THOUGHTS OF LIFE 35
MAGPAHALAGAAng pagtingin sa nakaraang nagdulot ng sakit sa 'yo ay magdudulot lamang ng pagkabulag ss sitwasyong kinakaharap mo ngayon.
Matuto tayong pahalagahan ang kasalukuyan. Matutong umunawa kaysa umintindi. Matutong lingunin ang nakaraan para sa ikakaginhawa lamang ng iyong kinabukasan at hindi upang lalong gawing madilim ang kasalukuyan.
Matutong magpahalaga, magpakumbaba, makinig nang may pag-unawa kaysa makinig lang. Matutong babaan ang loob para sa sariling kapayapaan. Matutong lunukin ang sariling kamalian para gawing matuwid ng landas na tatahakin.
09/28
BINABASA MO ANG
THOUGHTS OF LIFE
AléatoireMagbigay inspirasyon, makakapagpamulat ng iba't ibang realisasyon. Makakapagbigay kulay sa iyong mundo, isipan at puso.