THOUGHTS OF LIFE 26

3 1 0
                                    

THOUGHTS OF LIFE 26
Minsan nakakapagod


Minsan, sa sobrang dami mong iniintindi, napapagod din pala ang ating sarili. Hindi alam kung ano ang uunahin, pero isang siguraduhan na hindi ito ang iyong sarili. Sa raming mga taong nakaasa sayo minsan nakakapagod nang tumingin pa sa sarili, minsan nakakalimutang kamustahin ang sarili, minsan nakakatamad nang alalahanin pa ang sarili. Kasi, para san pa nga ba kung ang mga tao rin naman sa paligid mo ang makakaapekto sayo?

Minsan kung sino pa itong mga pinunan mo, sila pa itong uubos sayo. Minsan kung sino pang tinutulungan mong makabangon ay magiging tulay din pala ng pagbagsak mo. Minsan kung sino pa iyong nanghihingi ng tulong s aiyo, ay siya rin palang mangbabagsak sayo sa dulo. Kung sinong nangako sayong aalagaan ka, siya ring wawasak sayo. Kung sinong nagsabing mananatili, siya rin palang mang-iiwan sayo. Kung sino pa itong nagpakumbaba, ay siya ring nakatanggap ng pang-aabuso.

Kaya minsan, gawin sanang matatag ang sarili, para sa mga pagkakataong gusto tayong saktan ng mundo, mas kaya nating bumangon at maging malakas para sa sarili nating kapakanan. Para sa susunod na dapa natin, malalaman natin kung paano muling bumangon at lumakad. Sa bawat bagsak sana natin, may mapulot tayong aral na gagamitin natin sa pagpapatuloy natin. Ang bawat lunod, bawat dapa at paghihirap natin ay hindi sayang, bagkus isang daan upang tayo ay mas maging matatag. Gamitin natin ang ating kahinaan upang maging malakas, gamitin natin ang sarili nating pagkakamali para mas matuto, gamitin natin ang ating sarili para mas maging masaya at kuntento.

THOUGHTS OF LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon