THOUGHTS OF LIFE 13
📌READ WITH FULL UNDERSTANDING
"IT'S HARD TO TAKE COURAGE IN A WORLD FULL OF PEOPLE" - True Colors.
Kadalasan, nakakatanggap tayo ng pagkadismaya sa ibang tao.Hindi sila proud sa mga nagawa natin, they discourage us, pinagsasabihan tayo ng kung ano ano, na hindi natin kaya ito, na wala tayong alam sa mundo kundi ang ganito ganyan. They compare, they are disappointed about your actions about your decisions.
Pero ito, natutunan ko sa buhay, na hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa ibang tao, kundi sa sarili mo lamang. Patunayan mong kaya mo, pero hindi dahil sinabi nilang hindi mo kaya. Patunayan mong kaya mo, dahil alam mong kaya mo.
A reminder that it's okay to fail, it's okay that people will be disappointed at you. Because they don't know you, you know yourself more.
It's okay to fail, it's okay to feel sad, it's okay to feel not contented at some point. But always remember, hindi porket malungkot ka, lagi ka nang malungkot. Hindi porket hindi ka nakapasa, lagi ka nang hindi makakapasa.
Hindi porket disappointed ang mga taong nasa paligid mo, lagi nalang silang disappointed sa'yo.
Take COURAGE. HAVE COURAGE. Lumaban ka, patunayan mo ang sarili mo, sa sarili mo at hindi sa sa sinasabi ng iba. Gawin mong inspirasyon ang sinasabi ng iba para mas magsikap ka, para mas maging matatag ka. Hindi uusad ang buhay mo, kung wala kang gagawin para umusad ng buhay mo.
Sa mundong ito, maraming klase ng tao kang makikilala, maraming madidismaya sa'yo, maraming magsasabi ng kung ano ano tungkol sa'yo. Maraming manghuhusga sa'yo. Pero marami ring magmamahal sa'yo, maraming nand'yan para sa'yo, hindi ka dapat tumitingin lang sa negative sides sa buhay mo dahil sa tingin mong 'yun nalang ang laging nangyayari sa'yo.
Maraming nangyayaring mabuti at maganda sa iyo, kailangan mo lang itong tanggapin at pag mas yamanin at magpasalamat.
Life is full of challenges, judgements and it's really hard to take, it's really hard to have courage. But always remember that life isn't all about that, life is also about happiness, all about success and beautiful things.
"Bad things happen, but happiness is inside all of us, we just need someone help you find it" and that someone is not just other people. YOU can find your happiness without others. They will just doing to help you find it, but you're the one who will gonna find it. (RIP GRAMMAR SHSHHS)
04 - 18 - 21
BINABASA MO ANG
THOUGHTS OF LIFE
RandomMagbigay inspirasyon, makakapagpamulat ng iba't ibang realisasyon. Makakapagbigay kulay sa iyong mundo, isipan at puso.