(20) #HisSaddestLoveStoryPart4

1K 13 0
                                    

JAMESHIN

Okay, hindi ko na kayang tiising 'di siya kausapin. I already miss her kisses, her hugs, everything about her. I-se-set aside ko muna 'tong nararamdaman kong tampo sa kanya. Hindi ko talaga kayang 'di ko siya kausapin. I surrender.

Bumangon ako mula sa kama para puntahan si Elena.

Pagbukas ko pa lang ng pintuan ay nagulat ako nang makita ko si Elena na nasa tapat ng kwarto ko.

"L-love. A-anong ginagawa mo sa t-tapat ng k-kwarto ko? B-bakit ka n-nakatayo diyan?" nauutal kong tanong sa kanya. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito. Hindi ko maipaliwanag kung ano ito at bakit.

"Ah... w-wala. Napadaan lang ako rito. Aalis na ako." sagot niya sa 'kin.

Bago pa makaalis si Elena ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit.

"Sorry love kung nagalit ako sa 'yo. Alam kong may pinagdadaanan ka ngayon. Pero 'wag kang mag-alala dahil hindi na kita kukulitin tungkol do'n. Ang mahalaga lang sa 'kin ay bati na tayo." sabi ko sa kanya.

Hindi na mahalaga sa 'kin pa kung ano ang dinadala niyang problema. Ang importante lang sa 'kin ay okay kaming dalawa.

Bumitaw naman si Elena sa yakap ko at humarap siya sa 'kin. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Sorry din love kung ayaw kong sabihin sa 'yo ang dinadala kong problema. May mga bagay talagang hindi pwedeng sabihin lalo na't makakasakit ito sa minamahal mo." tugon niya.

Makakasakit ito sa minamahal niya? Anong ibig niyang sabihin?

"Hahaha! Kalimutan mo na ang sinabi ko. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." - Elena

Muli kong niyakap si Elena.

"Kung ano man ang problema mo love. Nandito lang ako parati para i-comfort ka." sabi ko kay Elena.

"Thanks love sa pag-intindi parati sa 'kin." tugon niya.

Hinalikan ko naman siya sa noo. "Okay na tayo ha." sabi ko sa kanya pero hindi siya tumugon.

Ilang minuto rin kaming nanatiling magkayakap hanggang sa kumalas si Elena.

"By the way, gusto kong mag-date tayo ngayong araw." sabi niya.

"As in ngayon na?" tanong ko kay Elena.

Tumango naman siya.

"Parang biglaan naman yata love. Hindi tuloy ako nakapaghanda." sabi ko sa kanya.

"No worries dahil prepared naman ako sa gagawin natin." tugon niya at hinila niya ako palakad.

Hanggang sa makalabas na kaming dalawa.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa dagat." - Elena

Napakunot ang noo ko sa sinagot niya.

"Ha? Sa dagat? Anong gagawin natin do'n?" nagtatakang tanong ko.

"Syempre mag-de-date tayo. Iyon ang sinabi ko kanina 'di ba?" sagot ni Elena.

Mag-de-date sa dagat?

Paano naman mangyayari 'yon? Masyadong malamig para mag-date sa dagat. Tapos maliligo pa kami sa dagat. Edi mas dumoble ang lamig.

📌

Nakarating kami ni Elena sa dagat na may mga cruise ship.

"D-diyan tayo mag-de-date?" tanong ko sa kanya.

"Oo love kaya pumasok na tayo sa loob." sagot niya sabay hila sa 'kin papasok sa cruise ship.

Nang makarating kami sa loob ay marami ang nakita kong tao na kumakain. Ah I get it, isa pala 'tong cruise ship na restaurant.

"Sa may balcony tayo dahil gusto kong makita ang view ng dagat" - Elena

Ako naman ay sumunod lang sa kanya. Bahala na siya kung ano ang gawin niya kasama ako.

Sakto namang konti lang ang tao sa may balkonahe ng ship. Perfect spot ito para sa aming dalawa.

Nang nasa isang table na kami for two ay kinuha ni Elena 'yung menu. Ako naman ay napatingin sa dagat at maraming dolphin ang nakikita kong lumalangoy at tumatalon.

"Nagustuhan mo ba love?" tanong sa 'kin ni Elena. Ang tinutukoy niya ay 'yung place na pinuntahan namin.

"Yes love. As long as kasama kita." sagot ko sa kanya.

"Alam ko namang 'yan ang sasabihin mo pero may point ka love. Mas gumaganda 'yung place kapag kasama mo ang taong mahal mo." - Elena

Ako naman ay napangiti sa sinabi niya. As always, she never fail to amaze me. Kaya mahal ko 'tong babaeng 'to.

"Elena?"

Napakunot naman ang noo ko nang may tumawag sa girlfriend ko.

"Shaun ikaw pala." masayang sabi ni Elena.

Nainis naman ako nang malaman kong 'yung lalaking kinaiinisan ko ang tumawag sa kanya.

"I'm so glad na nakita kita rito. Maybe this is destiny." sabi nung Shaun na ikinatawa naman ni Elena. Okay, binabawi ko na ang sinabi ko kanina. She failed to amazed me. Masaya pa talaga siya na destiny sila.

"Haha! Loko ka talaga Shaun." - Elena

Napatingin naman ako sa lalaking kinaiinisan ko.

Kailangan pa niya ng maraming ligo para maging kasinggwapo ko siya. Isa siyang nerd dahil sa suot niyang salamin.

"What brings you here? Are you stalking me?" Elena teased that nerd guy. Sa harap ko pa talaga niya sinabi 'yan.

"Porket nandito ako ay iniistalk na kita. Kasama ko ngayon ang parents ko. May ipapakilala raw sila sa 'kin. I'm sure babae na naman 'yan which I'm not interested." - Shaun

"Why are you not interested? Baka hindi ka magka-lovelife niyan dahil masyado kang choosy sa girls." - Elena

Mukha silang may sariling mundo dahil hindi nila ako napapansin dito.

"Kung ikaw lang sana ang ipinakilala nila Mama ay baka pumayag pa akong maging girlfriend kita." narinig kong bulong nung nerd guy na ikinakuyom ng kamao ko. Pakiramdam ko ay gusto ko nang sapakin ang mukha niya para mas lalo pa itong pumanget. Harap-harapan pa talaga niyang nilalandi ang girlfriend ko. Hindi ba niya napapansing nandito ang boyfriend niya?

"What did you say?" tanong ni Elena. Buti naman at hindi niya narinig ang sinabi ng lalaking 'to.

"Nothing. I think I should go dahil tinatawag na ako ng parents ko." - Shaun

Sige, umalis ka na sa harapan niya dahil istorbo ka sa date namin.

"I guess... this is goodbye." tugon ni Elena.

"Ha?" mukhang hindi niya na-gets ang sinabi ng girlfriend ko. Ako nga rin eh. Parang may ibang ibig sabihin ang sinabi niya.

"I said goodbye. Kita na lang tayo next time." - Elena

"Sige." - Shaun

Nang makaalis na ang gunggong na 'yon ay napatingin naman sa 'kin si Elena.

"Pasensiya na love kung natagalan ang pag-uusap namin." sabi niya sa 'kin.

Ako naman ay ngumiti lang. Ayokong magkatampuhan ulit kami lalo na't date namin ngayon. Ayokong sirain ng lalaking 'yon ang moment namin.

Buong araw naming inenjoy ang isa't isa hanggang sa hindi ko namalayang ito na pala ang huling araw ng pagmamahalan namin.

His Saddest Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon