(28) #HSLSNewLife

1K 13 0
                                    

SHANCAI

- ONE YEAR LATER -

Kahit mahirap ang buhay namin ngayon ng anak namin ay tinitiis namin ito para mabuhay lang.

Nasa isang malayong lugar kami na kung saan ay walang nakakaalam maliban kay Natasha. Nagtatrabaho ako sa isang coffee shop bilang barista at the same time cashier na rin. Sa akin ipinagkawala ng may-ari ang coffee shop na 'to kaya maganda ang sweldo ko.

"Kyaaaaa! Ang gwapo talaga ni Jaxson." kinikilig na sabi ng isang babae. Ang tinutukoy ng babae ay ang katrabaho kong si Jaxson. Siya ang kasama ko parati dito sa coffee shop.

"True. Darn! I want to give my virginity to him. I bet super big ng brown banana niya." sabi naman ng isa pang babae. Eww! Brown banana? Parang ayaw ko na tuloy kumain ng nilagang saging dahil do'n. Yan kasi ang lagi kong kinakain kapag gutom na ako with matching kikiam.

"Hahahaha! Baka kikiam kamo." narinig kong sabi ng isang lalaki. Buti na lang ay pumunta sa kusina si Jaxson. Baka mabugbog-sarado ang lalaki kapag marinig niya ang sinabi nito. At saka ayoko na ring kumain ng kikiam. Bakit kasi ginamit nila ang kinakain kong food sa pagde-describe sa ano ni Jaxson? I think I'm going to vomit anytime.

"Isang order ng cappucino raw." sabi sa 'kin ni Jaxson.

Agad naman akong nag-prepare ng cappucino para sa customer. Medyo marami ang customers namin ngayon. Simula kasi nang ma-hire 'tong si Jaxson last week ay mas dumami ang customers ng coffee shop. And mostly girls and gays ang customers.

Nang maihanda ko na ang cappucino ay ibinigay ko ito kay Jaxson para i-serve niya sa customer.

"Mommmmyyyyyyy!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sigaw ng anak ko.

"Anak? Anong ginagawa mo rito? At saka paano ka nakapunta rito? Di ba mamayang hapon pa matatapos ang klase mo." tanong ko sa anak ko.

"Mommy, ayoko na pong pumasok. Inaaway po ako ng mga bata do'n. Ang sabi po nila ay wala raw akong Daddy kahit meron naman." sagot niya sa 'kin.

Hindi ko mapigilang maawa sa anak ko. Pakiramdam ko ay hindi ako naging mabuting ina sa kanya. Simula nang lumayo kami ng anak ko sa Papa niya ay imbes na magkaroon siya ng maganda buhay ay kabaliktaran lahat ang ibinibigay ko sa kanya. Sinubukan kong bumalik kay Jameshin at kalimutan ang ginawang panloloko niya sa 'kin pero nakita kong masaya na siya sa piling ni Elena. Dahil do'n ay hindi na ako bumalik pa.

"Pasensiya na anak kung nangyayari 'to lahat sa 'yo. Wag kang mag-alala dahil kakausapin ko bukas ang principal tungkol sa ginawa nila para hindi na maulit pa." sabi ko kay Jamieshin.

Pagkatapos kong kausapin ang anak ko ay bumalik ulit ako sa trabaho ko.

SHAUN

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Natasha.

"Sinabi mo lahat yun kay Shancai one year ago?!" napasigaw ako nang wala sa oras dahil sa sinabi niya.

"Yes, and I thought it was real. Alam ko lahat ng naging plano ni Jameshin before he met his daughter. Ako ang naging spy niya dati para kay Shancai. But I was wrong. Hindi pala siya ang nagpasunog ng bahay nila dahil aksidente lang ang nangyari. Hindi ring totoong siya ang nagpakulong kay Shancai dahil ang totoo ay ilegal ang naapplyan niyang trabaho at nadamay lang siya. At higit sa lahat, hindi totoong may balak siyang kunin kay Shancai ang anak niya." pagpapaliwanag niya sa 'kin.

Napahilamos naman ako sa mukha dahil do'n

"Bakit ngayon mo lang yan sinabi sa 'kin?" tanong ko kay Natasha.

"Dahil ngayon ko lang din nalaman ang totoo mula kay Jameshin. Sinabi ko na rin kay Jameshin kung saan siya nakatira ngayon para maitama ko ang pagkakamali ko." sagot niya.

"Sa ginawa mo ay dinamay mo na rin ang anak nila. Nawalan ulit siya ng ama nang dahil sa 'yo. Tapos nangulila pa ang Mama niya sa pagkawala niya at yun ay dahil sa 'yo." sabi ko sa kanya.

"Kaya nga nagsisisi na ako sa ginawa ko." - Natasha

"Pero teka, alam mo kung nasaan sila? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin 'yan?" naiinis kong tanong kay Natasha. Ang dami niyang tinatagong sikreto sa 'kin ha.

"Eh sa sikreto namin yun dalawa ni Shancai. But now you should know the truth." - Natasha

Sinabi niya sa 'kin ang location kung saan siya nakatira ngayon. Wala naman akong sinayang na oras at agad ko siyang pinuntahan kahit na ito'y malayo.

"Teka, sasama ako." sabi sa 'kin ni Natasha.

SHANCAI

Nakatingin ako ngayon sa kalangitan. Ang daming bituing kumikinang sa langit. Naisip ko tuloy si Mama.

Kumusta na kaya si Mama? Ayos lang kaya siya ngayon?

"Mommy, inaantok na po ako. I want to go to sleep." sabi sa 'kin ng anak ko.

"Sige anak. Pumasok na tayo sa loob." sabi ko sa kanya.

Nang makapasok na kami sa munting bahay namin ay inayos na namin ang aming higaan para makatulog na kami. Sa sala lang kami natutulog dahil wala namang kwarto ang tinitirahan namin.

📌

- NEXT DAY -

Maaga akong nagising para maghanda ng agahan. Lugaw lang ang pagkain namin ngayon dahil kapos ako ngayon sa budget. Well at least essential naman 'tong lugaw na 'to. Hahaha!

Bago ako pumasok sa aking trabaho ay sinamahan ko muna ang anak ko papuntang school. Gusto ko ring kausapin ang principal dahil sa nangyari sa kanya kahapon.

"We're very sorry for what happened to your daughter Miss Salvador. We will make sure na hindi na 'to mangyayari sa kanya. Responsibilidad ng school namin ang mapabuti ang bawat estudyante rito. Again, we're very sorry." sabi sa 'kin ng principal.

"Salamat po Ma'am Kikay." tugon ko sa principal.

Pagkatapos kong kausapin ang principal ay hinatid niya kami ng anak ko sa room.

"Uy, andyan na si Jamieshin, yung walang Daddy." narinig kong sabi ng isang batang babae na classmate ng anak ko.

"HAHAHAHAHAHA!" biglang tawanan ng mga estudyante kaya napayakap sa 'kin ang anak ko.

"Hoy tama na yan! Gusto niyo tawagin ko ang mga magulang niyo para ma-grounded kayo!" pagbabanta ng principal sa mga estudyante kaya napatigil sila sa pagtawa.

"Bullying yang ginagawa niyo at alam niyong may kaparusahan yan kapag ginawa niyo yan." sabi pa ng principal.

Pagkatapos kong ihatid ang anak ko at kausapin ang principal sa school ay naglakad na ako papunta sa coffee shop. Hindi na ako sumakay pa dahil masyadong magastos ang pamasahe rito. At saka nandun naman si Jaxson para asikasuhin ang customers.

Nang makarating ako sa coffee shop ay nagulat ako sa nakita ko nang makapasok ako sa loob.

Si Jameshin.

Nandito siya ngayon.

His Saddest Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon