THOUGHTS OF LIFE 34
MAGPATAWADMagpatawad.
Isang salita ngunit mabigat at mahirap gawin at pahalagahan. Mayroong iba na madaling magpatawad, ngunit hindi alam ang tunay na kahulugan ng pagpapatawad. Mayroon namang hirap magpatawad dahil hindi rin nila alam ang tunay na kahulugan ng pagpapatawad.
Minsan ay napapaisip na lamang ako sa mga taong nahihirapan magpatawad dahil sa labis na kabigatan na kanilang nararamdaman. Totoo nga naman dahil minsan ko ring naranasan ang mahirapang magpatawad dahil sobrang nasaktan.
Pero minsan, hindi natin nalalaman na ang kahirapang magpatawad ay dala lamang ng takot natin. Minsan kaya tayo natatakot magpatawad ay dahil natatakot lang tayo masaktan ulit, natatakot na baka ubusin nila tayo muli, natatakot na baka ibalik naman nila sa atin ang sakit.
Minsan ang pagpapatawad ay hindi para sa kanila kundi para sa sa ating sarili. Tayo ay nagpapatawad para palayain ang ating sarili at magsimula ulit. Para tanggalin ang kung anong tusok sa dibdib na idinulot nila sa atin.
Ang pagpapatawad ay hindi basta-basta ngunit hindi rin dapat iwinawalang-bahala. Dahil minsan sa pagpapatawad tayo mas nakakaramdam ng kagaanan ng loob. Mas gumagaan ang ating loob kapag tayo ay nagpapatawad. Dahil masarap magpatawad, at minsan kailangan mo lang simulan 'yon sa sarili mo.
09/28/23
BINABASA MO ANG
THOUGHTS OF LIFE
RandomMagbigay inspirasyon, makakapagpamulat ng iba't ibang realisasyon. Makakapagbigay kulay sa iyong mundo, isipan at puso.