(6) #HSLSFaceToFace

1K 64 0
                                    

SHANCAI

Sinampal ko ang sarili ko.

Hindi ako nananaginip.

Kaharap ko siya ngayon.

After five years ay nagkita ulit kaming dalawa.

"Long time no see. Siguro naman ay naaalala mo pa ako." sabi niya sa 'kin.

Teka, paano niya ako nahanap? At paano niya nalamang nakakulong ako rito? Siya ba talaga ang nagpiyansa sa 'kin dito? Hindi naman sa nag-aasume ako ha. I'm just curious.

"A-anong ginagawa mo rito?"

Kinalma ko ang sarili ko. Ayokong magpahalata sa kanya na kinakabahan ako.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa 'kin? Ako ang nagpalaya sa 'yo rito." walang emosyong sabi niya sa 'kin.

Siya nga.

"Hindi mo naman kailangan gawin yo'n eh." sabi ko sa kanya. "Teka, paano mo ako nahanap?"

Nakapagtataka nga eh.

"Madali ka lang naman hanapin. At isa pa, matagal ko nang alam kung nasaan ka. Pero syempre kailangan ko lang humanap ng tiyempo para magpakita sa 'yo." sagot sa 'kin ni Jameshin.

Oo, tama kayo. Si Jameshin ang kausap ko. Ang ama ng anak ko.

Pero teka, matagal na niyang alam kung saan ako ngayon nakatira? It means alam din niya ang tungkol sa anak ko?

Sana naman hindi.

"S-salamat sa pagpiyansa sa 'kin. Wag kang mag-alala dahil babayaran kita kapag magkaroon na ako ng pera." sabi ko sa kanya.

Aalis na sana ako kaya lang ay pinigilan niya ako.

"Wait." - Jameshin

Napalingon naman ako sa kanya. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako bigla.

"Ano?" medyo naiirita kong sabi. Irita sa kaba.

"Hindi pera ang ibabayad mo sa 'kin." sabi niya.

"Ha? Ano naman ang ibabayad ko sa 'yo?" tanong ko sa kanya.

Punyeta, huwag naman sanang sex ulit.

"Gusto kong makita ang anak ko." - Jameshin

Ah yun naman pala. Akala ko...

O______O

Natigilan naman ako sa sinagot niya.

Alam niya ang tungkol kay Jamieshin?

"Siguro nagtataka ka kung paano ko 'yon nalaman. Itanong mo na lang sa bestfriend mo. Siya kasi ang nagsabi sa 'kin kung saan ka nakatira ngayon at ang tungkol kay Jamieshin, my daughter." sabi ni Jameshin.

ANO???

Sinabi lahat ni Natasha kay Jameshin ang tungkol sa 'min ni Jamieshin? How dare she!

"At saka yung mga tulong na binibigay niya sa 'yo ay galing din sa 'kin." dagdag pa ni Jameshin na mas lalo ko pang ikinainis.

Pakiramdam ko ay trinaydor niya ako. Bestfriend ko ba talaga siya?

Agad ko namang tinignan nang masama si Jameshin.

"Hindi! Hindi mo makukuha sa 'kin ang anak ko!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko hahayaang mapalapit siya sa anak ko.

"Well Miss Shancai Kirsten Salvador. Huwag mo akong susubukan. Kaya kong gamitin ang pera ko para makuha ko ang anak ko. Magkano ang gusto mo? Nalaman kong nasa hospital ngayon ang Mama mo. Maybe this might help." - Jameshin

His Saddest Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon