JAMESHIN
Maganda ang gising ko ngayon. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa 'min ni Elena kagabi.
📌
- LAST NIGHT -
"Teka, bakit mo ako dinala rito?" tanong ko kay Elena. Dinala niya kasi ako sa garden ng dati naming school. Nakapagtataka naman.
"Natatandaan mo ba ang place na 'to? Dito ang first corny date natin." sagot niya sa 'kin.
Naalala ko naman ang pangyayaring 'yon. Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Dito nga pala naganap ang first date namin na epic failed. Bigla kasing umulan kaya nabasa ang ginawa kong surpresa sa kanya dati.
"Pinaalala mo pa talaga sa 'kin 'yan love." nakasimangot kong tugon kay Elena.
"Ngayon ay mag-de-date ulit tayo rito. And this time, wala nang ulan na sasagabal. Chineck ko kanina ang weather sa phone ko at wala namang ulan na darating dito." - Elena
Ngumiti lang ako sa sinabi niya.
Dinala ako ni Elena papasok sa garden. At halos masorpresa ako dahil pareho lahat ang mga disenyo ng gamit ang ginamit noong first date namin. Pati ang pagkakalagay nito ay pareho rin. Even the waiters.
"Wow." 'yon lang ang nasabi ko dahil mangha pa rin ako sa nakikita ko. Feeling ko ay nag-time travel lang ako. Kaya pala pinasuot sa 'kin ni Elena ang sinuot ko noong first date namin. Pati rin siya ay suot din niya ang sinuot niya noong first date naming dalawa.
May table for two sa gitna at pinuntahan namin ito ni Elena.
Nang makaupo na kami ay lumapit naman sa amin 'yung waiter.
"Good evening Sir and Ma'am. Here's our specialty for tonight." sabi ng isang waiter sabay palakpak na senyales na lumapit sa amin ang iba pang waiters para ipakita ang mga dish.
"We have here: Lemon, Asparagus, & Chicken Pasta, Pineapple Baked Salmon, Caprese Chicken, and a bottle of red wine." - Waiter
'Yan din 'yung dish na kinain namin noong first date namin. Paano kaya 'to nalaman ni Elena?
"Nagtataka ka siguro kung paano ko nalaman ang dish na 'to. Syempre with the help of our chef friend, Danielle." sabi sa 'kin ni Elena.
Ah oo nga pala, nakalimutan ko. Mayroon pala kaming best chef na kaibigan. Siya rin ang gumawa ng dish namin dati. Its been a long na hindi namin nakikita si Danielle. Super successful na ang kanyang restaurant to the point na lagi na siyang busy. Pero syempre hindi pa rin niya nakakalimutan ang family niya.
"Say ah love." sabay tutok sa 'kin ni Elena ang tinidor na may nakatusok na pagkain.
Ako naman ay ngumiti at sinubo ang pagkaing inalok niya sa 'kin.
"Hmm! Da best talaga si Danielle sa pagluluto." ang nasabi ko nang matikman ko 'yung pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay inaya ko naman si Elena na sumayaw.
"May I have this dance my lady?" I asked her and offer my hand.
"Oh sure. I'd love to dance with you." sagot niya at hinawakan niya ang kamay ko. Pumunta kami sa gitna at sumayaw na parang nasa prom lang kami.
"Thank you for this wonderful day love. I don't know the reason kung bakit mo ako inaya ngayon but you made me smile." sabi ko kay Elena.
"Thank you din Love dahil minahal mo pa rin ako despite na minsan ay nagiging pabigat ako sa 'yo. Thank you for loving me with all your heart. Laging mong tatandaan na mahal na mahal kita kahit anong mangyari sa 'tin." tugon niya sa 'kin which makes me smiled.