(26) #HSLSElena

1K 13 0
                                    

SHANCAI

Isang linggo ang nakalipas at ang daming masasayang nangyari sa buhay ko. Isa na do'n ang paggaling ni Mama at nakalabas na siya ng hospital. Since inaayos pa ang nasira naming bahay ay dito muna siya sa bahay ni Jameshin.

Pero ang pinakamagandang nangyari ay ang sa amin ni Jameshin. Hindi pa naman kami pero unti-unti na kaming nag-le-level up. Siguro mga nasa level 6 na of 11. Yung minsan kaming lumalabas pero kasama ang anak namin. Parang masasabi ko na rin yung date namin.

Habang naglilinis ako sa kusina ay bigla akong tinawag ng Mama ko.

"Anak, may bisita. Hinahanap niya raw ang future son-in-law ko." sabi sa 'kin ni Mama.

"Pero wala po rito si Jameshin Ma. Nag-bo-bonding sila ngayon ng anak namin sa park." tugon ko kay Mama. "Sandali lang at pupuntahan ko yung bisita." dagdag ko pa.

"Nasa sala siya ngayon." - Mama

Pinuntahan ko yung bisita ni Jameshin sa sala.

Pagkarating ko sa sala ay may nakita akong isang babae. Naka-upo siya sa couch at may suot pa siyang bonnet. Sino kaya siya at ano kaya ang kailangan niya kay Jameshin?

"Magandang araw Miss." bati sa 'kin ng babae.

"Magandang araw din." bati ko naman sa kanya.

Sa totoo lang, ang ganda niya at mukhang mabait pa. Wala akong panama sa kanya. Teka, bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kanya?

"Gusto ko sanang makita at maka-usap si Jameshin. Nandito ba siya ngayon?" tanong sa 'kin ng babae.

"Ah wala siya rito." maiksing sagot ko sa kanya.

"Ganun ba? Sige, babalik na lang ako sa susunod." sabi niya at tumayo na siya para umalis.

"Sandali lang Miss." pagpipigil ko sa kanya. Gusto ko siyang makilala.

Humarap naman siya sa 'kin.

"Bakit Miss?" tanong niya sa 'kin.

"Gusto ko sanang malaman ang pangalan mo. Ako nga pala si Shancai." tugon ko sa kanya.

"Ganun ba? Ang cute naman ng pangalan mo. Ako naman si Elena." pagpapakilala naman ng babae.

Teka, Elena? Parang narinig ko na yun dati ha.

.

.

.

"I'm gonna fuck you with love Elena."

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sa 'kin noon ni Jameshin nang may nangyari sa aming dalawa six years ago.

Siya ba yung tinutukoy ni Jameshin noon?

Kaano-ano niya ang babaeng 'to?

JAMESHIN

"Nag-enjoy ka ba anak?" tanong ko kay Jamieshin nang ipasyal ko siya.

"Opo Daddy. Pero sayang po dahil hindi natin kasama si Mommy." sagot sa 'kin ng anak ko.

May point ang anak ko do'n.

"Kaya nga uuwi na tayo dahil nami-miss ko na rin siya." tugon ko naman na ikinatuwa ng anak ko.

Nang maka-uwi na kami ay may nakita akong isang babaeng naka-bonnet na lumabas ng bahay namin at nagmamadaling umalis.

Sino kaya siya at anong ginagawa niya sa bahay namin? Baka siguro bisita ni Mama (ni Kirsten).

Nang makapasok na kami sa loob ay nakita namin si Mama na naglalaro sa cellphone.

His Saddest Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon