(17) #HisSaddestLoveStoryPart1

1K 15 1
                                    

(TIMELINE: This was happened before Shancai's POV in Chapter 13: Good Mood.)

JAMESHIN

Maaga akong nagising to check Kirsten. I still remember how she cried a lot last night. I don't know what's the truth about what happened to her. Naalala ko yung sinagot niya kagabi na kaya siya umiyak dahil sa clown na fiancée ni Shaun. Then it suddenly changed that their deal as a pretend couple ended that's why she cried a lot. I don't know which one is the real reason of her crying last night.

But there is something in my heart when I saw her crying.

It beats fast just like when I saw Elena crying before.

Am I in love?

Nah. Maybe naaawa lang ako sa kanya kaya ganito ang nararamdaman ko. Si Elena pa rin ang mahal ko hanggang ngayon.

I really need to move on. Maybe the reason kung bakit hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Elena, ito'y dahil nandito pa rin sa 'kin hanggang ngayon ang mga bagay na nagpapaalala sa nakaraan namin. I need to burn all that things to move on.

Nang makarating ako sa kwarto ni Kirsten ay sinilip ko siya sa loob.

She's sleeping like an angel. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan matulog dahil sa tuwing nakikita ko siyang natutulog ay laging nakabuka ang bibig niya at tulo pa ang laway. Tulog mantika kumbaga.

After ko siyang i-check ay pinuntahan ko naman ang isang kwarto na ako lang ang pwedeng pumasok. Dahil nandito ang mga bagay na iniingatan ko.

Nasa tapat ako ng isang pink na pintuan na may nakalagay na bawal pumasok na karatula. Kailangan ko nang tanggalin ito.

Nang tinanggal ko ang 'bawal pumasok na karatula' ay pumasok na ako sa loob. Tinignan ko ang mga alaala namin ni Elena.

"I'm sorry Elena pero kailangan na kitang kalimutan. Tutal naman ay ikaw ang nang-iwan sa 'kin ay kakalimutan ko na rin ikaw. Iisipin kong hindi kita nakilala." sabi ko at sinimulan ko nang ipasok sa mga kahon ang mga alaala namin.

I'm living in pain everyday because of her and I don't like it.

Sa tuwing hinahawakan ko ang mga bagay na iyon ay bumabalik sa isipan ko ang mga masasayang alaala namin.

*flashback*

Six years ago...

I was busy preparing lunch when someone hugged me from behind. Of course I already know that someone.

The girl I love. The girl I want to spend for the rest of my life.

"Mukhang masarap yang niluluto mo love. Nagugutom na tuloy ako." sabi sa 'kin ni Elena.

"Malapit na 'tong maluto love." tugon ko at humarap ako sa kanya. "Ito muna ang kainin mo para mabusog ka."

Then I kissed her lips passionately. Well sanay na siya sa kapilyuhan ko kaya hindi na siya nagulat pa sa ginawa ko.

Una siyang bumitaw nang maubusan siya ng hininga.

"Thanks love. Busog na ako." pabiro niyang sabi.

I'm very lucky that I have her. We might not perfect dahil minsan din kaming nag-aaway. But our love is stronger that no one can ruined it.

"By the way love, I have a surprise for you." - Elena

I think I know what it is.

"Tadah! Happy birthday love." - Elena

At nakita kong may hawak na siyang maliit na gift box.

I smiled to her. "Thanks love. You didn't forget my birthday."

"Of course. I won't forget it. It's your special day. I hope magustuhan mo ang gift ko sa 'yo. Ginawa ko talaga yan from my heart." - Elena

Binuksan ko naman ang gift box na binigay sa 'kin ni Elena.

"A bracelet?" kunot kong tanong.

"Yes, nagustuhan mo ba?" tanong niya.

Well to be honest, it's too girly and colorful for me na suotin 'to. Baka isipin ng mga tao na bading ako kapag lagi ko 'tong suot.

"Of course love. I like it." sagot ko sa kanya. Kahit ano namang regalo niya sa 'kin ay magugustuhan ko. Gano'n ko siya kamahal.

"Isuot mo love." utos sa 'kin ni Elena.

Sinunod ko naman siya at sinuot ko ang niregalo niyang bracelet sa 'kin.

"Wow! Bagay sa 'yo love." mangha niyang sabi. "Matchy na tayong dalawa." dagdag pa niya at pinakita niya sa 'kin ang kamay niyang may suot ding bracelet na kapareho sa 'kin.

I smiled again. She really knows how to amazed me. That's why I always falling in love with her.

📌

"Teka love, saan mo ba ako dadalhin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Basta love, masarap yung pupuntahan natin. Sawa na kasi ako sa mga restaurant." sagot niya lang sa 'kin.

Sinundan ko lang si Elena sa paglalakad hanggang sa tumigil kami sa isang kariton. Basta kariton siya na may mga pagkain.

"Dito?" kunot kong tanong.

"Yes love. No worries dahil wala namang germs ang mga tinitinda ni Manong." sagot niya.

Napatango lang ako sa sinabi ni Elena.

"Manong sampung piso nga po ng fishball at kwek kwek tapos limang piso rin po ng gulaman. Dalawang orders po." sabi ni Elena kay Manong.

Sa totoo lang, hindi ko ma-imagine na kumakain dito si Elena. Dinadala ko siya sa mga fancy restaurants sa tuwing nag-de-date kami because I want to give her the best dishes to eat. And now she is excited to eat here in a food cart? It's like something new to me.

"Thank you po Manong. O eto Jameshin. Try mo yang kainin. Masarap yan." - Elena

"Love, how did you know this place?" curious kong tanong sa kanya.

"Well, remember the guy that I was talking to you? Si Shaun? Unang beses niya akong pinakain dito. Akala ko nga ay madumi at hindi masarap ang binebenta ni Manong. But I was wrong. Noong unang tikim ko pa lang rito ay naubos agad ang paninda ni Manong dahil sa 'kin. Ang sarap kasi at lagi namin 'tong binabalikan ni Shaun." pagkukuwento niya na ikinainis ko bigla.

That guy again. I don't know who is that Shaun but I want to punch him for being closed to my girlfriend.

"Let's go Elena. Sa iba na lang tayo kumain." seryosong sabi ko at hinila ko siya palakad.

"Wait lang love. Yung pagkain mo naiwan." she said.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglakad.

His Saddest Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon