(5) #HSLSPrison

1K 64 0
                                    

SHANCAI

"Tatlong orders nga ng cheeseburger at isang order ng superlong." - customer

"Coming right up Ma'am." sabi ko sa customer.

Kahit na may bagong trabaho na ako ay hindi ko pa rin binitawan ang pagiging cook ko sa burger stand. Sayang din kasi. At isa pa, night shift lang naman ang bago kong trabaho.

Nga pala, napakabait talaga ni Mr. Angelo dahil hindi pa rin niya ako sinisante dahil sa pag-iwan ko sa negosyo niya although may dahilan naman ako. Expected na kung bakit napaka-successful ng negosyo niya. Maganda rin kasi ang pakikitungo niya sa ibang tao kaya na-be-blessed siya palagi.

"Ito na po ang order niyo." sabi ko sa babaeng customer sabay abot sa kanya ang inorder niya. Hay! Ang dami kong customers today. Tambak ang pila ngayon.

Habang nagpriprito ako ng mga patties at hotdogs ay dumating naman si Mr. Angelo na ikinabigla ko. Bigla-bigla na lang kasi siya sumusulpot. Hindi ko pa naman napaghandaan 'to.

"Kumusta na ang pinakamagaling kong cook?" nakangiting tanong sa 'kin ni Mr. Angelo.

"Okay naman po ako Sir." sagot ko kay Mr. Angelo. "Bakit po pala kayo nandito?" tanong ko.

"Gusto sana kitang maka-usap. Si Fhlore na lang ang bahala rito." sagot sa 'kin ni Mr. Angelo.

"Sige po." tugon ko.

"Follow me." - Mr. Angelo

Sinundan ko naman si Mr. Angelo hanggang sa makarating kami sa kotse niya.

Ano kaya ang pag-uusapan namin? Bihira lang na maka-usap ko si Mr. Angelo. Mukhang seryoso siya eh.

O_____O

OMG! Ito na ba 'yon? Tatanggalin na ba niya ako sa trabaho?

"A-ano po ba ang p-pag-uusapan natin?" kinakabahan kong tanong kay Mr. Angelo.

"Actually, I need a favor. I'm not sure if papayag ka." seryosong sagot niya sa 'kin.

Nakahinga naman ako nang maluwag do'n. Akala ko tatanggalin na niya ako sa trabaho. Buti naman hindi.

Pero napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mr. Angelo.

"A-anong favor po yan Sir?" tanong ko. Ewan ko pero parang kinabahan na naman ako bigla.

.

.

.

.

.

"Can you be my girlfriend for a month?" tanong sa 'kin ni Mr. Angelo.

Ah... Yun lang naman pala ang favor niya eh.

.

.

.

O____O

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Mr. Angelo.

"A-ano po?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"W-what I mean is I want you to be my pretend boyfriend for a month. May isang babae kasing naghahabol sa 'kin which makes me so irritated. Two years na siyang sobrang obsessed sa 'kin and I hate it. Kailangan kita para tigilan na niya ako." pagpapaliwanag sa 'kin ni Mr. Angelo.

Hindi pa rin ma-process ng utak ko ang sinabi niya.

"I know na nabigla ka sa sinabi ko but please pumayag ka." pagmamakaawa niya sa 'kin.

"P-pero bakit ako Sir? Marami namang iba diyan." tanong ko sa kanya.

"It's because ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko. Ikaw lang ang walang may special feelings sa 'kin. Kung ibang babae ang piliin ko ay baka ma-get attached sila sa 'kin." sagot niya sa 'kin.

His Saddest Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon