearments na sina-suggest nya. So, she decided to call me ‘MADAM’. Guess what I’m calling her? ‘MANANG’. Haha.. “Hay, naku, tigilan mo nga ako! Etong manang na ‘to…”
“Pwede ba, wag mo nga akong tawaging manang?! Ang mabuti pa, samahan mo na lang ako sa boy’s locker room, andun daw ngayon yung gwapong nasa pilot section!” sabay tili.
“Ikaw na lang mag-isa!”
“Ang sungit naman nito… hmp!” sabay alis.
“Ewan ko sa’yo Abby, at bakit nababaliw ka ngayon sa mga nerd sa pilot section.”
Ang tagal ng oras!
With that, the bell rang. Ang weird ah. Kakasabi ko lang, nangyari agad.
“Ang aga naman ata ngayon ng uwian?”
May nag-announce. “Teachers have an urgent meeting so, class dismissed!”
Nagsigawan lahat ng mga kaklase ko, at nagtulakan para lang makaalis. Iniwan naman ako ni Abby sa locker room.
Nakita ko yung matandang babaeng janitor. We exchanged smiles tapos bigla na lang nyang hinawakan yung kamay ko.
“H-huh? T-Teka.. ano po yun? Bakit nyo po ko hinahawakan?”
“Sandali lang iha. Huhulaan kita, iha.” I looked at her, puzzled. “May insidenteng mangyayari sa daan mo kung saan makikilala mo ang katapat mo.”
“Huh? Ano… po yun?” Seriously, I don’t get her. Well, ganyan naman ang mga manghuhula diba? Clueless ka kapag kaharap mo. Feeling mo sya lang ang nakakaalam ng lahat ng mga nangyayari.
“Sige na iha. Mag-ingat ka iha at mamuhay ka ng masaya kasama sya.” At umalis na sya.
Ano yung sinasabi nung matandang yun? Weird nga talaga