THOUGHTS OF LIFE 6
📌READ WITH FULL UNDERSTANDING
" NAUBOS NA AKO, NAUBOS LANG AKO. "
Sa isang relasyon, hindi natin maiiwasan na merong mapapagod, merong problema. Magkakaroon ng thought in their minds na "Bakit gano'n, bakit parang nauubos ako, bakit parang napapagod ako" dala ng pag-ibig mo sa isang tao.Ang masaklap pa roon ay 'yung ginawa mo na ang lahat, nag-stay ka, pinasaya mo siya, minahal mo siya ng buong buo, inintindi mo siya, pero ikaw ang napagod o siya ang napagod sa'yo. 'Yung binigay mo na ang lahat pero hindi kayo satisfied.
'Yung nagmamahalan kayo pero may kulang. At dahil sa nakukulangan ka, hahanapin mo yun sa ibang tao. At onces napunan ang kulang na iyon, tendency no'n iiwan mo siya. 'Di ba?
Dapat sa isang relasyon, hindi lang isa ang nag gagain, hindi lang isa ang bumubuo ng kung ano'ng meron kayo.
Hindi sapat na sinasabi mong mahal mo siya para lang masabi mong mahal mo siya. Hindi sapat na pinapakita mong mahal mo siya para lang masabi mong mahal mo siya.
Kailangan may essence of understanding, care, patience, effort, at love. Hindi porket sinasabi mong mahal mo siya, ibig sabihin nu'n kompleto kana.
Minsan ang pagmamahal sa isang tao pa ang mismong nagiging sanhi kung bakit hindi tayo kompleto at satisfied sa ating mga buhay, 'di ba?
Maraming cases kung bakit nauubos ang isang tao sa pagmamahal.
Dahil iyon sa labis mong pagmamahal, at sa kakulangan ng inaasahan mong magpapamahal. At ang nangyayari, hinahanap mo iyon sa ibang tao, pwedeng sa mas malapit sayo, o sa taong nakikita mong pupunan lahat ng pagkukulang na hinahanap mo.
Hindi porket sinasabi mong "Mahal kita" ay sapat na upang maging kumpleto ka at masaya ka. Hindi lang doon umiikot iyon.
Kung mahal mo talaga ang isang tao, dapat alam mo at matutunan na ang konsepto ng pag-ibig ay hindi lang basta give and take, hindi ibig sabihin na porket mahal ninyo ang isa't isa masasabi niyong nag-iibigan na kayo.
At d'yan pumapasok ang konsepto kung bakit ka nauubos, bakit ka napapagod, at BAKIT KA INIIWAN.
Kasi ang perspektibo mo sa pag-ibig, umiikot lang sa mismong pag-ibig, kaya ka nasasaktan, kaya ka umiiyak, kaya pakiramdam mo may kulang, kaya pakiramdam mo napapagod ka, kaya pakiramdam mong nauubos ka.
Dapat both of you should feel the essence of understanding, love,care , happiness. Hindi lang basta ikaw, hindi lang basta siya. Alagaan ninyo PAREHO, yung mga bagay na nagpapatatag sa inyo.
At panghawakan ninyo kung anong meron kayo, and both of you should grow for it. Dapat tulungan kayo as one to be better. At hindi dapat kayo susuko.
Kung mahal ninyo ang isa't isa, iintindihin ninyo ang isa't isa, and you should care for each other, in happiness and in worst also.
(rip grammar)
A/N: KASALANAN MO 'TO MOIRAAA!! HMP!! Pashneang MV na 'yan huhubells.
02 - 16 - 21
Tapos na Valentine's, oras na para paiyakin ko kayo. Chos.
BINABASA MO ANG
THOUGHTS OF LIFE
RandomMagbigay inspirasyon, makakapagpamulat ng iba't ibang realisasyon. Makakapagbigay kulay sa iyong mundo, isipan at puso.