THOUGHTS OF LIFE 31
Mahirap palaAng hirap palang makipagsabayan sa mundo. Hindi mo alam kung anong gagawin at ikikilos mo. Tinatanong mo sa bawat paggising, kanino na naman ba ako makikipagsabayan, para lang makasabay sa mundo.
Ngunit ang nakakapanghinayang ay, bawat tao sa mundo ay may iba't ibang daloy ng kanilang buhay at hindi ka puwedeng makipagsabayan sa kanila para lang makasabay sa mundo, para lang masabi na may nagagawa ka, para lang masabi na may mararating ka. Hindi ka puwedeng makipagsabayan sa ibang tao dahil nga iba iba tayo. Merong kan'ya kan'yang takbo ng buhay ang bawat isa, mga gustong gawin, may mga gustong tahakin.
Isang malaking sampal sa sarili na dapat mong maintindihan na alam mo dapat sa sarili mo kung saan ka patutungo. Kailangan malaman mo kung anong gusto mong gawin at marating. Dahil hindi lahat ng tao sa mundo ay pare-pareho. Hindi mo kailangang gumaya sa kanila dahil iba ka, natatangi ka at may kaya kang gawin. Ngunit hindi rin naman masama kung pareho ka sa kanila, na napapagod din, na nasasaktan din, na naliligaw din. Dahil kahit iba iba tayo ng tinatahak na landas, pare-pareho lang tayong napapagod at nauubos.
Mabuting alam natin sa sarili na magpahinga rin kahit papa'no. Matutong maging masaya sa mga nagagawa natin sa buhay. Huwag sumuko at okay lang na nakaramdam ng pagod.
BINABASA MO ANG
THOUGHTS OF LIFE
RandomMagbigay inspirasyon, makakapagpamulat ng iba't ibang realisasyon. Makakapagbigay kulay sa iyong mundo, isipan at puso.