(29) #HSLSMulingPagkikita

1K 14 0
                                    

SHANCAI

Nakayuko lang ako habang si Jameshin naman ay seryosong nakatingin sa 'kin. Pakiramdam ko ay aatakihin na ako sa puso dahil sa kaba. Paano niya kaya ako nahanap? Sinabi ba ito sa kanya ni Natasha?

"Now explain to me kung bakit bigla kayong nawala ng anak ko?" tanong niya sa 'kin.

Hindi niya ba alam ang ginawa niyang panloloko sa 'kin? O sadyang nagpapanggap lang siyang hindi niya alam?

"Ano naman ang i-e-explain ko sa 'yo? Dapat alam mo ang mga karantaduhang ginawa mo sa 'kin." sagot ko sa kanya.

"What the hell are you talking about?" nainis siya sa sinabi ko.

"Nagmamaang-maangan ka pang manloloko ka! May balak kang kunin sa 'kin ang anak ko kaya kinukuha mo ang loob ko noong una pa lang! Muntik mo na akong mapaniwala do'n pero buti na lang at sinabi sa 'kin ni Natasha ang lahat ng baho mo! Doon ka na lang sa Elena mo at magtukaan kayo!" pasigaw kong sabi sa kanya.

"You're unbelievable Kirsten." napahilot siya sa sentido niya.

"Wag mo nga akong matawag-tawag na Kirsten dahil hindi naman tayo close!" sabi ko sa kanya.

Tumayo ako para lapitan siya.

.

.

.

*pak*

And I slapped him.

"Para yan sa panloloko mo sa 'kin!" sigaw ko at aalis na sana ako nang pinigilan niya ako.

"Wait. Let me explain what happened." mahinahong sabi niya sa 'kin.

"Bitawan mo nga ako!" naiinis kong sabi sa kanya pero hindi niya ako sinunod.

"Natasha told me everything. Ang lahat ng sinabi niya sa 'yo one year ago ay hindi totoo." paliwanag niya sa 'kin. Medyo naguluhan naman ako dahil do'n.

"Hindi totoo? Paano mo naman yun mapapatunayan?" tanong ko kay Jameshin.

"I am."

Natigilan naman ako nang may narinig akong isang pamilyar na boses.

Napatingin ako sa nagsalita.

Si Natasha. Kasama niya ngayon si Shaun.

"Natasha?" Anong ginagawa niya rito?

Lumapit naman siya sa 'kin.

"I'm sorry. I'm really sorry." naiiyak niyang sabi. Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko.

So hindi nga totoo ang mga sinabi niya sa 'kin tungkol kay Jameshin one year ago.

Napaatras naman ako bigla dahil do'n.

"Hindi alam ni Natasha ang mga pangyayaring yun that time. I hope you will forgive her. Ginawa niya lang yun para protektahan kayo ng anak ko." sabi sa 'kin ni Jameshin.

"I'm really sorry talaga. Pinagsisihan ko na yung mga nagawa ko sa 'yo. I hope you'll give me another chance to be a better friend to you." sabi naman sa 'kin ni Natasha. Mukha namang sincere siya sa sinabi niya.

Lumapit naman ako sa kanya and I hugged her.

"Hindi mo kailangang mag-sorry sa 'kin. Ginawa mo naman yun dahil kaibigan mo ako at ayaw mo akong mapahamak. Salamat Natasha dahil naging mabuti kang kaibigan sa 'kin." sabi ko sa kanya.

"Thank you talaga Shancai. Napakaswerte ko dahil ikaw ang naging bestfriend ko." tugon niya sa 'kin.

Bumitaw ako mula sa pagkakayakap kay Natasha at si Jameshin naman ang nilapitan ko.

"Pasensiya na sa 'yo kung lumayas ako kasama ang anak ko. Nagpadalos-dalos ako sa naging desisyon ko at hindi ko man lang pinakinggan ang side mo. Sana ay maging masaya ka sa kanya." sabi ko kay Jameshin.

"It's okay. Naiintindihan naman kita. At saka ang mahalaga ngayon ay magkasama na tayo ng anak natin. Pero yung sinabi mong maging masaya ako sa kanya ay hindi ko maintindihan. Paki-elaborate nga." tugon niya.

"Eh kasi. Sinubukan kong bumalik sa 'yo at kalimutan ang mga ginawa mo sa 'kin na hindi naman totoo. Pero nakita kong masaya ka na sa piling ni Elena. Nakita ko pa nga kayong naghalikan bago ako umalis one year ago. Nalaman ko rin kay Natasha na dati mo pala siyang ex na gusto mong balikan." pagpapaliwanag ko sa kanya. "Masaya ako dahil nagkabalikan na kayong dalawa." dagdag ko pa.

Ngumiti naman sa 'kin si Janeshin at bigla niyang ginulo ang buhok ko.

"Aray." ang nasabi ko kahit hindi naman masakit. It's just my expression na bitawan niya ang ulo ko.

"Ano ka ba Kirsten. Matagal nang tapos ang sa amin ni Elena. Noong hinalikan niya ako ay do'n ko na-realize na wala na talaga akong feelings para sa kanya. At saka tanggap din ni Elena na ikaw ang mahal ko. Kaya ko lang sinasamahan si Elena dahil sa kondisyon niya sa utak niya. Minsan kasi ay nawawala ang mga memories niya o kaya yung sarili niya kaya kailangan ko siyang bantayan." pagpapaliwanag sa 'kin ni Jameshin.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil do'n.

"Ikaw ba Kirsten? Mahal mo rin ba ako?" tanong niya sa 'kin.

Hindi na ako nagsalita pa.

Dinampi ko ang labi ko sa labi niya bilang sagot na mahal ko rin siya.

Tumugon naman siya sa halik ko.

I guess this is a happy ending.

JAMIESHIN

Pagkatapos ng aming klase ay bigla naman akong nilapitan ng mga batang umaaway sa 'kin.

"Ang kapal din ng mukha mong magsumbong sa principal office. Gusto mo talagang masaktan!" pang-aaway sa 'kin ni Cherifer.

"Ano ba ang ginawa ko sa inyo? Bakit niyo ako laging inaaway?" nalulungkot kong tanong sa kanila. Wala naman akong ginawang mali para gawin nila 'to sa 'kin.

"Eh kasi nga wala kang Daddy." sagot sa 'kin ni Celine.

"HAHAHAHAHAHA!" at nagtawanan naman silang lahat.

"Hindi yan totoo! May Daddy ako!" naiiyak kong sigaw. Sumosobra na talaga sila. Pero ayoko silang saktan dahil bad yun sabi ni Mommy.

"Talaga? Baka naman imaginary father mo lang yan." pang-aasar ni Cherifer.

"HAHAHAHAHA!" tawanan ulit nila.

Tuluyan na nga akong naiyak. Sana pala ay hindi na lang ako pumasok.

"Anong ginagawa niyo sa anak ko?"

Napatigil naman ako sa pag-iyak nang may narinig akong isang pamilyar na boses. Alam ko ang boses na yun kaya napalingon ako bigla.

Kumislap ang mga mata ko sa nakita ko.

"DADDY!" masaya kong sabi nang makita ko siya. Agad ko siyang nilapitan at niyakap.

Hindi ako makapaniwala. Nandito siya ngayon.

Napatingin naman ako sa mga batang umapi sa 'kin.

O0O   Ganito ang mukha nila ngayon.

"Bakit niyo inaapi ang anak ko? May Daddy siya at ako yun." sabi ni Daddy sa mga bata.

"Wow! Ang pogi naman ng Daddy ni Jamieshin." manghang sabi ni Celine.

"Oo nga. Sana ay siya na lang ang naging Daddy ko." manghang sabi naman ni Cherifer.

Ako naman ay ngiting tagumpay lang.

"Ito nga pala ang Daddy ko. Ang gwapo niya 'di ba?" pang-iingit ko sa kanila.

"WOW!"

Biglang nagsilapitan ang mga classmates ko kay Daddy. Pati na rin ang mga babaeng teachers ay lumapit na rin sa kanya para lang magpa-picture.

Instant celebrity ang Daddy ko ngayon. Pero masaya ako dahil nakita ko ulit siya after one year. Siguro nagkaayos na sila ni Mommy. Happy family ulit kami. Yehey! Sigurado akong wala nang mambubully sa 'king mga bata na wala raw akong Daddy. Ang saya-saya!

📌

A/N: Final chapter is coming.

His Saddest Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon