THOUGHTS OF LIFE 10

9 3 0
                                    

THOUGHTS OF LIFE 10

📌 READ WITH FULL UNDERSTANDING

"BAKIT MAY MGA TAONG HINDI NAKIKITA ANG HALAGA MO?"

Simpleng sagot lang iyan. HINDI NILA NAKIKITA ANG WORTH NG ISANG TAO O WORTH MO DAHIL MASYADO SILANG BULAG SA KUNG ANONG NAKIKITA NILA SA 'YO.

May isang thought or kaisipan na "Kung anong nakikita ng tao sa iyong panlabas, iyon ang inaakala nilang kabuuang pagkatao ng isang indibidwal"

At anong inexpect ng mga taong iyon? Na kung anong nakikita nila sa'yo, iyon na ang iniisip nila na ugali mo.

Hindi nila nakikita ang worth mo o halaga mo dahil sila'y bulag sa kung sino ka. Hindi nila nakikita ang worth mo dahil nagfofocus sila sa mga pagkakamali at imperfections mo sa iyong sarili. At hindi nila nakikita ang worth mo dahil tingin nila sa'yo wala kang kwenta.

Sinasabihan ka nila ng kung ano ano, kagaya ng;

"Wala kang kwenta dahil ganito gan'yan..."
"Walang kang silbe puro ka na lang ganyan..."
"Wala kang k'wenta at dahil iyon sa pagkakamaling nagawa mo"

And they keep on saying that dahil ang dami nilang imperfections na nakikita at napupuna sa'yo.

AT BILANG ISANG NILALANG WALA KANG KARAPATANG MAGSABI SA ISANG TAO NA WALA SIYANG KWENTA DAHIL PARA MO NA RIN IYONG SINASABI SA SARILI MO.

At walang taong walang kwenta. Dahil simula noong nabuhay siya, meron at merong siyang halaga hanggang sa mamatay siya.

Kung isa ka sa mga taong nagsasabi sa kapwa mong wala silang kwenta, pwes tumigil ka sa kalokohan mo dahil hindi 'yan tama.

ANG SIMPLENG PAGSASABI NG "WALA KANG KWENTA" SA IBANG TAO AY NAKAKAPAGDULOT NG MATINDING DAMDAMIN.

Dala dala nila iyon hanggang sa pagtanda. Kaya umayos ka sa mga sinasabi mo sa iyong kapwa dahil maari mo silang masaktan.

Kung isa ka sa mga taong nasasabihan na wala kang kwenta, cheer up, dahil hindi iyon totoo. Walang taong walang kwenta. Sinasabi lang nila iyon upang panglamangan ka at para punahin ang mga pagkakamali mo.

At hindi totoong wala kang kwenta dahil lang sa pagkakamali mo, dahil lahat ng tao nagkakamali.

SAKA MO SABIHAN ANG ISANG TAONG WALA SIYANG KWENTA KUNG WALA KANG GINAWANG NI ISANG KASALANAN O PAGKAKAMALI SA BUHAY MO. And you'll never gonna do that dahil lahat ng tao, makasalanan.

Wala ka ring karapatang husgahan ang isang tao dahil sa kanyang pagkakamali. Itatak niyo sa kokote ninyo 'yan.

LAHAT NG TAO AY MAY KAHALAGA. AT HINDI MO OBLIGASYON IPAKITA AT IPAMUKHA IYON SA KANILA PARA LANG MALAMAN NILANG MAY HALAGA KA.

Itigil mong ipamukha o gawin ang lahat para lang malaman nilang worthy ka. Be settled with yourself. Huwag mong sayangin ang oras mo para lang sa mga taong hindi nakikita ang halaga mo.

Itigil mo ang kakasabi ng "Balang araw magiging successful din ako, makikita niyo"

NO.

You don't have to prove them na magiging successful ka, huwag mong gawin iyon para lang makita nilang successful ka. GAWIN MO 'YAN PARA SA IYONG SARILI AT PARA SA MGA TAONG SUMUSUPORTA SA'YO.

03 - 28 - 21.

PS: Walang aatake sa'kin. Alam kong minsan sinabi ko na ring wala akong kwenta, hindi ko iyon idedeny. Para ito sa mga taong sinasabihan at nasasabihan ng wala silang kwenta. I may not feel worthy at the moment because of some personal matters, pero I'll find and deal with my worth soon kapag okay na ako. Sana maintindihan niyo ang nais kong iparating. Good day everyone.

THOUGHTS OF LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon