THOUGHTS OF LIFE 8
📌 READ WITH FULL UNDERSTANDING.
"HINDI TUKSO ANG LALAYO SA'YO"
Itong thought na ito, ay isa sa line ng isang pari sa misa niya. Itong line na 'yan ay pumapatungkol sa paglayo natin sa tukso at sa mga bagay na magpapatungo sa atin para makagawa ng kasalanan.Dahil nga Lenten Season ngayon, o sa mga hindi katoliko rito, ang Lenten Season ay panahon sa mga Kristiyano upang magnilay sa nalalapit na pag alala sa pagkamatay at pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.
Tama nga naman si Father diba? Hindi tukso ang lalayo sa 'yo, KUNDI IKAW.
Bakit ang tukso ba may isip? Sino ba ang may utak, ikaw o ang tukso? Ang tukso kasi nagpaparamdam lang sa'tin at siyang nagiging way upang makagawa tayo ng mali o nang sa tingin natin ay hindi dapat.
Ang tukso kasi wala namang utak 'yan eh, wala namang isip 'yan. Kaya ikaw ang dapat lumayo sa kanila.
Ikaw sa sarili mo, alam mo ang tama at mali, alam mo ang tukso sa hindi tukso, alam mo kung anong dapat gawin dahil may isip at puso ka, nakakapagdesisyon ka. Nakakapag-isip ka.
Ang tukso wala. Ang tukso nasa puso o isip mo lang para ika'y akiting gumawa ng mali.
At layuan mo 'yun, huwag mong sabihin "Tukso layuan moko~" Dahil hindi naman buhay ang tukso. Ikaw ang buhay. Kaya ikaw ang lumayo.
Sa buhay natin alamin natin kung ano ba 'yung mga bagay na dapat nating gawin sa hindi. Dapat sa sarili natin alam na natin iyon. At paano nga ba natin ito mahahadlangan o malalayuan?
Edi gumawa ka nang tama, gumawa ka nang kabutihan, alam mo kung anong tama at mali. Nasa iyo na 'yan kung 'yun ba ang susundin mo o ang tuksong bumabagabag sa'yo.
02 - 21 - 21
BINABASA MO ANG
THOUGHTS OF LIFE
RandomMagbigay inspirasyon, makakapagpamulat ng iba't ibang realisasyon. Makakapagbigay kulay sa iyong mundo, isipan at puso.