(30) #HSLSFinale

1K 13 0
                                    

SHAUN

"So kumusta ka naman ngayon?" tanong ko kay Jaxson.

It's been 3 months nang huli kaming magkita 'tong lalaking 'to. Natapos ang deal namin nang makahanap na si Sandra ng lalaking mamahalin niya at the same time ay mamahalin din siya. Nasa Bangkok, Thailand na sila ngayon at masayang nagsasama.

"Heto, single pa rin." sagot niya sa 'kin na ikinatawa ko.

"Hindi ka pa rin siguro maka-move on sa pangbabasted sa 'yo ni Natasha." sabi ko sa kanya. Hanggang kaibigan lang ang turing ni Natasha kay Jaxson.

"Naka-move on na ako sa kanya bro. Tanggap ko na sa sarili ko na hindi talaga kami para sa isa't isa." tugon niya sa 'kin.

"Buti naman kung gano'n." ang nasabi ko lang.

"Ikaw? Kumusta ka na?" tanong naman niya sa 'kin.

"Heto. Buhay pa naman." natawa naman siya sa sinagot ko. "Pero sa totoo lang ay nalungkot ako nang mawala ka." pag-amin ko kay Jaxson.

"Bakit ka naman nalungkot? Siguro may gusto ka na sa 'kin." pang-aasar niya. Nahiya naman ako bigla dahil do'n.

"S-syempre h-hindi. D-dapat ba may dahilan?" nauutal kong sabi. Sh*t! Bakit nauutal ako?

"Oo naman. Dapat may dahilan. Nalungkot ka nang mawala ako dahil wala lang o trip mo lang?" - Jaxson

"Okay fine. Nalungkot ako dahil sa 'yo ko lang naranasan ang mga first times ko. First boyfriend even it is fake. First guy kiss. First date with a guy at iba pa." ang naging dahilan ko. "Happy?"

"Pwede na." maikling tugon niya sa naging dahilan ko.

Ilang oras rin akong nag-stay sa coffee shop. Nanood lang ako sa kanyang pagtatrabaho. Bagay sa kanya ang suot niyang uniporme. Ang gwapo niyang tingnan. Sh*t! Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hanggang sa nagpaalam na ako sa kanya.

"Teka, aalis ka na?" tanong niya sa 'kin.

"Yes, may gagawin pa kasi ako." sagot ko sa kanya. Sa totoo lang ay wala naman akong gagawin. I don't know pero parang gusto ko siyang iwasan.

"Bago ka sana umalis ay may ibibigay ako sa 'yong gift." sabi niya na ipinagtaka ko naman.

"Ha? Anong gift naman yan? Hindi ko naman birthday at saka hindi rin pasko ngayon. Parang wala namang espesyal sa araw na 'to kaya bakit mo ako bibigyan ng gift? " tanong ko sa kanya.

Pero nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

*tsup*

Pakiramdam ko ay biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil do'n.

"Yan ang gift ko sa 'yo." nakangiting sabi sa 'kin ni Jaxson pagkatapos niya akong halikan.

Pakiramdam ko ay napunta na sa mukha ko ang lahat ng dugo ko. Basta hindi ko ma-explain kung kilig ba 'to o inis?

SHANCAI

"ANAK!" masayang salubong sa 'kin ni Mama at bigla niya akong niyakap.

Niyakap ko naman si Mama pabalik.

"Mama." naiiyak kong sabi sa kanya.

"Sobra kitang na-miss anak." narinig kong sabi niya.

"Na-miss ko rin po kayo Mama. Pasensiya na po kung nawala ako ng isang taon. Masyado po akong nadala sa emosyon ko that time kaya ko nagawa yun." pagpapaliwanag ko kay Mama.

"Basta wag mo na yun uulitin. Buti na lang talaga at nahanap ka ni Jameshin." tugon niya sa 'kin.

"Opo Ma. Pinapangako ko pong hindi na po yun mauulit." sabi ko sa kanya.

Pagkatapos ng madramang eksena namin ni Mama ay si Jamieshin naman ang kinausap niya.

"Na-miss din kita apo." sabi ni Mama sa apo ko.

"Na-miss ko rin po kayo Lola." tugon naman ng anak ko sabay yakap sa lola niya.

Pagkatapos ay sabay-sabay na kaming kumain sa hapag-kainan. Nagulat nga kaming dalawa ng anak ko dahil may pa-welcome back party sina Mama at ang boyfriend ko. (Sa wakas ay nai-flex ko rin si Jameshin bilang boyfriend ko. Hahaha!)

Pero pakiramdam ko ay kumpleto na muli ako dahil kasama ko na ngayon ang mga taong mahal ko at nagmamahao sa 'kin.

- FAST FORWARD -

Balik trabaho na ulit ako sa burger stand ni Shaun. Since nagbalik na ako ay nag-resign na rin ako sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko noon. Si Jaxson na ang namamahala nito.

Pero speaking of Shaun, bakit kaya hindi siya sumama sa amin pabalik? Nag-stay lang siya doon kasama si Jaxson. Hmm! I smell something fishy sa kanilang dalawa.

But by the way, ang daming customers ngayon. Yung iba ay mga loyal customers ko noon. Na-miss daw nila ang burger ko. Ako naman ay napangiti sa papuri nila.

"One order of burger and coke please. Dine in." narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

Napatingin naman ako sa nagsalita and I was surprise nang makita ko si Elena.

"Ikaw pala." ang nasabi ko bigla.

"Yeah. It's been a very long time na hindi tayo nagkita and also our second time." sabi niya sa 'kin.

"Long time no see rin sa 'yo. Maghintay ka lang dahil lulutuin ko pa ang patties." tugon ko kay Elena.

"And also I want to talk to you." sabi niya.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya.

"It's about Jameshin. Alam mo naman siguro yung naging past naming dalawa right?" - Elena

"Oo, nakuwento sa 'kin ng kaibigan kong nagtrabaho sa kanya dati." tugon ko kay Elena.

"I just wanted to say that please take care of him. Wag na wag mo siyang iiwan kagaya ng ginawa ko dati sa kanya. Kahit anong mangyari, don't break his heart. Dahil yun ang pinagsisihan ko sa buong buhay ko." payo niya sa 'kin.

"Okay, I will take that advice. At saka nagsisi na rin ako sa ginawa kong pag-iwan sa kanya. Kaya hindi ko na sasayangin ang pangalawang pagkakataong 'to." tugon ko sa kanya.

"Buti naman kung gano'n." - Elena

Nang mahanda ko na ang inorder ni Elena ay ibinigay ko ito sa kanya.

"Thanks." sabi niya sa 'kin.

Mas kinilala pa namin ni Elena ang isa't isa and all I can say is she's very down to earth person. Napakabait niya at friendly pa. Now I know kung bakit na-in love sa kanya dati si Jameshin.

📌

- EIGHT MONTHS LATER -

"By the power vested in me, I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." narinig kong sabi ng pari.

Tinaas naman ni Jameshin ang wedding veil ko and he gave me a long and passionate kiss.

Narinig ko naman ang palakpakan ng mga tao.

"Waaaa! Congrats sa inyo." narinig kong sabi ni Natasha.

"Mabuhay ang bagong kasal!" narinig ko namang sigaw ni Shaun.

Pagkatapos ay nagkaroon kami ng family picture. Syempre may picture din kaming dalawa lang ni Jameshin.

And from now on...

I am Mrs. Shancai Kirsten Salvador-Faulkerson.

- THE END -

📌

A/N: Epilogue is up next.

His Saddest Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon