THOUGHTS OF LIFE 22

8 2 0
                                    

THOUGHTS OF LIFE 22

📌READ WITH FULL UNDERSTANDING

"KALABAN NATIN ANG ATING SARILI"

- Minsan ang kalaban natin ay ang ating mga sarili. Simulan natin sa pagbangon, napakarami nating dahilan upang tumunganga at hindi kumilos, kahit na sabihing tayo'y maraming gawain, katawan natin ay hindi pa rin masaway. Minsan kahit mag-alarm ay hindi pa gumagana, bawat hikab na tila ba nais pang mamahinga.

Minsan ang kalaban natin ay ang ating sarili, sa mga iniisip natin na walang kasiguraduhan na tayo lang ang siyang may likha, inuubos tayo sa bawat minutong pagtuunan natin ng pansin. Sa bawat iniisip nating na papagurin tayo hanggang sa malubnok na lang sa isang tabi.

Minsan ang kalaban natin ang ating sarili, hindi ang kahit sino, hindi ang kahit ano. Walang pumipigil sa atin kundi ang ating sarili, pero siyang tatandaan natin na pahalagahan pa rin ang ating pag-iisip, huwag magpapalamon, huwag magpapakulong sa sariling damdamin, huwag susuko at ayusin ang bawat sarili. Kalaban natin ang ating sarili kaya matuto tayong labanan ito dahil kailangan pa rin nating harapin ang mundo. Kailangan pa rin nating magpatuloy. Para saan ba ang ating pagbangon, gawin itong dahilan para magpatuloy.

02-09-22

THOUGHTS OF LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon