Thoughts of Life #41:
The Art of being a loverAng sabi nila, napakahirap magmahal kapag hindi ka naman mahal o kahit na sa maliit na paraan ay hindi man lang masuklian ang ipinapakitang kabutihan.
Pero para sa akin, ito ang kagandahan ng isang nilalang na may kakayahang magmahal. Kaya tayo nabuhay para magkaroon ng sarili nating pagpapasiya. At dahil dito ay nasa atin na rin kung paano tayo kikilos, mag-iisip at magdedesisyon.
Para sa akin, ang pagmamahal ay isang walang-hanggan na paraan ng pagpapakita natin ng kabutihan sa ibang tao. They say na ang pagmamahal ay sobrang sakit kung hindi ito naibalik o nasuklian. Kaya kung tatanungin sila, ano ang mas gusto nila, sasabihin nilang mas gusto nila ng taong mahal sila kaysa mahal nila.
Ngunit para sa akin pipiliin ko ang pagmamahal na ibinibigay ko. I chose to be a lover than to be loved. Yes, kakaibang perspektibo ngunit nais kong sabihin na masarap sa pakiramdam magmahal, magbigay ng pagmamahal na hindi nila lagi natatamasa at pagmamahal na may kabutihan sa puso, ang pagmamahal na kulang na kulang ang ating mundo ngayon.
Hindi lahat ay may kakayahang magmahal. Kaya mas pipiliin kong manatili sa aking puso ang kakayahan kong magmahal. Dibale na o hindi ko tinitingnan o inaasahan kung mamahalin nila ako pabalik.
It's not about how they give back or reciprocate the love that I give. It's about me who is willing to love because they deserve that love that they never been felt before.
Magmahal lang tayo nang magmahal. Dahil meron at merong mga tao na kusa ring matututo sa pagmamahal na ibinibigay natin and eventually matutunan din nilang mahalin din tayo dahil sa natutunan nila sa atin. Iyong pagmamahal na hindi ipinipilit, idini-demand at hindi ipinamamakaawa pa para lang makuha. Isang pagmamahal na totoo at sigurado.
BINABASA MO ANG
THOUGHTS OF LIFE
RandomMagbigay inspirasyon, makakapagpamulat ng iba't ibang realisasyon. Makakapagbigay kulay sa iyong mundo, isipan at puso.