JAMESHIN
"Love, is there a problem? Bakit kanina mo pa ako hindi pinapansin? Did I do something wrong?" tanong sa 'kin ni Elena.
So she didn't know, or she's just pretending.
Hinarap ko si Elena.
"I told you to stay away from that guy pero hindi mo na naman ako sinunod." galit na sabi ko sa kanya.
Nakita ko naman ang paghawak niya sa sentido niya.
"Ano bang problema mo sa kanya love? Shaun is a good guy. Hindi mo pa nga siya kilala pero ang laki na ng galit mo sa kanya." medyo naiinis na niyang sabi.
"B-basta, l-layuan mo ang lalaking 'yan." ang tugon ko.
I'm out of words.
Nakita kong nainis na rin si Elena sa mga sinasabi ko sa kanya.
"Alam mo Jameshin. Hindi kita naiintindihan. Tinatanong kita kung anong problema mo kay Shaun pero hindi ka naman sumasagot. Ang lagi mo lang sagot ay 'basta, layuan mo siya'." galit na niyang sabi.
Hindi naman ako makapagsalita dahil sa sinabi niya.
"Basta hindi ko siya lalayuan. Mabait siyang tao kaya hindi kita susundin. Bahala kang magalit sa akin Jameshin." dagdag pa niya at tinalikuran na niya ako.
Ako naman ay hindi mapigilang mag-alala. Natatakot akong baka maghiwalay kaming dalawa. Mali ako dahil kinakain ako ng selos ko dahil sa lalaking 'yon. Eh sino ba naman ang hindi magseselos kung laging kinukuwento ng girlfriend mo yung lalaking 'yon. Nakikita mong masaya siya kapag kinukuwento niya ito sa 'yo.
Bago pa makaalis si Elena ay napasigaw ako.
"Damn! I'm jealous." sigaw ko.
Nakita ko namang napatigil siya at lumingon sa akin.
"A-anong sabi mo? T-tama ba ang narinig ko?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Nagseselos ako kaya gusto kong lumayo ka sa lalaking 'yan."
Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon.
Hanggang sa...
"Waaaa! Sorry love." ang nasabi niya. "Sorry dahil hindi ko alam na nagseselos ka na pala. Kung alam ko lang... Napakamanhid ko naman para maramdaman 'yon."
"Sorry din love kung nagalit ako sa 'yo. Hindi ko kasi mapigilang magselos sa lalaking 'yan. Masyado na kayong close to the point na lagi mo siyang kinukuwento sa 'kin kahit kakakilala mo pa lang sa kanya." tugon ko kay Elena.
"Pero love, hindi mo naman kailangang magselos. Alam mo namang ikaw lang ang lalaking mahal ko 'di ba?" - Elena
"I know. Don't worry because it won't happen again."
"Sigurado ka? Baka scam 'yang sinabi mo." - Elena
Natawa ako bigla sa sinabi niya.
I hugged her. "Yes, you know that I trust you love." I said to her.
Bumitaw naman si Elena sa pagkakayakap sa 'kin.
"Good. Pero by the way, may book signing ako mamaya sa Dyosa's Mini Arena. Gusto kitang ipakilala sa mga fans ko." - Elena
"Really? Baka ako ang dumugin ng mga fans mo imbes na ikaw dahil sa kagwapuhan ko." sabi ko kay Elena.
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Hahaha! Oo nga no. Siguro maghintay ka na lang sa kotse. Walang sinuman ang pwedeng humalik at humawak sa boyfriend ko." sabi niya na ikinangiti ko naman.
"That's my girl. At handa akong maghintay para sa 'yo." sabi ko kay Elena.
Nag-blush naman siya.
"Ang sweet mo talaga love." she said.
Pakiramdam ko ay kumpleto na ang buhay ko dahil kay Elena. Noon ay puno ng inggit ang nararamdaman ko sa kakambal ko dahil siya na lang palagi ang masaya sa aming dalawa. Pero ngayon ay nahanap ko na rin ang sarili kong kaligayahan.
📌
Habang hinihintay ko dito sa parking area si Elena na nasa book signing event ngayon, tumawag naman sa akin ang kakambal kong si Jameson. Siya ang tinutukoy ko kanina na kinaiinggitan ko noon.
"Hello bro, napatawag ka?" tanong ko kay Jameson.
("Nandito na ako ngayon sa Pinas bro. Sobrang na-miss kita kaya gusto kitang ayaing gumimik mamaya sa bar.") sagot niya mula sa kabilang linya.
Nandito na pala siya. One month siyang nawala sa Pilipinas dahil sa taping ng bagong movie niya. Isa siyang sikat na artista at kabilaan ang nagiging projects niya kaya minsan lang kami magkita nito. Kaya nga ayokong pasukin ang showbiz nang inaya ako ng manager niya dahil magulo ang mundong 'yon.
"Sure bro. Pwede ko bang isama mamaya si Elena? Isama mo na rin ang girlfriend mong si Elisa para may kasama ka." tanong ko sa kanya.
("Sure bro. Na-miss ko rin si Elena. At saka hindi pwede ngayon si Elisa dahil busy siya ngayon. By the way, hindi ko siya girlfriend.") sagot niya sa 'kin.
Aware ako na nagkaroon ng something noon sa pagitan ng kakambal ko at ng girlfriend ko. Pero no big deal 'yon sa 'kin dahil puppy love lang naman ang nangyari sa kanila.
"Pero do'n din naman ang hantong niyo." panunukso ko sa kakambal ko.
("Alam mo naman kung sino ang babaeng mahal ko at hindi 'yon si Elisa. Katrabaho lang ang turing ko sa kanya. Siya lang ang may gusto sa 'kin.") seryosong sabi niya.
"Hahaha! Alam ko naman 'yon bro. Sige, kitakits na lang mamaya." sabi ko.
("Ge bro.") - Jameson
Nang matapos ang pag-uusap namin ng kakambal ko ay nakinig muna ako ng music habang hinihintay si Elena. Medyo boring din kasi kapag buong magdamag lang ako maghintay.
Nang magsawa na ako ay nanood naman ako ng videos sa phone ko. Mostly +18 videos ang pinapanood ko. Well I'm a guy too with needs. Pero minsan lang ako nanonood nito dahil ayokong mahuli ako ni Elena.
"I'm here love."
Napabalikwas naman ako nang marinig ko ang boses ni Elena.
Agad ko namang pinatay ang phone ko.
"N-nandito ka na pala Elena." kinakabahang sabi ko. Shit! Muntik na niya akong mahuli.
"Are you okay love? Parang nakakita ka yata ng multo." nagtatakang tanong ni Elena.
"I-i'm fine. Kinabahan lang ako sa pinapanood kong horror movie." I said to her.
She just nodded.
Binuksan ko naman ang pintuan ng kotse para makapasok siya.
"By the way, daan muna tayo sa restaurant ni Danielle dahil may inorder ako sa kanyang mga pagkain for the charity." sabi sa 'kin ni Elena.
Napakabait talaga ng girlfriend ko. May tinayo siyang charity para sa mga batang lalaking inabandona ng kanilang mga magulang.
"Sure." I said.
Hindi talaga ako nagsising siya ang minahal ko.