SHANCAI
Kanina pa ako naghahanap ng trabaho pero wala akong mahanap. Kung meron man ay maliit naman ang sweldo gaya ng kinikita ko sa burger stand. Tapos hanggang high school lang ang natapos ko kaya mahirap talaga. Parang anytime ay susuko na ako.
Ayoko namang humingi pa ng tulong kay Natasha dahil nakakahiya na. Ilang beses na niya akong tinulungan anything about financial, pero ako wala man lang maitulong sa kanya. Hindi naman ako mayaman gaya ni Natasha eh.
Please lord, bigyan mo naman ako ng sign para magkaroon na ako ng trabaho na may malaking sweldo kahit napaka-imposible.
At binigay naman sa 'kin ni lord ang hiling ko nang may nakita akong isang help wanted sign.
HELP WANTED:
Bar Dancer
Salary: Php 10,000 above per night
(ONLY FOR 18+ Y.O.)
Wow! 10K per night? At hindi lang saktong 10K, may above pa.
Pero kailangan kong galingan ang dancing skills ko. Aba magaling kaya akong sumayaw. Palagi yata akong pinapasali ni Mama sa mga cultural dance sa school dati.
Pero ano kaya ang ipapasayaw nila sa akin kapag magtrabaho ako rito? Hiphop? Belly dancing? O baka breakdance.
Pumasok ako sa loob ng bar para mag-apply.
"Hello po, Ako nga po pala si Shancai Kirsten Salvador. Gusto ko po sanang mag-apply bilang bar dancer." sabi ko sa lalaki. Siya siguro ang may-ari ng bar na 'to. Infairness gwapo siya although may ka-edaran na siya. Siguro nasa 35 na ito. Kahawig niya si Lee Dong-Wook my loves. Chos! Napaghalataang k-drama addict.
"Sigurado ka ba diyan Miss? You looked innocent for me." tanong sa 'kin ng may-ari.
Ha? Kapag inosente ba ako ay hindi ako tanggap sa trabaho?
"Oo naman po." sagot ko sa may-ari. Okay na ang sigurado. Pero natatakot akong baka ang ipagawa sa 'kin nito ay mga death-defying na mga sayaw. Huhuhu! Bakit ko pa kasi 'yon naisip? Natakot tuloy ako.
Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa.
"Kung sa bagay, sexy ka naman." sabi ng may-ari ng bar habang tumatango.
Ha? Required ba sa trabahong 'to ang pagiging sexy?
"Siguro naman ay aware ka sa trabahong 'to." sabi sa 'kin ng may-ari.
Ha? Anong ibig niyang sabihin? Ang dami kong hindi na-gets sa sinabi niya. Waaaa! Baka hindi ako matanggap neto.
"O-opo." tugon ko kahit hindi ko ma-gets ang sinabi niya.
"Kung ganun, just signed this contract at makakapagsimula ka na mamayang gabi." sabi niya na ikinatuwa ko.
"Talaga po? S-salamat po at tinanggap niyo po ako." hindi makapaniwalang tugon ko.
Kahit hindi ko alam ang gagawin ko ay pinirmahan ko pa rin ang kontrata na hindi binabasa ang terms of agreement. Bahala na. Para naman 'to kay Mama.
Sa wakas may pambayad na rin ako para sa pagpapagamot ni Mama sa hospital.
Pagkatapos kong pirmahan ang kontrata ay agad akong bumalik sa hospital.
*krrrriiiiiiiinnnnnnnnggggg!*
My phone rang.
Tumatawag si Natasha.
Sinagot ko naman yung tawag.