THOUGHTS OF LIFE 30
Sayang kaDalawang salita ngunit milyon ang dulot na sakit. Parang sinabing hindi ka mahalaga. Ang dami sa atin ngayon na ang daling iparamdam o sabihin na sayang ka dahil sa mga ginagawa mong hindi sila marunong makuntento. Animo'y kapag nagsawa, papabayaan ka na parang kuting sa kalsada. Sayang ka raw, dahil hindi mo kayang abutin nag mga kaya nilang abutin. Sayang ka raw dahil sa mga meron sila na wala ka. Sayang ka raw, dahil palagi ka na lang nagkakamali. Sayang ka raw dahil tingin nila sa 'yo'y isang laruan na puwedeng itapon kapag hindi na mapakinabangan. Sayang ka nga ba talaga? Sa mga panahong hindi ka nila kayang makita? Sa mga oras na iiwan ka nila dahil wala ka naman pala sa kanila. Sa mga salitang sinasabi nila tungkol sa 'yo? Sa mga pagkukumpara nila na hindi na mawakasan.
Bakit ang daling magsabing sayang ka, dahil lang tingin nilang kulang ka?
Bakit hindi nila kayang makita ang halaga mo dahil natatangi ka?
Bakit hindi ka nila kayang pahalagahan dahil may kaya ka namang gawin?
Pero pinili nilang sabihing sayang ka, dahil tingin nila ay wala kang mararating.
BINABASA MO ANG
THOUGHTS OF LIFE
RandomMagbigay inspirasyon, makakapagpamulat ng iba't ibang realisasyon. Makakapagbigay kulay sa iyong mundo, isipan at puso.