THOUGHTS OF LIFE 1
📌READ WITH FULL UNDERSTANDING
"HINDI KA KAHIT KAILAN NAGING SAYANG."
- Minsan sa ating buhay, kinukuwestiyon natin kung tayo pa ba ay nagkakaroon ng purpose, may nagagawa pa ba tayo sa ating buhay na tama, or are we just living our lives because we need to and we have no choice but to live it.
Minsan may mga tinatawag tayong 'desisyon' na minsan nagawa natin na kahit masakit, kahit na sobrang labag sa kalooban natin, pero pinipili pa rin nating gawin, para sa ikakabuti ng ating sarili sa hinaharap, at para na rin sa ikakabuti ng ating sitwasyon, o minsan pa nga ginagawa natin kasi 'yun naman dapat.
Minsan may mga panahong ginagawa natin ang gusto natin sa buhay, and people would tell us na, bakit mo ba ginagawa 'yan?, sinasayang mo lang ang panahon mo sa ganyang bagay, dapat mag-aral ka na lang eh, puro ka gan'yan. People tell us the regret of doing the things we makes us happy. Because for them, it is just a waste of time.
May mga panahon sa ating buhay na sinasabi ng ibang tao, sayang ka. Sayang ka kasi ginagawa mo ito, kesa sa ito. Sinasabi ng iba na, itigil mo na 'yan kasi wala kang mapapala r'yan. Nanghihinayang sila because they expect more of you. Ine-expect nila na ganito ang gagawin mo. People do have standards of what you should do in you life.
At minsan pinipili mo pa ring magpatuloy kahit na anong sabihin nila at maging tingin nila sa 'yo, because it makes you happy. Because that defines your whole personality or even your life.
And I could tell. Lahat 'yan AY HINDI SAYANG. Lahat ng regrets nila, lahat ng mga desisyon na pinakawalan mo para sa ikakabuti mo, lahat ng maling tingin nila sa'yo pero nagpapatuloy ka pa rin. Lahat 'yan hindi sayang, kailanman hindi 'yan sayang.
I know you've been questioning yourself, doubting yourself doing things in your life, "Is it worth it or not?" Ito lang ang maiipayo ko. Whatever you do, whatever you decide, whatever people tell and judge you, as long as it is right and as long as it makes you happy, DO IT. No regrets, no doubts that you should worry about.
May mga tao kasi na akala nila regrets 'yan, dahil may tinatawag silang standard para sa 'yo. They are expecting something even more from you. They're criticizing you. Pero tandaan mo, buhay mo 'yan at hindi kanila. Yes it is given that others will worry about you because they care for you. But true worrying is not judging what makes you happy, true worrying is telling you what is right or wrong but still you have the power to choose kung ano'ng gagawin mo because that's your life and not theirs. Yes they are telling you the things you should do because they think it is right for you. Nothings wrong with that, but it should have limits and boundaries.
All I can tell is, those decisions and doings in your life are not worthless. It's always a blessing or a lesson for you to take. Hindi 'yun sayang. Kasi mahalaga ka eh. Lahat ng ginagawa mo that will makes you happy is also for yourself.
Kaya dapat hindi ka matakot na gumawa ng desisyon mo as long as it is right and it will makes you free and happy. Do it. No hesitations. Choose yourself, set it free. Hindi mo dapat sinasakal ang sarili mo sa isang sitwasyon na magpaparamdam sayo na hindi ka worth it. Let that go. Kasi the more na sinasakal mo ang sarili mo para sa ibang tao at hinayaan mo ang sarili mong masakal, mas masasaktan ka lang.
Kaya pahalagahan mo ang sarili mo, dahil hindi ka isang sayang. Even the trash itself have it's own purpose even though it is a trash already. Pa'no pa kaya ikaw? Mahalaga ka. You don't need someone to prove who you are and to make you feel you're valued. Have faith, believe in yourself and do the things.
Value yourself more, perhaps in the end of the day it's just you who will face all your struggles and difficulties, your life will offer. You don't need other people. Love yourself more. Love yourself more.
BINABASA MO ANG
THOUGHTS OF LIFE
RandomMagbigay inspirasyon, makakapagpamulat ng iba't ibang realisasyon. Makakapagbigay kulay sa iyong mundo, isipan at puso.