Thoughts of Life #42
Karimlan ng PagmamahalanAng isang pag-ibig na walang kasiguraduhan ay ang pag-ibig na sana hindi na lang nangyari kung wala rin pa lang patutunguhan.
Isang pag-ibig lang ang tanging hinahangad, isang buo at pagmamahal na sigurado at puno ng pagkakuntento.
Para saan nga ba ito, kung ang dalawang hindi buo ang mag-u-udyok para sa pagmamahal na buo. Ang pagmamahal na tanging tinatamasa sa buhay ang siyang tingin na makasasalba sa kahit anong diin ng buhay.
Ngunit anong magagawa ng pagmamahal na puno ng puot at karimlan na dulot ng nakaraan at takot para sa kasalukuyan. Anong magagawa ng pagmamahal na tanging hiling ay magkaroon ng payapang pagsasama. Isang pagsasama na hindi matutumbasan ng ninuman dahil ang kanilang pag-ibig ay totoo at walang katapusan.
Maging mga pangako sa isa't isa ay walang makapapantay, ngunit nasira lamang ng lindol at bagyong nagdaan. Hindi na kailanman nabuo ang isang bahay na inanod ng masalimuot na pinagdaanan, anu pa't mababawasan lang din ang pagmamahal na ibinubuhos sa isang tasang basag na gawa ng pilit na pag-ayos sa bagyong umagos.
Inihip na ng malakas na hangin ang mitsa ng pagmamahalan, bago pa ito naging isang mayabong at mailaw na pagsasamahan. Tila ano nga bang magagawa ng mitsang nais lamang sumindi ngunit pilit na pinupuksa. Anong silbi ng damdaming nagyayabong sa pagliyab kung wala rin naman itong pupuntahan at patutunguhan, mabuti na lamang na ito'y wasakan kaysa patuloy na hilahin ang lubig nang ang kamay ay dumurugo, mabuti pa't palayain ito nang ang kamay ay hindi na magsugat. Kung ang lubig na ito lamang ang nagsisilbing hadlang upang ang tunay na pagmamahalan ay lumago, maging ito'y magkalayo.
BINABASA MO ANG
THOUGHTS OF LIFE
RandomMagbigay inspirasyon, makakapagpamulat ng iba't ibang realisasyon. Makakapagbigay kulay sa iyong mundo, isipan at puso.