SHANCAI
Nandito kami ngayon sa Star City. Bigla na lang kasi nagyaya 'tong si Jameshin kasama ang anak namin.
Ang nangyari kanina ay wala na ang deal namin ni Shaun. Ito'y dahil kay Jameshin. Sinabi ba naman niya kay Shaun na nagmamahalan na kaming dalawa. Nakakakilig--este nakakainis!
Pero infairness, mukhang hindi na ako kinukulit ni Shaun na hindi mag-back out sa deal namin dahil sa sinabi ni Jameshin. Mukhang okay na rin 'yon.
"Daddy! I want that balloon." sabi ni Jamieshin sa Daddy niya sabay turo kay Manong na nagtitinda ng lobo.
"Okay baby. I'll buy that for you." sabi ni Jameshin na ikinatuwa ng anak namin. At saka siya bumili ng lobo para sa anak namin.
"Do you like it baby?" tanong ni Jameshin sa anak namin.
"Opo Daddy." masayang sagot ni Jamieshin.
Tumingin naman sa 'kin si Jameshin.
"Ikaw Kirsten, may gusto ka ba sa 'kin?" tanong niya sa 'kin.
"Ha?" 'yon lang ang nasabi ko. Hindi ko kasi ma-gets ang sinabi niya.
"What I mean is may gusto ka bang bilhin para ako na ang bumili para sa 'yo." pagpapaliwanag ni Jameshin.
Yun pala ang ibig niyang sabihin. Akala ko--- nevermind.
"Wala naman. Gusto ko nang sumakay na tayo ng mga rides." sagot ko.
"Yey rides!" - Jamieshin
Maraming rides ang sinakyan namin at talaga namang nag-enjoy kaming tatlo lalo na ang anak namin.
"Nagutom po ako do'n Daddy." sabi ni Jamieshin habang nakahawak sa tiyan niya. Mukhang napagod siya.
"Okay baby, let's eat." sabi ni Jameshin.
Pagkalabas namin sa Star City ay pumunta kami sa Charitos para kumain.
"Sandali lang. Rest room muna ako." sabi ko sa kanila.
Naiihi na kasi ako.
"Okay." tugon lang ni Jameshin.
Agad akong pumunta sa rest room para umihi.
Pagkatapos ay naghugas ako ng kamay sa may sink.
Habang naghuhugas ako ng kamay ay naririnig ko naman ang pag-uusap ng dalawang babae na nasa tabi ko.
"Girl, nandito siya ngayon." sabi ni Girl No. 1 habang kinikilig.
"Ha? Sinong nandito?" nagtatakang tanong ni Girl No. 2.
"Ang dating artista na si Jameshin. Gosh! Ang gwapo pa rin niya hanggang ngayon." - Girl No. 1
Napatigil naman ako dahil sa narinig ko.
Teka, si Jameshin ba na kilala ko yung tinutukoy nila? Baka siguro ibang Jameshin.
"Really? Pa-picture tayo." kinikilig na sabi ni Girl No. 2.
"Pero may kasama siyang isang babae at isang bata. Siguro asawa niya yung girl at anak naman niya yung little girl." sabi ni Girl No. 1 na nanghihinayang.
Mukhang si Jameshin nga ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam na artista pala siya dati.
"Teka, si Louise ba yung asawa niya?" - Girl No. 2
Sino naman si Louise?
"Gaga hindi. Si Billy Williams ang asawa no'n." - Girl No. 1
"Si Elena kaya? Mukhang nakipagbalikan na siya sa ex niya." - Girl No. 2
Ngayon Elena naman. Teka, parang pamilyar yung name. Parang narinig ko na 'to mula kay Jameshin.
"Siguro. Pero parang may kutob ako." - Girl No. 1
"Ha? Anong kutob naman 'yan girl? Excited na akong marinig." - Girl No. 2
"Maybe the gossip is true na nakabuntis si Jameshin Faulkerson. Maybe that's the reason why he left showbiz." - Girl No. 1
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko mula kay Girl No. 1.
OMG! Alam kaya nila ang tungkol sa 'kin?
"Pwede rin. But who's that lucky girl kaya if siya nga?" - Girl No. 2
"I don't know. Pero maswerte siya because Jameshin took the responsibility." - Girl No. 1
"True tapos araw-araw pa niyang matitikman si Fafa Jameshin." - Girl No. 2
Eww! Kadiri naman ng sinabi ni Girl No. 2. Hindi naman ako kumakain ng tao ah.
By the way, nakahinga naman ako nang maluwag do'n dahil buti naman at hindi nila alam ang tungkol sa 'kin.
Pero dahil sa kanila ay marami akong nalaman na information tungkol kay Jameshin.
Pero ang pumukaw talaga sa isip ko ay yung kay Elena. Pamilyar talaga siya sa 'kin. Parang sinabi na 'yon sa 'kin ni Jameshin.
"I'm gonna fuck you with love Elena."
Alam ko na! Ito yung tinawag sa 'kin ni Jameshin noong nag-ano kaming dalawa. You know.
Akala ko ay nakalimutan niya lang ang pangalan ko kaya 'yon ang tinawag niya sa 'kin. Pero nakikita niya pala sa 'kin ang ex niya.
Ewan ko pero parang kumirot ang puso ko dahil sa bago kong nalaman.
Nakipag-sex siya sa 'kin hindi dahil ako si Shancai. Ito'y dahil nakikita niya sa 'kin ang ex niya.
Lasing nga pala siya that time kaya ibang tao ang nakikita niya at hindi ako.
Nang lumabas na ang dalawang babae ay tinapos ko na rin ang paghuhugas ng kamay at lumabas na ng rest room.
"What did you took so long?" tanong sa 'kin ni Jameshin.
"Maraming nag-c-cr." yun lang ang sinabi ko gamit ang malamig kong boses.
"Hey, are you alright? Parang hindi maganda ang pakiramdam mo ngayon." concern niyang tanong sa 'kin.
"Ayos lang ako." I lied.
"Okay." yun lang ang sagot niya sa 'kin.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta naman kami sa mall. May sariling mundo ang mag-ama habang ako naman ay tahimik lang.
"Daddy, tingnan mo. Si Sailor Moon!" manghang sabi ni Jamieshin sabay turo sa babaeng naka-cosplay ng Sailor Moon. "Ang ganda pala niya kapag hindi siya cartoons."
"Oo, pero mas maganda pa rin si Mommy." - Jameshin
Napatingin naman ako kay Jameshin dahil sa sinabi niya.
Nakatingin pala siya sa 'kin habang nakangiti.
"Tama ka po Daddy. Mas maganda pa rin po ang Mama ko." pagsang-ayon naman ng anak ko sa sinabi ng Mama niya.
Lihim akong napangiti sa sinabi ni Jameshin.
Feeling ko ay unti-unting nawala ang kirot sa aking puso.
Sinabihan lang ako ng maganda ni Jameshin ay gumaan na agad ang pakiramdam ko sa kanya.
Ito na ba ang sign ng pagiging marupok ko dahil kay Jameshin?
Sana naman hindi.